~10~ 'ANONG NUMBER MO?'

218 13 0
                                    

~10~

•Elle•

tinext saakin ni Jamie ang address nila grabe. pupunta ako sa bahay ng crush ko waahh huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa gate nila malaki yung bahay, kaya malaki din yung gate kasi may sasakyan sila syempre, makakapasok ba ang kotse sa maliit na gate?

magdo-door bell na sana ako nang bumukas yung gate

"No! wag nyo akong susundan!"

"pero Mam" at napakamot na lang yung yaya si Jamie yung lumabas at naiyak sya hala anong nangyari dun?

"ay mam kayo po siguro yung bisita, nasa loob po si sir"sabi nung  yaya sumunod na lang ako sakanya naabutan ko si Ivan na nagbabasa sa couch nila

"Elle" tumayo sya nang napansin nya ako

" eto na pala yung binake ko atsaka ano uhh nakita ko si Jamie, tumatakbo habang naiyak" awkward na sabi ko na hindi nya naman pinansin at nagpunta sa kusina nila dala yung mga binake ko ilang minuto lang at umakyat si Ivan sa kwarto nya  naga-alala ako kay Jamie, San kaya yun nagpunta? tsaka bakit sya naiyak? baka nag-away sila ni Ivan?

tinanong ko yung maid na tumatawag kay Jamie kanina wala daw syang alam basta daw lumabas ito ng kwarto nya ng naiyak

Since hindi naman nalabas si Ivan  naisipan kong hanapin na lang si Jamie aish. San kaya nagpunta ang batang yun? napadpad ako sa parang clubhouse dito sa subdivision nila

nakarinig ako ng mga hikbi sa isang kubo dito for sure si Jamie na to

"Jamie?" tawag ko

"Jamie? ako to si Ate Elle." sabi ko habang nakatingin sa kubo kung saan nanggagaling ang hikbi bigla na lang syang tumakbo at niyakap ako

"Ate Elle!" sabi nya habang naiyak

"shhh, tahan na andito na ako" amo ko sakanya habang hinahaplos ang buhok nya tinanggal ko ang pagkakayakap nya saakin at umupo para maging ka-lebel ko sya inayos ko ang bangs nya

"bakit ka naiyak? alam mo bang papangit ka pag naiyak ka?" humikbi sya at pinunasan ang luha nya it really breaks my heart kapag nakakakita ako ng mga batang naiyak. Only child kasi ako at gustong gusto kong magkaroon ng batang kapatid kaya nalulungkot ako pag nakakakita ako ng magkaaway na magkapatid

"alam mo pwede mong sabihin sakin kung bakit ka naiyak" umiling sya tumawa ako at hinawakan sya sa balikat

"Gusto mo ng ice cream?" hindi sya tumango pero ngumiti sya ng tipid

"okay! Tara?" nilibre ko sya ng ice cream at naupo sa mga upuan sa kubo and tumigil na nga sya sa pag-iyak

"so sinong nang-away sayo reresbakan natin?" biro ko tumungo sya at parang maiiyak nanaman hala!

"hey, ayos lang kahit hindi mo na sabihin wag ka ng umiyak"

"Si Kuya kasi " aniya at nagpakawala nanaman ng hikbi sabi ko na nga ba

"bakit? anong ginawa sayo ng kuya mo?"

"Hindi nya po ako pinayagan na sumama sa swimming ng mga kaibigan ko  pinilit ko po sya pero sinigawan nya lang ako I hate him! I hate Kuya!" then she started tearing up again I patted her head

"shh, tahan na don't worry akong bahala" tapos ngumiti ako sakanya nung natapos sya sa pagkain niyaya ko sya pauwi pero ayaw nya

"Hayy, sige na nga dito muna tayo" sabi ko at tinabihan sya sa pag-upo

Hi CRUSH!Where stories live. Discover now