Kabanata 25

3K 69 28
                                    

Home

Tahimik ako habang lulan ng akin sasakyan na si Freyr ang nagmamaneho, his other hand is placed on the steering wheel while the other is holding my hand.

Kahit pa kanina ko pa siya sinasaway dahil nagmamaneho ay siya hindi niya pa din ito binibitawan.

Papunta kami ngayon sa bahay ng tiyo niya dito sa Maynila.

"Okay lang ba na kasama mo ako?" I'm worried because this is a special day for him. At madalang lang niyang nakikita ang kanyang lola. Baka mas kailangan na sila ang kasama niya ngayon.

"Of course, girlfriend na kita at walang problema don," simpleng saad nito.

I sighed my eyes stings because I cried earlier. Kinuha ko ang pouch ko na may lamang compact mirror para ayusin ang sarili. I re-do my make up at tinakpan ang ilalim ng matang medyo namumula dahil sa pag iyak.

"Why did you cry? Hmmm?" Malambing na saad ni Freyr.

Nilingon ko siya, naka tigil ang sasakyan ngayon dahil sa stop light kaya malaya niya akong natitignan.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya, dahil baka isipin niya ang petty ng rason ko para umiyak.

"Hindi kasi natuloy yung dinner namin.... I kinda get sad because I felt like our business is more important than me," saad ko sa mahinang boses habang nilalaro ang aking daliri.

"I thought I would celebrate alone," dugtong ko na may malungkot na ngiti sa mga labi.

Nagsimula na ulit umandar ang sasakyan, kaya nawala na ang titig sa akin ni Freyr nang mapansin iyon ay ako naman ang lumingon sa kanya para titigan siya.

"You think I will let you? I will not let you celebrate alone baby..." Seryosong saad niya.

I pouted trying to suppress my tears. I'm touched by his words. Ang swerte ko na nandyan siya para sa akin. Na nadyan siya para saluhin ako kapag kailangan ko ng karamay.

Agad din kaming nakarating sa bahay ng kanyang tiyo. Napanganga ako, it's a house with elegant yet classy exterior, may kalakihan ang bahay ng kanyang tiyo at nakatayo din ito sa isang sikat na subdivision dito sa Maynila.

"Your Family is rich?" Tanong ko kay Freyr habang namamangha pa din sa
Ganda ng bahay.

"Sila ang mayaman... Model si Tita, habang may mga negosyo naman ang tiyo at may rancho din siya sa probinsya," napatango tango naman ako sa sinabi ni Freyr.

Halata naman sa tindig ng mga tito at tiya niya na may kaya ito... Hindi ko lang naisip na ganito sila kayaman. They're low-key. Sila yung tipong mayaman na hindi ipangangalandakan na mayaman sila at may nasasabi sa buhay.

Napaisip ako, Freyr surname is familiar tho.

"Freyr... Are you related to Del Prado's?" Tanong ko sa kanya nang maalalang ganito din nga pala ang apelyedo niya.


Maaring magka mag anak sila, but.. kung ganoon sila kayaman ay bakit kailangan pa ni Freyr maging scholar when they can afford to pay the tuition. Sigurado naman ako na hindi siya pababayaan ng kanyang tito at tita kahit papaano.


Saglit na natigilan si Freyr, nakatalikod siya sa akin dahil may inaayos pa siya sa sasakyan ko kaya hindi ko makita ang kanyang reaskyon.


"H-Huh... I-"



"Mga apo! Nandyan na pala kayo! Halina kayo para makapag meryenda na," masayang bati ng lola ni Freyr.


Agad ko itong nilapitan para magmano, nang lumingon ako sa likod at halos magpalamon ako sa lupa nang makitang hindi lang kami ang nandoon.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now