UP Film

335 4 0
                                    

Nasa P. Noval ako ngayon dahil nagsearch ako na dito daw may bilihan ng materials.

"Miss, saan po ako makakabili ng mga arki materials?" nagtanong ako sa estranghero na nakasalubong ko.

"Doon po sir. Sa Joli's." sabay turo niya sa isang building.

"Salamat po!" paalam ko sa estranghero.

"5,250 po lahat" sabi ng cashier.

Agad kong nilabas ang wallet ko. Inipon ko ang pera na ito mula sa workshop ko. Alam ni Via na nag workshop ako pero hindi niya alam na may pera akong nakuha.

Gusto ko ibigay kay Via yung nakuha kong pera. Gusto kong bilhan siya ng magagamit niya talaga. Sakto pa ngayon, kulang pa ang gamit ni Via.

Dumiresto agad ako sa UST para sunduin si Via. Nilakad ko nalang dahil malapit lang naman.

Habang masaya akong naglalakad biglang may tumawag sa akin. "Hoy bat may Isko dito?"

Nilingon ko at nakita si Sevi. 

"Oh ano problema mo? Bawal ako dito? Naneto." inambahan ko siya.

"Wow ano yan bakit ka may art materials? Grabe naman pag sunod mo kay Via hanggang sa course pareho kayo?" 

"Bobo kay Via 'to. Tinawag mo akong Isko diba? Pano mangyayaring arki ako ha?" 

"Oh sige na hindi na kita mahahatid may kikitain ako eh." habang nakahawak siya sa bag niya.

"Oo si Elyse." sabay takbo ko.

Hindi na ako binalak sundan ni Sevi.

Hindi nagtagal pagkarating ko sa tapat ng building nila. Agad kong nakita si Via, kasama si Luna at Kierra. 

"Via!" masayang tawag ko sakanya mula sa kinatatayuan ko.

Niyakap ako ni Via. "Pagod na ako Kino, uwi na tayo." 

"Okay, uuwi na tayo." Hindi ko alam bakit ako kinikilig pero basta kinikilig ako pag tungkol kay Via.

Pagod na si Via kaya hindi niya namalayan ang dala ko. Nagpaalam nalang kami kay Luna at Kierra. Pagkasakay namin ng jeep nakatulog si Via sa balikat ko. Kinuha ko ang phone ko para picture-an siya. 

Alam kong magagalit siya pero ginawa ko padin kasi ang ganda niya matulog.


larkinsanchez 

Ang ganda mo, Via. :)


Pagkatapos ng ilang minuto, bababa na kami. Buong biyahe namin, tulog lang si Via. 

"Baby, gising na. Bababa na tayo." dahan dahan kong kinalabit si Via para hindi mabigla.

Pagkababa niya, napansin na niya ang dala ko.

"Ano yan?" turo niya sa plastic bag na dala ko.

"Mamaya na." hinawakan ko ang kamay niya at nasimula na kaming maglakad.

Wala pa ang Papa ni Via kaya sinamahan ko muna sila ng mga kapatid niya. Umakyat muna si Via para magpalit ng damit. Nagluto nalang muna ako nang dinner. Nagsabi na ako kay mommy na dito nalang ako magdidinner.

Umakyat ako sa kwarto ni Via to check up on her. She fell asleep. She really is tired. Hinayaan ko nalang siya at kumain na kami ng mga kapatid niya.

Dumating na din ang Papa nila. Iniwan ko nalang ang materials sa kwarto ni Via para makita niya ito pag nagising siya.

Kinabukasan, nagising akong may mga texts si Via.


From: MAHAL

U-SERIES AND OST -  AUSWhere stories live. Discover now