~9~ 'FOR REAL!'

210 11 0
                                    

~9~

•Elle•

"sige na Elle please?" Dave

"samahan mo na sya Elle, sorry talaga Hindi ako makakasama" sabi naman ni Camille, bumuntong hininga ako at tinignan si Dave

"oo na" sabi ko ngumiti naman ng malawak si Dave

"yey! thank you! hintayin kita sa gate mamaya" aniya, nagpapasama kasi sya sa hospital bibisitahin yung childhood friend nya hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa akong isama

uwian na lumabas ako at nandun sya, si Dave. Kamakailan lang si Ivan ang nakikita kong nandito sa labas at sabay kaming naglalakad habang daldal ako ng daldal at sya naman ay iritable lang.Nakakamiss

"Tara na?" aya ni Dave. tumango ako at sabay kaming naglakad

sumakay kami sa kotse nya, buong ride hindi nya ako kinakausap seryoso lang sya biglang nag-iba ang atmosphere at parang ayaw ko ng tumuloy

"nandito na tayo" sabi nya at naunang bumaba hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto na ginagawa nya noon. nagkibit balikat na lamang ako

pagbaba ko ang dilim tapos...tapos parang warehouse? nakaramdam agad ako ng kakaiba. paglingon ko kay Dave hindi na sya nag-iisa andami na nyang kasama at hindi ko sila kilala! para silang miyembro ng kulto

waaahhh mama!

"D-dave ano to?" kinakabahang tanong ko. he smirked

"dinala kita dito kasi..."

may lumapit sakin at hinaplos ang buhok ko nilayo ko agad ang sarili

"When they saw you with me, nagustuhan ka nila" pagtutuloy nya at sinuklay ang buhok nya. nanlaki ang mata ko at kinabahan na ako akala ko sa teleserye lang to nangyayari? akala ko ba gusto ako ni Dave bakit nya ako ibinubugaw sa mga ulupong na to

"Let's go?" bulong ng isa sa tenga ko. naningkit ang mata ko at sinipa sya sa alam nyo na yun

tumawa lang ang mga kasama nya sa likuran kitang-kita ko kung pano sya nasaktan, buti nga! pagkabangon nya akmang sasampalin nya ako

napahawak ako ng madiin sa laylayan ng palda ko , alam kong masakit pero hindi ako umiwas para akong nabato pinikit ko ang mga mata ko

"Ivan" nabulong ko na lang, akala ko kasi kapag binanggit ko yun dadating sya at sasaklolohan nya ako pero sa anime lang pala yun nangyayari

napahawak ako sa mukha kong sinampal nya, ang sakit, ramdam ko ang mga luha kong nagbabadya

hindi lang dahil masakit yung sampal kundi bakit hindi sya dumating? eh bakit nga naman kasi sya dadating? teka nga maiba tayo, kahit si mama hindi ako nasasampal tapos itong lalaking to pa?! lumingon ako sa lalaki at

"anong nangyari?" nakahiga silang lahat, hala? nakita kong may nakatalikod na lalaki sakin at hingal na hingal

humarap sya at tumakbo saakin

"okay ka lang?" alalang alala ang boses nya

nandito sya....

nandito si Ivan

"a-ayos lang. medyo masakit nga lang tong pisngi ko"

"Sino dyan ang nangsampal sayo?"

"Ivan.." ani ko, hindi naman na mahalaga at mukhang lahat sila ay tulog na

"Sino?!" tanong nya ng medyo mataas na ang tono nya

"okay na nga, ayos lang" tinignan nya ako ng masama

"sassbihin mo o hindi kita ilalabas dito?" agad kong tinuro yung lalaki, aba gusto ko ng umuwi noh! lumapit sya at sinikmuraan ito

isa

dalawa

tatlo

apat

Lima. limang suntok sa sikmura ang ginawa nya at nag-aamba pa syang gawing anim ito

"Tama na!" sigaw ko. binitawan nya yung lalaki at hinigit na ako palabas pintik nya ang noo ko

"anong sabi ko sayo? diba sabi ko umuwi ka na kapag niyaya ka ni Dave?" tapos ang sama nanaman ng tingin nya saakin sorry naman

"Sorry ah. sino ba yung mga kasama nya kanina?"

"Hindi totoong gusto ka nya na-tripan ka lang ng mga kabarkada nya" aniya atsaka kinaladkad na ako para makalayo na kami sa lugar na to

I smiled bitterly, ganun din yung ginawa nya saakin sa canteen, sinabi nyang gusto nya ako pero dare lang pala ng mga kaibigan nya

"Sige, uwi na ako" sabi ko at unti-unting kumalas sa hawak nya

"Elle!" habol nya saakin

"hatid na kita"

"Hindi na."

"sige na."

"ayoko"

"bakit?" huminga ako ng malalim, hindi pa ba obvious na umiiwas na ako?

"basta!"

"Ihahatid kita" pagpupumilit nya

"bakit ba?!" hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses

"Gusto ko ligtas kang makauwi, anong bakit ba?" kunot noo at inis na sabi nya. nauna na akong maglakad at nilagpasan ko sya

bakit ganun sya? magsasabi sya ng ikapapalagay ng loob ko pero kinabukasan hindi na ulit sya mamamansin

ano bang tawag dun? ahh paasa

hinabol nya ako at sabay kaming naglakad pero hindi ko na sya kinausap hanggang sa nasa tapat na ako ng bahay namin

"sige, papasok na ako. ingat ka pag-uwi" walang gana kong sinabi

"Elle"

"hmm?"

"pwede ka ba ngayong sabado?" nanlaki ang mata ko sa narinig. omaygad! Yayayain na ba nya ako ng date??????!!!!! Pero mukhang nabasa nya ang nasa isip ko kaya dinugtungan nya ang sinabi nya

"nagustuhan ni Jamie yung mga cupcakes at yung mga binibigay mo sakin" napangiti ako kahit yun ang tunay na rason isa lang ang ibig sabihin nun. Kinukuha nya ang mga gawa ko at inuuwi nya pa

"kinakain mo?" nakangiting tanong ko. he shyly nod

"sa lahat ng nagbigay ng pastries. yung iyo lang ang masarap"

"t-talaga?"

parang nagninigngning ang mata ko hindi nasasayang lahat ng ginagawa ko! yeyy

"yep. and gusto ni Jamie na dalhan mo sya sa bahay ngayong weekend" napatingin ako ng diretso sakanya

"B-bahay ni Jamie? ibig-sabihin bahay mo din?"

"malamang"

"s-sure." ngumiti sya saakin then he patted my head

"thanks. sorry kung na-late ako ng dating kanina"

"ayos lang yun"

"Elle"

"hmm?"

"you're blushing" tapos tumawa sya oh ghad. that laugh

"oh sige. I'll wait for you sa bahay. Sabado ah" tumango ako at pumasok na sa bahay ako lang ba o talagang kumindat sya pagkatalikod nya sakin? kyaaa

"oh anak? bakit namumula yang pisngi mo?"

"po? ah allergy ho" sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto

umakyat ako sa kama at doon nagtatalon

pupunta ako sa bahay ng crush ko! For real? For real!!!!

Hi CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon