I loathed him even more. I'm glad that we left him... He didn't deserve to be with us. After all he did.

"Let's just let the court decide," hinilot ni mommy ang kanyang sentido. She looked so tired.

"Let's file restraining order if ever," I'm starting to get anxious.

Paano kung baliktarin niya ang batas? My dad has some connections... Paano kung hindi niya kami tigilan?

"Don't worry... Hindi pababayaan ni Freyr at ng daddy Gabriel mo na hindi niya pagbayaran ang mga kasalanan niya," pagpapakalma sa akin ni Mommy.

I know... But I can't help to be anxious. It's scary... Leaving us with threats, and umabot pa sa point na ganito.

Inubos ko ang ilang araw sa ospital para magpagaling, nauna akong makalabas kay mommy. Hindi naman din nagtagal at nakalabas din siya.

Dahil sa nangyari, Freyr's Grandfather was all over the news. Naibalita din ang pamamaril tungkol kay mommy. Maraming gustong humingi ng aming pahayag ngunit minabuti naming hindi maglabas ng kahit anong bagay sa media.

"Arestado ang dating Gobernador na ngayon ay tumatakbo bilang presidente na si Senator Rigor Valencio sa patong-patong na kaso," the news finally reached the national television.

"Naglutangan ang mga ebidensiya na ito ang dahilan sa likod ng pagkamatay ng dating mayor na si Fausto Del Prado, at ng sarili nitong anak na naging karelasyon ng biktima, sa ngayon ay naka piit sa Quezon City Jail ang dating Gobernador, at piniling hindi maglabas ng kahit anong pahayag."

Kuya Keegan turned off the television, sa totoo lang ay ayaw niya akong masangkot dahil sa nangyari. He said he can handle these things.

Mas lalo siyang naging protective sa amin ni Mommy, nagdagdag din sina Gideon at Tito Gabriel ng bodyguards. Even Freyr added bodyguards kahit pa sinabi kong huwag na.

Pero sa huli ay hindi na ako nakipag talo at  hinayaan na lang sila. I know they are just worried. Lalo na si Freyr, he would often call me just to check on me.

"Kayla... Alam mong hindi ako kampante na puntahan mo pa si Daddy," seryosong saad pa ni kuya Keegan.

Noong nakaraan ko pa gustong puntahan si Daddy sa presinto... I just want to clear things and end everything. Dahil alam kong pagkatapos nito ay hindi ko na siya muling makikita pa at lilimutin ko na din na siya ang ama ko.

"You can go with us kuya, if you're really worried," saad ko.

Mariin siyang pumikit at napahilot sa sentido. He looked so stressed right now.

"Sasama naman talaga ako, let's bring tito Gabriel too," saad niya tumango na lang ako.

The whole ride tahimik lang ako, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi pagakamuhi sa ama ko.

He did this to himself. We were such a perfect family in the eyes of everyone, and now our father is a criminal. He ruined our family, he ruined himself.

He was blinded by his obsession... Maybe he didn't really love Freyr's Mom, he was just obsessed.

I remember it all too well... The night when he said that he never loved my Mom. Nakatatak na ata iyon sa utak ko, kung paano niya din ako pinangalan sa babaeng iyon.

Dati ay iniisip kong mas mabuti pang hindi na nakilala ni mommy si daddy dahil baka hindi ganito ang mga naranasan niya.

Kahit wala ako... Kahit hindi ako isinilang sa mundong ito, kung ang kapalit naman noon ay ang kasiyahan ni Mommy ay ayos na. Kung ang kapalit naman noon ay hindi naranasan ni Mommy ang paghihirap na naranasan niya kay Daddy ay okay na. At least she's happy, her happiness is what matters to me.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now