46: Introducing Hans side-story.

Start from the beginning
                                    

“Hans!” Nagulat ako nang marinig ko ulit ang boses ni kuya Oasis. Mabilis akong tumakbo papasok sa kubo na dati kong tirahan noon at nagtago ako roon. Lumuhod lang ako sa lapag at sumilip ako sa butas sa dingding para tingnan kung dadaan ba si kuya Oasis.

Humawak ako sa dingding at pilit kong sinilip ang nasa labas, halos nakatuwad na ako nang biglang may magsalita sa likod ko na halos ikatalon ko.

“Your fat ass is on my face, can you not?” Sa sobrang gitla ko ay napatili pa ako at natumba sa pagkakaluhod. Gulat na gulat akong lumingon sa lalaking nagsalita at napakurapkurap ako sa mukha niya.

It's also a teenager boy. Mukhang kaedad niya si kuya Oasis pero malaki siyang tao. Naka suit din siya katulad ko. He has a thin curtain haircut and he's looking at me with his sharp eyes. Natulala ako sakanya dahil napaka gwapo niya pero halatang masungit. Ang tangos ng ilong niya at medyo makapal ang mga kilay. Hindi agad ako nakapagsalita dahil napatitig ako sa mapula niyang mga labi na may ipit-ipit na yosi. Napalunok ako nang matauhan at tatakbo na sana ulit ako palabas nang hawakan niya ako sa braso.

“Wait,” Natigil ako sa akmang pagtayo ko nang hawakan niya ang kanang braso ko. Lumingon ulit ako sakanya at wala na ang kunot noo niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Natatakot talaga ako sa mga malalaking tao. I feel like they can slap me and I'll die right away.

“B-Bakit?” Kinakabahan kong tanong. Napapikit naman ako sa takot nang bigla niya akong hilahin palapit sakanya. Sa lakas ng pagkakahila niya saakin ay napunta ako sa harap niya at ang katawan ko ay nasa katawan niya na nakadagan.

“Aren't you the son of that gay couple who just got married?” Tanong ng lalaki habang nakadantay pa rin ang buong katawan ko sa katawan niya. Nakaupo pa rin siya sa lapag at naninigarilyo habang nakatunghay saakin. Mabilis kong inayos ang pagkakaupo ko at napaupo rin ako sa harap niya habang kinakabahan pa rin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy na naghahalo sa usok ng sigarilyo niya.

“Y-Yes po, s-sino po kayo?” Tanong ko dahil mukhang kilala niya si Papa at Dad. Bumuga naman siya ng usok bago ako sinagot na may ngiti sa labi.

“You don't know me?” Nangingiti niyang tanong. Muli akong natulala sa mga labi niya dahil sa ngiti niyang iyon. He's so handsome. “Why do you keep staring at my lips? Want to kiss?” Nagulat ako sa sinabi niya at napaatras pa ako dahil doon. Agad na lumipad ang isip ko kay Dad Arken. Paniguradong magwawala iyon sa galit kapag nalaman niyang may lalaking nagsabi nito saakin.

“N-No po, my Dad will be mad.” Naisagot ko sakanya. Nakagat niya naman ang ibabang labi niya bago mahinang natawa. Napayuko pa siya at pinatay niya ang sindi ng yosi niya bago ulit tumingin saakin. He look amused and he looks so gorgeous with his smug look. Kung si kuya Oasis ay nakakairita ang mukha kapag nakangisi saakin, itong lalaki naman na ito ay mapapatulala ka kapag ngumisi sayo. He have the coolest smug smile I've ever seen.

“How old are you?” Tanong niya nanaman sa mahina niyang boses. Inayos ko ang upo ko sa harap niya at binigyan ko rin siya ng tipid na ngiti. Mukhang mabait naman siya.

“I'm turning thirteen po, next month. How about you po?” Tanong ko rin. Napatitig naman siya saakin bago sumagot.

“I'm fifteen, what's your name?” Napangiti ako nang tanungin niya ang pangalan ko.

“Hans Gabriel, how about you po?” Agad kong sagot.

“Can you drop the po? My name is Kaleb, Kaleb Cabrera.” Napatango ako sa sinabi niya. His name is so manly. Parang familiar din saakin ang last name niya.

“Kuya Kaleb, bakit ka nandito?” Tanong ko dahil nagtataka pa rin ako kung bakit may ibang tao dito sa bahay ko dati. Hindi naman agad siya sumagot at nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya saakin at bahagya siyang suminghot.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now