~8~ 'CUPCAKE'

181 12 0
                                    

~8~

•Jamie•

"Kuya, sigurado kang hindi mo girlfriend yun?" tanong ko kay Kuya
may nakita kasi kaming girl sa ministop kanina akala ko girlfriend nya

you know, bagay kasi sila pero baka katulad lang din sya ng mga dating girlfriend ni Kuya. ginagamit lang si Kuya para maging sikat at kunwari swerte sila kasi sila yung girlfriend ng Kuya ko pero Hindi nila alam na ni isa sakanila wala namang  sineryoso

"Hindi."

"eh kaano-ano mo?"

"kaibigan ko sya"

"talaga? gusto ko syang maka-close Kuya! may number ka ba nya penge ako."

"wala akong number nya"

"ha? friends kayo diba?"

"tch." pagkasabi nya ng tatlong letrang salitang iyon naglakad sya pabalik dun sa dinaanan namin kanina

"uy san ka pupunta?"

"kukunin ko number nya" at tumakbo na sya

"wait!" sigaw ko pa pero malayo na sya

"Hindi ko naman pinipilit na kunin ang number nya" naibulong ko na lang sa sarili

I smirked. pa-simple pa si Kuya ah hihihi

**
magkatext kami ngayon ni Ate Elle. I wonder kung tinetext din sya ni Kuya pero mukhang hindi. Eto kasi ang Kuya ko nakikibasa sa text naming dalawa

napapansin kong napapangiti sya kapag tinatanong sya saakin ni Ate Elle

Asus. malandi din tong Kuya kong to eh

"Kuya wag ka ngang makibasa ng text ng may text" sinimangutan nya lang ako

Ate Elle: ah okay. pwede magtanong? pero wag mong sasabihin sa Kuya mo ah

ay ate eto sya sa tabi ko at nakikibasa

Me: sure

Ate Elle: pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sakanya?

napansin kong napangiti si Kuya pero saglit lang malamang ayaw nyang ipakita sakin eh obvious naman hay nako

"Magreply ka ng maayos" sabi saakin ni Kuya pero sa cellphone ko sya nakatingin, inirapan ko lang sya

Me: si Kuya? mabait naman sya, medyo masungit nga lang. tahimik lang po sya dito sa bahay at naglalaro palagi ng Xbox

Ate Elle: ahhh, nagka-girlfriend na ba sya?

Me: yep. medyo madami na pero wala naman syang sineryoso. naawa lang daw kasi sya sa mga babaeng naghahabol sakanya

"oh. dun ka na sa kwarto mo" pagtataboy ko nung mabasa nya ang huling reply ko, umalis nga naman sya buti naman

Ate Elle: hahaha. ganun? kumain ka na ba? wag kang magpapalipas ah

medyo nagulat ako sa text nya kasi yung mga nagkaka-interest kay kuya si kuya lang talaga ang pakay

Me: Ikaw din po.

Simula nun may dala na ulit si Kuya na mga cupcakes at kung ano-ano pa. palagi kasi syang may ganun pero nahinto ng mga isang linggo yata

tinanong ko sya kung kanino galing kasi naka-plastik di man lang nilagay sa Tupperware ayaw nyang sabihin kaya lang may nahulog na letter madali ako sa pagbasa at pagkuha nun

"Kay ate Elle pala to galing wow. kaya lang bakit nakalagay sa plastik?" takang tanong ko habang inuubos ang isang cupcake na kinuha ko

"tinatapon ko yung mga pinaglalagyan nya para hindi nya isipin na kinakain ko" nahihiyang sabi ni Kuya ayieeee ngumiti ako at sinundot sya sa tagiliran

"ayiee!"

"gusto ko din ng may magbibigay sakin ng mga ganito" bulong ko lang pero narinig nya yata kaya pinitik nya ako sa noo

"Bata ka pa, mag-aral ka muna"

inirapan ko na lang sya at humingi ng isa pang cupcake, masarap talaga!

Hi CRUSH!Where stories live. Discover now