"Excuse me, Miss?" Tawag niya sa babae. "I think you have entered at the wrong class."

Tumayo ang babae. Maganda ito sa totoong kahulugan ng salitang iyon.

"What's your subject, Iha?" Tanong niya dito.

"History 1, Ma'am."

"What is your course?"

"Are we going to have a question and answer na lang ba, Ma'am?" Nakaangat ang isang kilay nito pero napakatamis ng pagkakangiti.

Nagtawanan ang klase dahil sa sinabi nito. Suswetuhin pa niya sana ito ngunit may nagpa-excuse sa kanya. Nagngingitngit na tinalikuran niya ang dalaga para harapin ang sekretarya ng Dean.

"Miss Mel, excuse po."

"Bakit, Edna?"

"May letter po galing sa Dean, tungkol po sa bago nating studyante."

Gusto niyang mainis dito dahil sa huli na nitong ibinigay ang abisong iyon pero sa halip ay nag pasalamat pa rin siya at saka muli na niyang hinarap ang kanyang klase. Hindi na niya pinansin ang mahaderang transferee ang lecture na lang niya ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Natapos naman ng maayos ang period niyang iyon.

Paglabas niya ng classroom ay sa parking lot agad siya dumiretso dahil alauna na ulit ang sunod niyang klase. Malapit na siya sa kanyang kotse ng marinig niyang may tumatawag sa kanya.

"Miss Mel, wait up!"

Medyo hinihingal na ito ng abutan siya pero tila ba ang paghingal nito ay may poise pa din. Napagawi ang tingin niya sa may puno ng dibdib nito na litaw sa suot nitong tube, ginigitawan iyon ng butil butil na pawis na pag tinatamaan ng sinag ng araw ay animo mga makikinang na dyamante. Agad na niyang binawi ang tingin sa parteng iyon at inilipat niya sa mukha nito.

"Yes?" Maautoridad ang boses na kanyang ginamit.

"I just want to apologize, Ma'am."

"Yun lang ba ang inihinbol mo sa akin?"

"Opo!"

"Sige mauna na 'ko sayo!"

Tinuloy na niya ang kanyang paglalakad pero hindi niya inasahan na haharang ito sa dinadaanan niya kaya naman hindi siya nakahinto agad- nagkabanggaan sila. Ang sunod na pangyayari ay medyo gumulo sa isip niya. Dahil siguro sa takot nitong matumba ay napayakap ito sa batok niya at siya naman ay niyapos ang bewang nito para alalayan ito.

"Sorry po, Ma'am!" Parang napasong tinanggal nito ang kamay sa batok niya.

"It's okey!" Aniya na tinanggal na din ang kamay sa bewang nito. "Ayos ka lang ba?"

"Opo!"

"Bakit kasi may pagharang ka pa sa dadaanan ko?"

Hindi muna ito umimik bagkus ay inilahad nito sa harapan niya ang palad nito.

"Ano yan?" Takang tanong niya.

"I want to introduce myself to you, Ma'am." Nakangiting sabi nito. "I'm Alex Ferrer po, Ma'am."

"And I'm Miss Mel Montes." Aniya saka tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

"Mel lang po talaga?"

"It's Melissa, e ikaw
Alex lang ang name mo?" 

"Nope, my full name is Mary Alexandrea de Ayala Ferrer."

"Ang haba pala!"

Nagkatawanan sila.

"O, siya sige na I have to go." Pamamaalam niya dito.

"Pasaan na po kayo?"

"Uuwi na muna ako dahil one pa ulit ang sunod kong klase."

"Ganun po ba… pero kayo po ba ang teacher ko sa Phil. Lit.?"

"Oo, sige see you later!"

Yun lang at sumakay na siya sa kanyang kotse bumusina pa siya bilang pagtugon sa kaway nito. May nakapaskil na ngiti sa kanyang labi habang siya ay nagmamaneho, magaan ang loob niya.

She like that girl- her student, Alex.

Umatake na naman ang kanyang 'sakit', she's a lesbian! That's the reason kaya allergy siya sa salitang kasal.

