Nakahiga ako sa braso ni Evor.





"Are you crying?" siya habang hinahaplos ang likod ko.




"Thank you sa lahat." Tanging nasambit ko.




"I can hear your heartbeat, Tin. Tell me everything." Siya habang mas niyakap ako ng buong buo sa kama.




"When I was a kid, hindi ako nagkaroon ng maraming masasayang memories hanggang sa nag highschool na nga ako. Malimit naming sine-celebrate ang birthday ko, simple lang, hindi ko rin palaging kasama si Mama dahil nagtatrabaho para sa amin." Tumango si Evor at niyakap akong muli.





"Nag high school akong ganun parin at hirap na hirap ang Mama ko, Evor. Binubuhay niya kaming tatlong anak niya, yon ay dahil hiwalay na sila ng Papa ko. I don't know if it was a fall out of love or if it just happened. Nag sususentento ang Papa ko pero hindi naman ganun ka lagi. When I was in high school, mas nag-aral ako ng maayos. Hanggang sa naipasa ko naman ang entrance exam ng university na pinasukan ko ngayon. Kahit na malayo? Tinitiis ko kasi gusto kong makapagtapos kahit hindi na sa gusto kong course ko. Gusto kong umuwi na si Mama dahil kung hindi ako nagkakamali, 14 years na sya doon at bawat four years lang siyang umuuwi." Tuluyan akong humikbi.





"Iniwan ko rin ang kapatid ko sa bahay at pumunta dito sa university-ng ito para hindi na makapag bayad ng tuition si Mama. Samantalang si Ate naman tuwing sabado umuwi sa bahay para sa icheck ang kapatid namin. High school pa kasi siya. Naisip ko lang na tatlo na nga lang kami sa bahay ay unti unti pa kaming umalis at nagkakahiwalay. Namimiss ko na sila."




"Napapagod na ako, Evor. Gusto ko ng magkasama kami kasama si Mama at Papa kahit na hiwalay na sila. Gusto ko namang maranasan na magkaroon ng masayang pamilya, Evor. Kahit sa panaginip na lang." I was sobbing in so much pain pero sobrang saya ko dahil nandito si Evor pinapakinggan ako.




"Nahihirapan ako sa sitwasyon namin dahil ilang taon ko na itong hinahawakan. Pagod si Ate sa pag-aaral, ganoon din ako. Pero kailangan naming lumaban para makapagtapos para makahanap ng trabaho at makapag pahinga na si Mama." Ako at tuluyang tumingin kay Evor.




"You wanted to become a doctor." Si Evor. "Pag-aaralin na lang kaya kita para siguradong pasok ka na sa sa nursing at pre med mo na iyon." Luminga ako sa suggestion niya pero muli siyang nagsalita.





"Tin, look. I know that you can do it. Matalino ka. You are a dean's lister student ngayon na sa Political Science ka. And to imagine that? Forcing yourself to study in that course na hindi mo naman gusto ay naging dean's lister ka pa? Mahirap iyon. But I've seen you. Nakikita ko kung gaano ka kasipag sa lahat ng bagay. But Tin, I have a friend, alam niya ang sistema diyan. Yes, tama ang naririnig mong may backer ang iba para makapasok. Kaya ko yong gawin para sayo pero alam kong mas ayaw mo iyon dahil alam mo ang feeling na hindi na pinipili. At dinadaan sa daya ang lahat." Siya at tuluyang naging mas seryoso. Kilalang kilala niya na nga ako.



"My semester will definitely end, Evor. Ilang buwan na lang din naman. I'll try to shift from their department. I will take their exam at kung hindi man ako pasok sa listahan nila hindi ko ipipilit ang sarili ko pero susubukan ko. At pag hindi naman lilipat ako sa Psychology department, ipapasa ko ang entrance exam nila. Mag-sta-stay na ako doon. Isang taon lang dapat ang pwede kong sayangin. Other subjects will be credited also. Magiging Psychiatrist ako, pangarap ko rin naman iyon. Magiging pre-med ko siya. Alam kung magiging mahirap pero susubukan ko. At ayaw ko na pag-aaralin mo ako, Evor. Hindi mo ito obligasyon." Ako. Alam kong kumbinsihin niya ako pero ayaw ko talaga.





"I'll respect that. I am just here. Para sayo, Tin, lagi akong nandito. " Siya at mas lalo akong niyakap.




"Tell me more." Dagdag niya.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Where stories live. Discover now