~4~'SMILE!'

220 10 1
                                    

~4~

•Elle•

"Ivan! Good morning!" habol ko sakanya. tinignan nya lang ako

tumakbo ako papalapit sakanya

"Uyy. mag-good morning ka naman sakin"

"Morning" sabi nya at naghikab

"Anyare? antok ka pa din?"

tumango sya sabay kaming naglakad sa hallway medyo pinagtitinginan nga kami lalo na yung mga babaeng may crush din sakanya

sorry girls *flips hair*

nung nasa tapat na ako ng room ko

"Malapit na exams mag-aral ka."

sabi nya at tinignan lang ako sandali tapos umalis na.  ang arrangements kasi ng rooms pabaliktad, Simula sa section D kaya medyo kaduluhan yung A

"uy. nakangiti sya hahaha good mood?" bati ni Camille, nginitian ko na lang sya ng makahulugan at nag form ng 'O' ang bibig nya. alam nya na yun

uwian na nun ng nakita ko sya papunta sa rooftop, sino pa ba?

"Ivan!"

tumingin sya saakin

"Dinalhan kita ng chocolates."

umiling sya ayaw nya ba?

as usual iniwan ko na lang yun sa locker nya bumalik ako sa room para maglinis cleaner kasi ako ngayon eh tumakas na yung iba kaya ako na lang mag-isa . oh diba? patay sila sakin next week sila naman ang tatakasan ko hmp!

since wala namang tao sumayaw ako para ganahan ako ng konti sa paglilinis. pinatugtog ko ang kantang Mr Mr ng girls generation

ginaya ko yung steps na natatandaan ko

"ganito ba yun?" umiling ako

"ay hindi ganito. "

"aish! ang complicated naman ng mga steps sa kpop" sabi ko at inayos na lang ang mga upuan. ang sumunod na kanta ay 'Get lucky' sumayaw ulit ako

hahahaha ginaya ko yung steps sa just dance  ginamit ko pa ang walis sa gilid ko bilang props

"Hahahaha. nababaliw na ako" sabi ko sa sarili at umiling. nang natapos na ako. ay syempre umuwi na ako  nasa labas na ako ng gate ng school nang makita ko si Ivan na nakasandal sa pader at nakatingin sakin

"Dancing when you're alone huh?" aniya. agad nanlaki ang mata ko sa kahihiyan

"n-nakita mo?" tumango sya at nagpipigil ng tawa

"Waaah! kalimutan mo na yun! kunwari wala kang nakita" sabi ko at nauna ng naglakad habang nakahawak sa noo ko 

nakakahiya ka talaga Elle! crush mo pa ang nakakita sayo! sinabayan nya ako sa paglalakad

"Akala ko ba ang friend hindi nang-iiwan?" umangat ang tingin ko sa sinabi nya

so friends na talaga kami? ngumiti ako sandali pero napayuko na lang ulit nakakahiya pa din talaga yung kanina

"I know, its kind of embarrassing moment to you but its cute hahaha" tapos pinakita nya saakin yung phone nya. Nasa screen ako ng phone nya at nakikita ko ngayon ang itsura ko habang ginagawa ang kabaliwan ko kanina. Vinideo nya!! pwede bang magpalamon sa lupa ngayon na?

"hala I delete mo yan.. nakakahiya!"

"hell no. hahaha" at inilayo nya ang phone nya saakin pinanood nya yun tapos natatawa sya nakakahawa ang mga ngiti at tawa nya. para bang musika ito at ang sarap pakinggan 

ang cute nya lalo syang gumagwapo kapag nakangiti. Hindi ko namalayan na nakangiti na din pala ako

"sus. ayan lang pala ang makakapagpatawa sayo dapat sinabi mo agad sakin"

napatingin sya saakin

"hawakan mo"

sabi ko at inabot sakanya ang cellphone ko

pinapatugtog ko yung kantang pang budots nagbudots ako mukha akong tanga dito promise! 

"oh ha kaya mo to?"

tinaasan nya ako ng kilay Napapangiti sya

"mukha kang tanga dyan" tapos hinigit nya ako patayo

"Oh kita mo yang mukhang yan? ang pogi mo oh! tsk. kaya dapat nakangiti ka palagi ha?" sabi ko sakanya

"parang ganito?" tapos nag-killer smile sy. ay mahabaging langit! ang pogi

"oo, yung ganyan" tapos ngumiti ako sakanya

nagkatitigan lang kami ng mga ilang segundo pero ako na rin mismo ang umiwas

"Tara doon! libre kita!" sabay hinila ko sya sa tindahan ng mga kwek kwek at fishball

"kumakain ka ba sa mga ganito?" umiling sya. hayy, rich kid

"well, mark this day boy dahil kakain ka ng mga to ngayon at dadalhin pa kita sa ihawan" sabay abot ko ng pantusok sakanya

medyo nag-alangan pa sya kaya naman pinakilala ko sakanya ang mga pagkaing nasa harapan namin ngayon

"this is called fishball. then this is kwek kwek its a quail egg, and this is kikiam, this is kalamares its pusit on the inside then this is squidball, this is cheesestick obvious naman na cheese yung laman nyan sa loob haha. tuhog ka lang sagot kita " kinindatan ko sya pagkatapos kong sabihin yun. napatawa ko nanaman sya pati yung nagtitinda napatawa din sakin at katulad ng sinabi ko dinala ko din sya sa ihawan

pinakilala ko sakanya lahat, isaw ng manok, isaw ng baboy, dugo, tenga, paa ng manok, at marami pang iba sa barbeque lang sya familiar eh pero infairness kahit na medyo nabutas ang pitaka ko nabusog naman ako at nakasama ko pa itong si Ivan 

"oh pano ba yan. uwi na ako see you on Monday!" sabi ko sakanya at dahan-dahang naglakad palayo. hinawakan nya ako sa braso

"Wait,"

"bakit?"

"Salamat"

"naku. maliit na bagay hahaha sige una na ako" sabi ko at paalis na sana ng may naalala ako

"Hindi mo ba talaga ide-delete yung video?"

"No. hahaha" with matching iling iling pa sya

"okay." sabi ko at ngumiti sakanya hindi nya naman siguro ikakalat yung video ko

"Ngumiti ka palagi ah!" pahabol ko pa sakanya at kumaway na ako

masaya ako pero deep inside hindi ko din maiwasan malungkot kapag naiisip ko na friends lang FRIENDS LANG kaya kahit anong mangyari walang patutunguhan na medyo malalim tong ginagawa ko

Hi CRUSH!Where stories live. Discover now