~5~ 'JAMIE'

209 10 0
                                    

~5~

•Elle•


break time namin ngayon kaya nandito ako sa canteen kasama si Camille. nagk-kwentuhan lang kami,

"hahaha. tapos tapos hahahahaha" sabi nya habang pinapalo palo ang lamesa kasabay ng wagas na pagtawa nya. tawa ng tawa hindi matuloy yung sinasabi nya binato ko sya ng tissue sa mukha


"baliw."


"hahahaha, anyway.. si Ivan oh" ngumuso sya sa likuran ko kaya agad akong lumingon 


"ha? saan?"


"ayun, nakapila" si Ivan nga, as usual poker face nanaman


"Kung talagang friends na kayo lapitan mo nga"
tukso ng kaibigan ko sakin


"h-ha? n-nako nakakahiya" sumimangot sakin si Camille


"well, Hindi ako naniniwalang friends na kayo"


inirapan ko lang sya at tinignan na lang si Ivan


"sige na! mag-hi ka lang"


"ayaw. ikaw na lang" sabi ko pero Hindi talaga nagpatalo tong si Camille


"ELLE! TALAGA? FRIENDS NA KAYO?!"
naagaw ni Camille ang atensyon ng mga kumakain sa lakas ng boses nya napansin ko ding napatingin si Ivan samin


"Huy, tumigil ka nga nakakahiya." hampas ko sakanya


"OH YUN PALA SYA! HI IVAN! SI ELLE NGA PALA FRIENDS DAW KAYO?" Seryoso lang ang mukha ni Ivan hanggan sa mabilis na lumipad ang tingin nya saakin kaya umiwas ako ng tingin


"Camille, pinapahiya mo ako alam mo ba yun?"bulong ko sa kaibigan ko

"yiieee! si Elle oh!"

"Naks, umaasenso na"

"Ayown! kilig na yan!"

kantyaw ng mga classmate ko na nandito din sa canteen, alam kasi nila na crush ko si Ivan gusto kong magpalamon na lang sa lupa jusmio. hinigit ako ni Camille patayo at itinulak kay Ivan


putapete.

taas baba ang kilay ni Camille babatukan ko na to eh tinignan ako ni Ivan. wala syang reaksyon kumunot lang ang noo nya at sinuklay ang buhok nya 


"excuse." sabay hawi nya saakin napanganga na lang ako sa nangyari. Natahimik ang mga kumakantyaw kanina at naiiling na ipinagpatuloy ang pagkain may iba pang babae na tumawa at inirapan ako


"friends pala ha" ani ni Camille 


"Ewan ko sayo . Tara na nga!" nauna na akong umalis ng canteen. maghapon ang boring naalala ko yung sa canteen bakit ganun? bakit? ako lang ba ang nag-isip na magkaibigan na talaga kami?


"Ano? Simangot pa more." pang-iimbyerna nanaman ni Camille  inirapan ko sya at kinuha ang bag ko at inihiga ang ulo ko dun

"Sorry na..."  Hindi ko na sya sinagot


"Alam mo kasi Elle, kung talagang magkaibigan kayo sana hindi ganun yung ginawa nya kanina hinawi ka pa nya at sinungitan lang" inangat ko ang ulo ko at tinignan sya


"p-pero, nilibre ko sya sa ihawan at sa tindahan ng fishball, nakita nya akong sumayaw at tumawa sya nagpasalamat pa nga sya saakin nung pauwi na ako eh pero.. "natigilan ako sandali

Hi CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon