The Unfinished Business

403 4 0
                                    

Shit. Ayaw ko na talagang uminom!

Paglabas ko sa kwarto gising na si Via. 

"Good morning Ke!" pagbati nito sakin.

Ang sakit ng ulo ko jusko! 

"Good morning Via, kamusta ka?" pangangamusta ko sakanya habang hinahaplos ang ulo ko. 

"Hangover is real" sabay tawa niya.

Budol na Luna talaga! Isang boteng nauwi sa matinding sakit ng ulo kinaumagahan.

Magbibihis na sana ako para bumaba sa convenience store para bumili ng soup pang tanggal hangover namin nang may magdoorbell sa pinto.

Pinakiusap ko muna kay Via na silipin kung sino ang nasa pinto.

Pagkatapos ko magbihis, gising na din si Luna at Yanna. Nagpaalam si Yanna na mauunang umuwi dahil may flight si Hiro at walang magbabantay kay Avi.

"Ke, coffee from Shan daw" sabay turo ni Via sa paper bag na nakapatong sa counter top.

Shit. Nag drunk text ba ako?

Agad agad kong sinilip ang phone ko para icheck.

To: EX

Bbaaabyyyy I'mmmm ddruruunnkkkk iimiiissyyiououu

Ay potek! So stupid Zylene!

He didn't reply, thank God. But still. Why would I even drunk text him? 

I didn't want to drink the coffee but I badly needed one. Ang sakit talaga ng ulo ko. Hayaan mo na nga. Hindi naman malalaman kung ininom ko o hindi. 4 ang dinala niya, dinala ni Yanna ang sakanya bago siya umalis.

Nilipat ko sa insulated tumbler ang kape dahil mainit pa ito. Dinala ko nalang papuntang convenience store. Bago ako sumakay ng elevator nakasalubong ko si Sevi. 

"Saan punta mo Ke?" tanong niya sa akin.

"Bibili lang soup namin." 

Makulimlim ang panahon kaya magsarap sana maglakad lakad ngunit kailangan ko munang lutuan si Luna ng soup dahil magrereklamo iyon pag nagising. 

Wala masyadong tao sa convenience store kaya madali kong nabili ang kailangan ko. Pagkalabas ko ay inaakit talaga ako ng panahong ito. Hindi ko na din naman kailangan ng soup dahil sa kape. Tinawagan ko nalang si Sevi para lutuin ang soup para kay Luna. Hinatid ko muna ang pinamili ko sa front desk at sila na ang bahala iakyat yun sa condo namin. 

Sakto, I was already wearing a pair of gym clothes. Black bralette and an above the knee fitted shorts, top with a white bomber jacket and a white shoes for walking. I put in my airpods and played a music.

Hindi pa ako nakakalayo sa condo ay lumamig na ang kape ko. Agad ko nalang inubos ito para refill-an ng tubig sa may park. 

Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa park. The amount of sweat I was able to gain was enough for now. It's been so long since I walked this far.

Lol, those moments were still with Shan.

Bago ako umupo ay nagrefill na muna ako ng water. Hinugasan ko lang ng konti ang tumbler ko para hindi mag lasang tubig na may konting kape.

I was feeling the vibe. May naglalarong mga bata, may nag zuzumba, may nag eexercise at kumakain. I messaged Luna about my whereabouts at baka hanapin ako pagkagising niya.

To: Insan

Luna, nag walking lang ako saglit. Balik din ako kaagad.

I felt someone sat beside me. I didn't even tried to glance his side so he wouldn't know I was aware of his presence. I just drank my water. 

U-SERIES AND OST -  AUSWhere stories live. Discover now