CHAPTER 14: MY PAHINGA

1 1 0
                                    

HENRY's POV

Nagulat ako nang maramdaman ko na nakatayo sa gilid ko si Lyn.

Marahan ako tumunghay and stare at her for a moment.

"I don't know what I'm gonna do.." she sigh. "Pero bahala na."

Before I could react. Her lips was on mine. Exploring every corner.

Wala akong nagawa kundi mapangiti sa ginagawa nya.

Kelan pa natutong magfirst move at humalik 'to?

Hindi mawala ang ngiti ko. Napawi lang iyon nang matapos ang halik at malungkot syang tumitig sakin.

"Pwede ka namang sumandal sa balikat ko kung pagod ka na eh. You can count on me." She seriously said while staring at me with worries in her eyes.
Agad akong napangisi sa naisip. "Ayoko ng sandal lang..." And then I stare at her for a moment before capturing her soft lips. "Gusto ko patong...sa ibabaw mo."

"WHAHAHA!" Napahagalpak na lamang ako sa tawa nang itulak nya ako at tinitigan ako ng masama.
"You didn't change. HAHAHA!" Wika ko habang tinitingnan kung paano nya ako titigan at simangutan.

"Pinagtatawanan mo ako.." she concluded.

"Malamang nagjojoke ako eh." This time nilapitan ko na sya sa kinatatayuan nya at malambing na tinitigan sa mga mata.
"I love you." Hindi nya ako sinagot. Tumingin lang sya sakin at sumimangot.
"Tampo ka pa din?"

"Oum." Pang-aasar ko. "Kiss mo'ko ulit."

Umirap lang sya at akmang babalik na sa upuan nang pigilan ko.

"HAHAHAHA!"

In my whole life, ngayon lang ako tumawa nang walang ibang nasa isip kundi ang nangyayari ngayon.

Ngayon lang ako tumawa na kontento at magaan sa dibdib.

Kung ganito lang pala kadali yun. Sana pinuntahan ko sya that time. I'm still regreting those days.

"Joke lang mahal. Kanino ka natutong humalik?" Niyakap ko sya mula sa likuran at hinalikan sa pisngi.

Kinalas nya ang pagkakayakap ko at tuluyan na nya akong tinalikuran. "Ewan ko sayo!"

"Sa lalaki mo?" Asar ko pa lalo.

Lumipas ang mga araw at mas lalo kaming nagiging okay. I don't want to end this moment. Ayokong problemahin ang ibang bagay. Gusto ko sa kanya lang ako mamomroblema. Kidding!

Kung wala sya sa opisina nasa labas sya kasama ang mga kaibigan. Doing designs para sa company. Researching trends and syemre akin sya kapag walang trabaho.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan, Sy?" Kay agang bungad ni Sylverio.

"Tangina! Nandito ka na naman?"

"Lutong naman nyan. Napupulutan ba yan?" Halakhak nito.

"Uyy pre. Wag naman." Pigil sakin ni Kane nang akmang kong ida-dial ang number ni Azaleah.

KANE's POV

Mabilis kong napigil si Henry sa pagda-dial ng phone number ni Az.

"Master naman! Tumakas nga lang ako sa dalawang yun eh." Dugtong ko tinutukoy ang asawa ko at ang anak namin.

Ang ganda nang bungad ng umaga tapos maaabutan ko sa kusina ang dalawa. Nagkakagulo.

Whatever. Labas muna ako saglit. Sa sobrang busy nila di nila namalayan na nakalabas na ako ng garahe.

At sa sobrang ganda ng umaga pati 'tong si Mr. Sy naabutan kong nakangiti mag-isa. Tanginang pag-ibig!

Samantalang nong nakaraan, di makangiti ah.

Flashback.

Nagulat kami ni Mr. Sy nang pagpasok namin sa bahay na binili niya para kay Lyn ganito ang sitwasyon.

