Tumalim ang titig niya sa'kin at napansin ko ring umiigting ang panga niya. E, tinawag niyang Zeus 'yung lalaki kagabi samantalang may iba namang Zeus. Alangan namang 'di ako magtanong.

"Sino pa ba?"

Dahan-dahan kong itinango ang ulo ko pero pakiramdam ko, may itinatago ang lalaking 'to.

"E, anong pangalan no'ng lalaki kagabi?"

"Rye," mahinang wika niya. "Huwag na huwag mo siyang babanggitin kahit kanino, kahit sa mga kaibigan mo. Walang dapat makaalam na narito siya."

"Bakit?"

"Huwag ka nang magtanong. Wala kang karapatan."

Lihim na naparolyo ang mata ko. Napakasuplado, jusko! Malas ng magkakagusto sa kaniya. Mukhang surang-sura pa naman si Apollo sa mga babae.

Tahimik akong pumuslit sa classroom namin kaso nagkakagulo sila. Para silang mga bubuyog na nag-uusap-usap. Base pa lang sa mga ekspresyon ng mukha nilang may pag-aalala, siguradong may hindi magandang nangyari.

Bago pa ako makalapit kay Mori at Avril na nakikipagchismisan na rin kung anong mayroon, nagsilabasan ang mga kaklase namin. Di pa man din nagsisink-in sa utak ko kung anong nangyayari, dagli akong hinila ni Avril palabas.

"Ano nanaman bang nangyayari?" tanong ko. Talagang nakipagsiksikan pa kami sa kumpulan ng mga tao.

Hindi naman niya sinagot ang tanong ko at ngumuso lang. "Tingnan mo."

"Ambulansiya?" Nangunot ang noo ko. Dalawang sasakyan ng ambulansiya ang narito. Lumabas sa isang sasakyan ang ilang nurses na nagmamadaling tumakbo.

"Teka... ibig sabihin, hindi sikreto ang lugar na 'to? Since may ambulansiyang narito at pwede na tayong makauwi!" Halos magtatalon ako sa tuwa.

To be honest, wala akong pakialam sa kung anong ginagawa ng ambulansiya rito. Hindi tulad sa TDHU na hindi sakop ng gobyerno at hindi kilala ng mga tao, may pag-asa kaming lumapit sa awtoridad para humingi ng tulong na makaalis mula sa impyernong ito.

"Kung hahayaan nila tayong makaalis pero hindi sa sitwasyon ngayon," sagot ni Mori na hingal na hingal na sumulpot sa gilid ko habang inaayos ang napakagulo niyang buhok. May maliit pa siyang kalmot sa pisngi.

Nang lingunin namin ang likuran, may ilang estudyante ang nakahandusay roon at dumadaing sa sakit ng ulo na tiyak naming nakipagsabunutan pa siya para lang makasingit patungo sa harap at makitsismis. Napaka-gaga talaga.

"Bakit?" Tanong ko nang ibalik namin ang tingin sa harap at natagpuan si demonyitang nanay kuno nila na walang malay na ipinapasok sa loob ng ambulansiya.

"That old brat was found unconscious. Luckily, may pulso pa naman siya pero hindi normal," buntong-hinngang sinagot niya ang tanong ko. "Kung nagkataong namatay ang matandang 'yan, tayo ang mapagbibintangan. Lalo ka na."

Hindi makapaniwalang napaturo ako sa sarili ko. Masyado naman yatang mainit ang mga ulo nila sa'kin na baka pati yata pagtatae ni Eris ako pa ang may kasalanan? Jusko! Ni hindi ko nga masikmurang marinig kahit paghinga lang ng matandang 'yan!

"Nope. Dead or alive, tayo at tayo pa rin ang pag-iinitan," giit ni Avril na sinang-ayunan ko sa pagtango. "Kaya mas mabuting mamatay na ang matandang 'yan para mabawasan na ang mga proproblemahin natin."

"Ngayon magsisimula ang totoong gyera..." wika ko, lalo pa't wala ang presensya ng matanda, tiyak na magkakagulo ang mga Thea at Theos.

Pansin kong takot sila sa Mama nila na kung tawagin. Sa tingin ko lang, ha, kung hindi dahil sa kaniya ay tiyak na nagpapatayan na ang mga ito. Halata ko nga sa pagmumukha nilang gustong saktan ang isa't-isa pero nagpipigil lang.

APHRODITE (Greek Myth Series #1)Where stories live. Discover now