18

15.2K 362 33
                                    

UD muna bago ulit ako tamarin ng bongga.

Reihan's

Halos dalawang araw akong naging pasyente ni Arken, halos dalawang araw akong hindi makalakad dahil sa ginawa namin noong isang araw. Dalawang araw kaming parehong hindi pumasok, mabuti na lang at masyadong busy si mama sa market kaya't hindi niya kami masyadong napapansin ni Arken. Ngayong araw nga ay dumalaw ang mga kumag kong tropa kaya lukot ang mukha ni Arken dahil hindi niya ako malandi.

“Ano bang nangyari sayo? Mukhang okay ka naman na ah?” Si Rio na nakahiga sa sofa habang pumipindot sa selpon niya at nagtatanong saakin. Napangiwi ako.

“N-Nilagnat nga, okay na nga ako, baka bukas pwede na ako pumasok.” Okay naman na ang pakiramdam ko, wala na akong lagnat pero medyo masakit pa ang entrada ko. Ayaw ko naman iyon sabihin sakanila.

“Narinig namin iyong nangyari noong isang araw sa court, kursunada ka pala nung pinsan ni Kline? Iba rin tama ng mga lalaki sayo, pre.” Biro ni Liam na ikinalukot ng mukha naming pareho ni Kline na nasa tabi ko sa kama at naglalaro din sa selpon niya.

“Anong chismis naman ang narinig mo?” Taas kilay ko sakanya. Ano kayang kumakalat sa school ngayon? Sana naman ay wag madamay si Arken. Medyo nakaramdam ako ng kaba.

“Nothing much, ang sabi lang nagkainitan daw si Arken at Gaston at pumagitna ka, halata naman na type ka nung pinsan ni Kline, tsaka narinig ko din sa mga ka teammates niya na kursunada ka talaga ng team captain nila,” Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinasabi ngayon ni Liam. Baka trip lang naman ako ni Gaston? Bakit ba mga lalaki na ngayon ang nagkakagusto saakin? Bwesit.

“Don't mind my cousin, I already talked to him, hindi ka na guguluhin nun.” Si Kline na medyo seryosong nakatingin sa selpon niya.

“Balita ko sinuntok ni Arken si Gaston sa mismong harapan ng Dean? Mabuti at hindi pinatawag si tita Rein?” Si Jio na katabi ni Liam na nakasalampak sa sahig. Napailing ako.

“Mabuti nga at hindi, kundi lintek talaga kaming lahat.” Ngiwi ko.

“I've never seen Arken that angry, hanggang ngayon gulat pa rin ako.” Si Kline na medyo nguminig pa. Napangisi ako sa sinabi niya.

“Seloso, 'e.” Timid kong komento at agad naman nila akong inasar na ikinailing ko lang. I'm just glad that I don't need to hide the real deal about me and Arken to them.

“Kuya, what do you want for lunch? Mukhang hindi makakauwi si mama today,” Pumasok si Arken at agad na naglakad palapit saakin. Sinapo niya ang noo at leeg ko. Tumikhim naman ako bago sumagot.

“Kahit ano, bakit daw hindi makakauwi si mama?” Tanong ko dahil ilang araw nang halos hindi nag s-stay si mama dito sa bahay. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya masyado sa market?

“I don't know, sabi niya lang ay hindi siya makakauwi.” Sagot ni Arken habang nakatitig sa mukha ko. Napanguso ako at tiningnan ang mga tropa kong halos abala lahat sa kanya-kanya nilang selpon.

“I'll help you cook, dito ata sila kakain.” Tumayo ako at laking pasalamat ko na hindi na masyadong masakit ang entrada ko kapag tumatayo. The pain is now bearable unlike the other day na halos wala talaga akong lakas para maglakad dahil sa sobrang sakit.

“Are you sure?” Tanong saakin ni Arken at agad akong inalalayan. Tumango lang ako at maglalakad na sana kaming dalawa palabas nang tumayo si Liam habang tumitipa sa selpon niya at lumakad palapit saamin.

“Alis na rin ako, dito sana ako kakain kaso ay nagpapatulong si Eli sa gawain sa school, yung booth stall kasi namin, hehe.” Sabi ni Liam at nagpaalam kila Rio bago nauna pa saaming lumabas ng kwarto. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko alam na close na sila ni Elizer? Si Kline lang at ako ang close nun sa tropa 'e. Hindi na ako nag-isip pa ng masama at nagtuloy na kami ni Arken pababa ng kusina. We're planning to cook sinigang kasi pareho namin iyon paborito.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now