44

7K 217 19
                                    

ERRORS AHEAD
1 year timeskip..

Reihan's

Naglalakad ako sa buhangin papunta sa kainan nila manang Elsi nang makita ko ang grupo ng mga mangingisda na nasa dalampasigan at mukhang nagkakagulo dahil sa mga isdang nahuli nila ngayong araw. Bigla akong natakam sa mga nakikita kong isda kaya't lumapit ako sakanila dahil alam kong ibe-benta nila iyon sa market mamaya. It's just 7 am at mukhang magdamag silang nasa dagat para manghuli ng mga isda. Kagigising ko lang din dahil hinatid ko si Arken sa kotse niya sa harap ng resort dahil may pasok siya ngayong araw.

"Sir Reihan! Lapit po kayo, marami ang nahuli namin kaya't bibigyan namin kayo!" Alok saakin ni mang Tony nang makita niya akong sumisilip sa mga banyera ng isda. Umiling naman ako sakanya.

"Bibili po ako mang Tony, hindi niyo naman po ako kailangan laging bigyan." Ani ko dahil ilang beses niya na akong laging binibigyan ng libreng isda. Si mang Tony ay isa sa mga nakatira dito sa resort na pagmamay-ari ni Arken at si mang Tony ang parang namumuno sa mga pumapalaot dito. Noong lumipat kami rito ni Arken ay halos lahat ng tao dito kasama si mang Tony ay mababait saamin. Ang sabi nila ay nagpapasalamat daw kasi sila sa fiance ko dahil hindi sila nito pinaalis kahit na binili na nito ang buong resort. Halos mag a-apat na buwan pa lang kami dito ni Arken sa resort dahil matagal bago nabuo ang bahay namin.

"Nako, okay lang po Sir Reihan, marami naman po ang huli namin." Sabi rin ni kuya Dante na isa rin sa mangingisda dito. Umiling ulit ako at naglabas ng pera para bayaran agad sila bago ko itinuro ang nakita kong malaking isda na gusto kong ipaluto mamaya kay Arken pagkauwi niya.

"No, please kunin niyo po ang bayad ko, nahihiya na nga po ako lagi niyo akong nililibre ng isda, yayaman po ako niyan lalo kapag ganitong hindi niyo ako pinagbabayad." Biro ko. Ayaw pa talaga nilang kunin iyong bayad ko pero nagpumilit talaga ako at sumuko na lang sila sa huli at ibinalot ang isdang binili ko.

Paalis na sana ako para bumili ng lutong ulam at kumain sa restaurant ni manang Elsi nang marinig ko ulit na magsalita si mang Tony.

"Gab, sayo na 'tong bayad ni sir Reihan. Ibili mo ng mga bagong damit mo at kumot, para hindi ka lamigin sa gabi." Nilingon ko sila at nakita kong bata ang kausap ni mang Tony. Gwapong bata pero luma ang mga suot na damit. Payat at mukhang nasa eight pa lang ang edad. Nagtaka pa ako dahil maputing-maputi ang bata kahit na halatang beach boy siya, mukhang may lahi. Kahit nagtataka dahil sa narinig kong sinabi ni mang Tony ay naglakad na ulit ako papunta sa kainan ni manang Elsi.

Nang makapasok ako sa open restaurant niya na kinainan namin noon ni Arken nung unang punta namin dito ay agad akong sinalubong ni manang. Ngiting-ngiti siya habang pasulyap-sulyap sa dala kong plastic bag na may lamang isda.

"Hello, manang. Nagluto po ba kayo ng sabaw?" Tanong ko bago ako umupo sa pang dalawahang table. Sumunod naman saakin si manang Elsi.

"Meron akong nilutong sinabawang baboy, Sir Rei. Ang asawa niyo po, hindi niyo kasama?" Usisa niya. Umiling ako at ipinatong ang dala kong plastic sa lapag. Malansa kasi kapag sa table ko ipapatong o sa upuan.

"Pumasok si Arken, manang, hindi ko pa siya asawa, next next month pa kami ikakasal. Gusto ko po iyong sabaw na sinasabi niyo tapos kanin, please." Mahaba kong sabi. Parang kinilig naman muna si manang bago niya isinigaw ang order ko sa isa niyang staff.

"Talaga, sir? Ang akala ko ay kasal na kayo dahil pareho kayong may suot na singsing at nasa i-isang bahay na." Sabi pa ni manang at umupo sa harapan ko. Madaldal talaga si manang Elsi at palagi akong kinakausap dahil mukhang lonely daw ako kapag hindi ko kasama si Arken. Naging malapit na tuloy ako sakanya at sa iba pang mga tao dito sa resort. Lahat kasi sila ay friendly at tanggap nila ang relasyon namin ni Arken kahit pareho kami lalaki.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now