Kabanata 13

3.6K 78 22
                                    

Drunk

"I heard it's your vacation? Go home as soon as possible."

Hinagis ko ang cellphone ko matapos mabasa ang mensahe, ilang ulit na itong nag te-text sa akin pero hindi ko nirereplyan.

Ilang beses na nila akong kinukulit na umuwi pero hindi ko sinasagot ang mga tawag at messages nila sa akin.

Isang ring muli mula sa aking cellphone ang nangibabaw sa kwarto ko, natatamad man ay tinignan ko ang caller.


Nang makitang si Geneva iyon ay agad kong sinagot.

"Ano na? Tuloy ba tayo later?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

Ilang araw na niya akong inaayang mag bar pero ilang araw din akong tumatanggi sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit tamad na tamad ako nitong mga nakaraang araw, halos nga hindi ako lumabas ng bahay.

Wala din kasi si Freyr, uuwi daw sa probinsya nila. Tinatanong niya nga ako kung gusto kong sumama pero tumanggi ako kahit gusto ko.

Lakad niya iyon at saka isa pa, nakakahiya baka kung anong sabihin ng mga kamag anak niya.

Tumihaya ako at napabuntong hininga.

"Sige na nga." Napipilitang saad ko.

"Gaga ka? Anong nalunon mo at parang tamad na tamad ka? Samantalang dati ikaw pa nagyaya." Ungot ni Geneva sa kabilang linya, napairap na lang ako dahil pumayag na nga ako ay marami pa din siyang sinasabi.


"Sige libre na kita para matahimik iyang bunganga mo." Saad ko, narinig ko naman ang pagpalakpak niya sa kabilang linya.

I rolled my eyes, libre lang pala katapat nito.

"Sana naman sinabi mo agad, mabuti yan dahil pang dagdag tuition ko na yung pang iinom ko ngayon gabi."

Nagpaalam na ako kay Geneva dahil maghanda na daw ako at susunduin ko pa siya.

Tamad man ay pinilit kong tumayo para maligo at magbihis.

Napapikit ako ng tumama ang mala yelong tubig sa aking balat. Hindi ko nabuksan ang heater kaya parang may yelo ang tubig na lumalabas mula sa shower.

Muling pumasok sa aking isipan ang mga mensaheng natanggap.

"Go home."

"Do you want me to pick you up?"

"Let's have dinner."

"I asked Yaya Maria to clean your room, go home na."

Tatapak pa lang sa pintuan ng bahay na iyon ay nanlulumo na ako.

I don't think I can stay there.

Pumikit ako ng mariin nang muling marinig ang mga sigawan sa aking isipan.

"Ano ba iyang pinasok mo?!" Napaigtad ako nang marinig ang dumadagundong na sigaw ni Daddy.

Namumula ang kanyang mukha at halos lumabas ang ugat sa leeg sa galit.

This is the first time I saw Daddy na magalit ng ganito nang harapan. Kadalasan kasi ay kapag mag aaway sila ni Mommy tahimik lang sila. I would see my mother cry. Pero hindi ko naririnig ang kanilang sigawan dahil laging dumarating si kuya para takpan ang tainga ko.

"Dad, I enrolled in military school." Diretsong saad ni kuya kay Daddy, hindi siya nakayuko o nakatungo man lang.

Matapang niyang sinalubong ang tingin ni Daddy sa kanya.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now