May mga chinese na papel na nakabitin sa bawat sulok. Marami ring pula at makikintab na kung ano ano sa bawat lamesa at drawers.

"Mahal, ano 'to?"

"Pampaswerte." Simpleng sagot nito bago magpatuloy sa ginagawa.

"Tagapagmana ni Donya Esperanza ang boyfriend mo. Di mo na kailangan nyan." Singit ko

Hindi nya yata ako napansin.

"Chinese ka ba?" Taas-kilay na tanong ni Henry.

Di ko alam kung galit ba o seryoso lang.

"Ano ka ba mahal? Mindoreña kaya ako." Sagot ni Lyn habang abala sa ginagawa.

"Baka ikaw ang Chinese, Mr. Sy." Singit ko sa usapan.

"Tss. I'm from Cebu. And then got my life at GenSan. Si Donya Esperanza lang naman ang related sakin na chinese eh.." sagot ni Henry, tinutukoy ang ina-inahan nya na tumulong sa kanya sa pagkakaroon ng magandang buhay at trabaho.
"Nasan ang pagiging Chinese ko don?"

"Ewan ko din master."

Another one.

"Uyy Mr. Sy!! Kung di mo na kailangan ng cellphone bigay mo na lang kay Kiel."

Si Kiel ay anak namin ni Azaleah. FYI.

"Tanginang chat. Anong gusto nyang ireply ko?"

Napakamot din ako sa ulo nang mabasa ang chats nila.

Lyn: Nagchat sakin babae mo.

Henry: Sino?

"WHAHAHAHAHAHHAHAHAHA! YOU CAN'T REPLY TO THIS CONVERSATION!"

Napatigil ako nang matamaan ng galit na titig ni Sy.

"Hehe ganda nang cs nyo. Mahal at Lalovess hehe."

Another two.

Nasa bar ako nang tumawag si Henry. Ano kaya ang naisipan at gustong uminom.

Pasalampak na sumandal si Henry sa couch nitong exclusive bar na naisipan kong tambayan. I'm with Az nasa kabilang table, kausap ang mga kaibigan nya.

"Pagod?" Bungad ko. Napaface palm lang sya.

"Tara! Hanapan kita nang babae." Pang-aasar ko at akmang nang tatayo.

"Tangina! Sakit na nga sa ulo yung girlfriend ko dadagdagan mo pa."

"Anyare na naman?"

"Hanapan mo'ko nang matutuluyan."

Tinaasan ko sya nang kilay.

"Sabi ko lang naman. Hindi ako pinanganak para manuyo ng manuyo."

Lumagok muna sya nang alak at sumandal muli sa couch.

Kung gaano kahirap ihandle si Az dati, tingin ko mas mahirap si Lyn. Kita ko yun tuwing nagkakaganito si Henry.

HENRY's POV

"I'm home!" Nasa pintuan pa lang ako nyan.

"Vein?" Gulat kong tanong.

Napatingin ako kay Lyn, nag-aantay ng isasagot.

HOLY SHIT! I'm begging Jesus. Kung ano mang kabaliwan na naman to. Ilayo mo ako.

"S-she said. She wants to talk w-with you."

"Ito na naman tayo." I sigh in disappointment.

"Henry, usap lang naman eh." Napapikit na lang ako at tiim-bagang tumalikod.

"That girl." I sighed nang makalayo kami ni Vein.

"Henry, please. Let's talk." She begged.

"Talk?" Inis na singhal ko.
"Why the hell would we talk, huh!?"

"B-bumalik ka na sakin. Sa...sa bahay."

"Fvck this! Hindi na ako babalik. Pasalamat ka hindi ko sinabi kay Lyn na wala ka naman talagang sakit." Madiin na medyo nagpipigil na banta ko sa kanya.

"P-please Henry."

"Sign that fvcking divorce paper at layuan mo na kami. Or I'll sue you and your fucking doctor for faking your situation."

Padabog na tumalikod si Vein.

The Company Series 2: The Long DistanceWhere stories live. Discover now