====================
Nang bumalik siya ng school para sa kanyang pang-alaunang klase ay muli niyang natanawan si Alex. Nasa may bench ito nakaupo kasama ang 3 kaklaseng babae at 4 na lalaki na sa wari ay nagpapa-cute dito. May inis siyang naramdaman para sa mga ito kaya naman sa mga ito na lang siya napatingin.

Alex POV
Nakukulitan na siya kina Simon pero nakangiti pa rin siya at mula sa pakikipag-kwentuhan niya sa mga ito ay bigla siyang nakaramdam ng parang may nakatitig sa kanya, oo nga at nakatitig ang mga ito sa kanya pero naglagos sa mga ito ang tingin niya at sa di kalayuan ay natanaw niya si Miss Mel na nakatayo sa tabi ng kotse nito, nakatingin sa kanila. Genuine ang ngiting sumungaw sa labi niya at natural na tumaas ang kamay niya para kawayan ito.

Mel's POV
Tunay na ikinataba ng kanyang puso ang pag ngiti at pagkaway sa kanya ni Alex kaya naman hindi niya napigilan na lapitan ito.

"Hi, Miss Mel!" Malamyos ang tinig na bati sa kanya ni Alex.

"Mukhang nagba-bonding kayo, ah!"

"Good afternoon po, Miss Mel!" Chorus na bati ng mga ito sa kanya.

"Good afternoon!" Tugon niya sa pagbati ng mga ito. "Nagsipag-lunch na ba kayo?"

"Bakit po, Miss ite-treat ninyo po ba kami?" Tanong ng pilyang si Marianne.

Nginitian lang niya ang sinabi nito.

"Sige mauna na ako sa inyo!" Paalam niya. "Pero sumunod na rin kayo agad dahil hindi ko kayo tatanggapin pag na late kayo!" Birong pananakot niya sa mga ito.

"If that is the case, eh sasabay na po ako sa inyo!" Ani Alex saka umambrasite sa kanya.

Animo na naman siya kinuryente dahil sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga balat pero hindi siya nagpahalata bagkus ay itinuloy na niya ang pag-alis kasabay si Alex na nakakapit pa rin sa kanyang braso at ang mga kaklase nito ay sumunod na rin sa kanila.

Nang makapasok sila ng classroom ay saka lang bumitaw sa kanya si Alex pero hanggang sa makaupo siya sa nakatalagang upuan para sa kanya ay parang naaamoy pa rin niya ang pabangong gamit ng dalaga para bang iyon ay kumapit na sa kanya. Nang tingnan niya sa upuan nito ang dalaga ay kaswal na itong nakaupo tila ba wala itong kamalayan na may binubuhay itong kung ano sa kanya dahil sa paglapit-lapit nito.

Nang mag-umpisa siyang mag lecture ay uneasy pa rin siya kaya naman may kung ilang beses niyang nakalimutan ang mga sasabihin niya at para hindi tuluyang makahalata ang kanyang mga studyante sa pagkawala niya sa kanyang sarili ay binigyan niya ng activity ang mga ito saka siya nagpa-excuse para magtungo sa ladies room.

Sa loob nun ay agad siyang humarap sa salamin at siya ay natakot sa kanyang nakita, ang repleksyon ng babae sa salamin ay isang babaeng inlove pero nakakatakot iyon dahil hindi siya sa lalaki nagmamahal kundi sa isang babae rin, isang babaeng may sampung taon ang agwat sa idad niya at studyante pa niya- walang iba kundi si Alex. Binuksan niya ang gripo at sa agos niyon ay isinahod niya ang kanyang mukha tila ba sa pamamagitan niyon ay mabubura ang kaninang nakita niya sa kanyang mukha. Hindi na niya namalayan kung gaano siyang katagal doon inalis lang niya ang mukha niya doon ng kanya ng marinig ang tunog ng bell. Pagharap niya ulit sa salamin ay nandoon pa din ang palatandaang siya ay nagmamahal pinagwalang bahala na lang niya iyon. Tinuyo na lang niya ang kanyang mukha at kamay saka siya muling bumalik sa classroom nina Alex. Alam niyang pawang nakatingin sa kanya ang mga studyante ng siya ay pumasok pero hindi na niya pinansin pa ang mga iyon nagbigay lang siya ng assignment saka muli na siyang lumabas para tumungo sa sunod niyang klase.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now