Nginitian ko lang siya tapos pinagbuksan ako ng pinto ni Paul. He start the engine pero bago yun nilingon muna niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat at pumayag kang lumabas kasama ako."

"Ako dapat ang magpasalamat eh."

Bigla kaming nagtawanan. Nang iniwan ako ni Tyrone si Paul ang palaging nandiyan para sa akin. Lagi siyang dumadalaw sa bahay kaya bayad ko rin 'tong pagsama ko sa kanya tsaka isa pa gusto ko rin makamove on na kay Tyrone.

Muntik na ako sumubsob sa unahan ng kotse dahil biglang nagpreno si Paul. Sabay kaming napatingin sa unahan ng kotse. Isang pamilyar na mukha ang nakatayo sa harap ng kotse gloomy ang mukha niya at parang malungkot ang mata niya. Walang iba kundi si Tyrone.

Teka totoo ba itong nakikita ko? O nagdidileryo lang ako? Nasa harapan ko nga ba siya? Bigla akong kinabahan.

"BUMABA KA DIYAN!!" Malakas niyang kinalampag ang binta ng kotse. Totoo nga.

I glare om him, "Ayoko! Sino ka ba? Kilala ba kita?"

"Nawala lang ako ng anim na buwan nakikipaglandian kana sa iba! Tara mag-usap tayo! Bumababa ka diyan!"

Wow. Naririnig pa niya ang sinasabi niya? Nakikipaglandian? Siya nga itong nagsabi na gawin ko ang gusto ko na hindi siya iniisip. Yung sinabi niya sakin dati, joke?

"Paul, tara na hindi ko kilala ang lalaking yan." Sabi ko kay Paul na nagulat din.

"Pero--"

"I said lets go!"

Natakot siguro sa sigaw ko kaya binilisan niya ang takbo ng kotse. Dumiretso kami sa sinehan. Tahimik kaming nanood. That freak boy ruined our day!

Tuwing nagtatry si Paul na kausapin ako agad akong umiiwas. Ukupado ng isip ko si Tyrone.

Bumalik ba siya para sa akin?

Haha. Dorine wag kang asumera masasaktan ka lang. Napapikit ako ng mata ng may isang lalaking nagflash light sa mukha ko.

I rolled my eyes.

Its him! Gosh! The nerve! Patayin ko 'to eh!

Tumayo ako at tinapatan ang matalim na titig niya sa akin.

"Ano bang problema mo? Ba't sunod ka nang sunod? Asong ulol ka ba ha?" Mataray na sabi ko.

"Shhh..." saway nung mga nanonood. Shit. Ayokong magskandalo dito. Nakakahiya masyado.

"Diba sabi ko mag-uusap tayo?"

"Diba sinabi kong ayoko? Hindi kaba marunong umintindi?"

Tumayo si Paul at hinila ang isang kamay ko. Nagalit na yung ibang manonood sa eksena namin. Tinulak niya si Tyrone pero hindi ito natinag.

"Pare, wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sayo! Noon hinayaan kita ngayon hindi na!" Matigas na sabi ni Paul.

Tinanggal ni Tyrone ang kamay ni Paul sa kamay ko at tinulak ng malakas dahilan para mapaupo ito.

"At bakit anong gagawin mo? Aagawin mo sakin girlfriend ko? Pch! In your dreams!"

Sa sinabi ni Tyrone sinipa ko siya sa binti dahilan para mapatalon siya sa sakit, "HINDI MO AKO GIRLFRIEND! IN YOUR WILDEST DREAM!"

Nilapitan ko si Paul at tinulungan tumayo, "Paul sorry, aalis na ako kesa mag-away pa kayo dito. Sorry talaga."

"But Dorine--"

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin. Tumakbo ako ng mabilis para makaalis sa lugar na 'yon. Palihim kong pinunasan ang luha ko. Bakit siya babalik sa panahon na nakaka-recover na ako?

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon