~18~ 'HURT'

192 9 2
                                    

~18~

A/N: hello! Dedicated po kay @athenamadrinan thank you

•Elle•

"Kyaaaaahhh! Camille? Camille andyan ka pa ba?"

kausap ko si Camille syempre sya ang best friend ko! kanino ko pa ba iku-kwento ang lahat?

Saturday ngayon kaya walang pasok. katawagan ko sya

"y-yeah, I'm still here."

"okay ka lang ba?" tanong ko

biglang naputol yung tawag. ano kayang nangyari dun?

"Nak! may naghahanap sayo!" sigaw ni mama kaya dali-dali akong bumaba, nakita ko si Christian na naghahabol ng hininga

"Oh christian? para kang hihikain dyan"

"Elle, si Ivan at si Camille!"

"h-ha? anong nangyari?"

tumakbo sya. tumango sakin si mama na nagsasabing okay lang na sundan ko sya

habang tumatakbo ako pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko

ano bang nangyayari?

tumigil si Christian sa pagtakbo at ganun din ang ginawa ko

nanlaki ang mata ko nang makita ang nangyayari

Dave and his friends binubugbog nila si Ivan! nakahiga si na ito at hindi na makatayo at ang daming sugat

si Camille, sinasabunutan nila si Camille

tumakbo kami papalapit sakanila

susuntukin sana ulit ni Dave si Ivan nang mapansin nya ako

"oh hi there hello kitty" Dave

"what the heck?! ano to?"

"This man! kailangan nya pagbayaran ang ginawa nya saamin last time!" galit na sabi nya

"S-so, y-you can't accept that I beat all of your asses all by myself and now pinagtutulungan nyo ako. what a coward," wika ni Ivan at sinubukang tumayo pero natumba lang sya

ano bang sinasabi nya?! lalo lang nyang iniinis si Dave!

"Out of place ako dito huh" ani ni Christian na nasa tabi ko. siniko ko sya

"lalaki ka ba? iligtas mo si Camille!"

"yeah right." at ayun nakipagsuntukan na sya easy na easy nga lang sakanya anak ng tinapa dapat kanina nya pa ginawa yan!

kumuha si Dave ng kahoy at akmang ipupukpok kay Ivan nang iniharang ko ang likod ko

sumigaw ako sa sakit

"What the fuck Elle?" galit na sabi ni Ivan

"wala akong planong manakit ng Babae, ano bang ginagawa mo?! nagpapaka-superhero ka?! Gusto mo ba sya ha?! He's kissing someone kanina. someone! na wala ka manlang panama!" sunod-sunod na sabi ni Dave. minulat ko ang mata ko at nakita ko ang gulat na si Ivan

dumodoble ang sakit at hapdi na nararamdaman ko. Nagtutubig ang mga mata ko

"what? Haha don't tell me hindi mo alam na may girlfriend sya?" dagdag pa ni Dave

g-girlfriend? may girlfriend sya? eh ano yung putapeteng offlimits na sinasabi nya?

Pinagtitripan lang ba nya ako?

tumingin ako kay Ivan at umiiling sya na parang nagsasabing huwag akong maniwala

"so, stop being a hero at umalis ka dyan!"

Hindi ako umalis kapag umalis ako masasaktan si Ivan

Nakatalikod ako kay Dave at kaharap ko si Ivan

"U-umalis ka na dyan" nahihirapang sabi ni Ivan

"No." Mariin kong sabi, kahit na nasaktan ako sa nalaman ko at ang gusto ko ay maramdaman din ni Ivan ang sakit na yun hindi ko magawa. Hindi ko kayang umalis at makita siyang masaktan

"Ayaw mo ha?"

bantang tanong ni Dave at kita ko sa anino nya na ihahampas na nya saakin ulit yung kahoy

napapikit ako ng mariin but then walang nangyari

naramdaman kong may humawak sa balikat ko at inakay ako patayo

"Come on Elle, you're bleeding!"

inakay ako ni Camille and everything turns to blur

the last thing i saw, akay ni Christian ang walang malay na si Ivan.

Hi CRUSH!Where stories live. Discover now