06

12.7K 385 25
                                    


Reihan's

Malalim ang iniisip ko habang nagsasalita ang aming prof sa last subject namin before lunch time. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon.

Arken kissed me while I was asleep, that woke me up and witnessed another side of my brother that I didn't know exist.

Sinama namin siya ni Eli sa gala namin pero nagsungit lang siya kay Elizer na ikinakatawa lang naman ng huli. Ayaw kong sabihin o isipin 'to pero sa inaasta niya kahapon ay parang binabakuran niya ako.

I sighed.

"Hoy! Lalim naman ng iniisip mo?" Inis akong lumingon kay Kline. Isa sa mga tropa ko. Siya ang pinaka babaero saamin at pinaka maraming bisyo. He's also Elizer's friend, magkakaibigan kaming tatlo noon pa man dahil iisa lang ang village namin, napahiwalay lang si Eli.

"Manahimik ka, marinig tayo ni sir pogi." Saway ko. Masungit pa naman ang Physic professor namin ngayon. Strikto kahit bata pa. Tinatawag nga siyang sir pogi ng mga kaklase kong babae kasi magandang lalaki at rinig ko ay twenty-five years old pa lang.

"Bingi yan si sir. Teka, alam mo ba?" Pangungulit ni Kline.

"Ang alin?" Mahinang-mahina na ang boses ko para hindi kami marinig ni sir pogi na nakalimutan ko ang pangalan.

"Bakla daw yan si sir." Nagulat ako sa sinabi niya at lumingon kay sir na seryosong nag di-discuss sa harap. Malaki siya, maputi pero halatang barbon dahil may konti siyang bigote pero malinis naman tingnan sa maputi niyang balat sa mukha. Hindi naman siya malambot gumalaw at lalong hindi mukhang binabae. Lalaking-lalaki.

"We? Parang hindi naman." Duda ko.

"Eto ang malaking chismis today, mga pare. Nakita ko siya sa isang gay bar kahapon, at may kasama siyang mga maton. Legit, pre." Sabat ni Liam. Kumunot naman ang noo ko. Gay bar?

"Kailan pa kayo naging mga chismoso?" Si Rio na katabi si Jio na mahinang natatawa saamin.

"Ano namang ginagawa mo sa gay bar, Liam?" Tanong ko. Nakita kong namutla siya habang nakatingin saakin. Matatawa na sana ako pero may biglang humawak sa balikat ko na muntik ko nang ikasigaw dahil sa gulat.

"Yes, Mr. Tunzo, what are you doing in a gay bar. Mind sharing it with us?" Napalunok ako at napatingala kay sir na hawak ang braso ko pero naka'y Liam ang mga mata niya.

"N-Nothing, Seer. Sorry." Si Liam na yumuko pa. Bwesit! Pati tuloy ako nadadamay dahil sa mga chismis nila na hindi ko naman gustong malaman! Lagot talaga sakin si Kline at Liam mamaya.

"Share it, looks like Mr. Cubo here is very curious. Aren't you?" Nilingon niya ako at nagulat pa ako nang pisilin niya ang hawak-hawak niyang balikat ko. Umiling ako. Nakakahiya! Nakatingin na saamin lahat ng classmates ko!

"No, Sir. Sorry po." Paumanhin ko. He tsked and let go of my shoulder.

"Next time, kung mag-uusap kayo sa klase ko ay wag kayong papahuli." Gusto kong ngumiwi dahil saakin siya mismo nakatingin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumunog na ang bell. It's already lunch time.

Tumalikod na saamin si sir at nagmamadali naman kaming inayos ang gamit namin at lalabas na sana nang magsalita pa si Sir.

"Mr. Cubo, come at my office tomorrow morning." Napangiwi ako at tumango na lang.

"Yes, Sir." Pinigilan kong mapasinghay. Bakit ako lang? Agad kong binatukan si Kline at Liam pagkalabas namin.

"Mga gago kasi kayo!" Singhal ko.

"Si Liam! Ang lakas-lakas ng boses 'e." Ungot ni Kline. Inambahan ko pa sila bago kami nagpatuloy sa paglalakad papunta sa cafeteria. Nagsisinghalan pa rin kami habang naglalakad.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now