CHAPTER 5: KISS

6 1 0
                                    

No I miss you too. No hello. No hi.

"Kiss mo'ko"

"HAHAHA yun yung una nyang sinabi. My god, pano ko sya ikikiss? Virtual kiss ganon?" Tuloy-tuloy na pagtatanong ko nang naikwento ko iyon kay Miya ng mga sumunod na araw.

Kaming dalawa na naman dito sa boarding house. Our place, our rules.
Walang nagbabawal na parents, walang problema..

"Hay naku, Lyn! Ikain mo na lang yan Hahaha!"

Tamad akong bumangon sa kama at sumunod kay Miya papalabas ng kwarto habang bahagya paring tumatawa.

"Mamaya na lang siguro tayo maggrocery?" Tanong ko habang kumakain.

"Bili na rin tayo ng bigas. At anong ulam natin?" Tanong din nya.

"Isda." Sabay tawa ko.

"Hahaha isda na naman?" Natawa na rin sya. Pano ba naman? Ilang weeks na puro isda ang ulam namin. Iba-iba lang ng uri.

Ganito talaga kapag syudad. Walang gulay sa paligid. Di naman namin kaya ang mga mamahaling pang-ulam.

Bawal ang gumastos ng gumastos.

"Hayst! Pano tayo bibili ng mga ganyang ulam eh nagtitipid nga tayo." Singhal ko tinutukoy ang ham na nasa fridge ng isang store.

Di ko hinahangad na magkapag-ulam ng mga mamahalin. May mga bagay lang talaga na nasasabi ko just to remind myself na balang araw kapag nakatapos ka na, mabibili mo ang higit pa sa isa ng mga iyan.

"Wala pa rin tayong matinong trabaho." Dugtong nya.

"Kahit waitress man lang sana o kahit taga-hugas na lang ng pinggan o kaya tagalinis ng isang restaurant."

I'm desperate on having a job.

And speaking of job.

'Mahal, 10 pm pa ako makakauwi. Wag mo na akong hintayin maaga ka pa bukas diba?' Si henry habang kavideo call ko. Nakahiga pa rin sya .

"Ay aba! Bumangon ka na dyan. Maligo ka na. 11:30 na ohh.." tinitigan ko sya kasi nangingiti na naman sakin ang loko.

'1pm pa naman ang umpisa ehh.'

Nahihiligan ko na talaga magtaas ng kilay kapag ayaw nya akong sundin.

"Kahit pa mahal. Baka mamaya marami na namang tao don sa nililiguan nyo.

'Di yun mahal.'

"Hahhaha tamad mo. Bangon na kasi dyan." Pamimilit ko wala din naman kaming topic masyado.

'Sarap pa kayang humiga. Ayaw mong pumatong?' Now his feature got a little darker. Nakatitig lang sya sakin habang nagpipigil ng tawa.

Napatingin naman ako sa mata nya at sa mga labi nya bago napaiwas sa camera uttering "baliw." Natawa na rin sya sa reaction ko.

I do understand boys. They have that masterbation thing. Oh diba kahit spelling di ko alam..alamin nyo na lang.

Bigla kaming natahimik kasi di ko alam ang isasagot ko. Medyo nahiya ako na medyo nadisappoint sa kanya.
I don't think if that's a normal thing.

'Anong oras ang klase mo?' Changing the topic. Good thing. Bigla kasi akong tinamad makipag-usap. Thinking that he would leave me because I don't know how to handle him in that kind of situation.

"Ahmm..1pm na ulit." Pilit akong ngumiti..

I can see worries and seriousness in his eyes.

'Mahal'

"Hmm."

'I love you. Nagbibiro lang ako kanina. Kahit pa totoo na you know boys normal samin yun.. inaasar lang kita kanina mahal. Sorry...'
One thing I like, alam nya kung anong nasa isip ko.

"Okay lang mahal. Ganon naman talaga ehh.. I understand." Nginitian ko sya at muling tinitigan.

'Kain ka na dyan.'

Natawa muna ako bago muling mapang-asar na nagsalita.

"Bago pa ikaw ang kainin ko.? Ohh dinugsungan ko na ha hahahha..." natawa na rin sya sakin.

Sa araw-araw naming pag-uusap naging maayos naman kami.

Small problems got us into troubles pero naaayos naman namin. Di ko maiwasan na maiyak through ups and downs na nararanasan namin. Kapag may di pagkakaunawaan, alam ko na ako palagi ang aayos nun. Kapag may away naman, sya ang bahala don. Because I know boys are good at handling fights and break-ups..

Mabilis lang din na lumipas ang mga araw at ngayon 3rd year college na ako sa MinSU (Mindoro State University)

"Madame, how do I solve this po?" Nasa campus ako ngayon. May inaayos na mga gawain.

"You didn't get the formula?" Nagtatakang tanong nya.

"Sadly. Nawalan po ako ng internet the whole time na nagkaklase kayo. Sorry for that."

"No no. It's okay. Let me help you."

"Salamat madame."

"My pleasure." Nginitian nya lang ako at inaya sa may table nya.

Maghapon akong nasa campus. Finalizing my research.

"Hala bebs! Yung questionnare ko nasa table ko sa boarding house." Nagulat kami ng magsalita si Gale. Kaklase ko sa Ab-Psychology.

"Sabi ni Prof. need daw nya ng complete research. Panigurado kasama ang questionnaire sa hahanapin nya mamaya." Si Miya habang may tinatype sa laptop nya.

"Bye muna mga guysuuu.. saglitin ko lang yun."

"Ingat.." napangiti lang ako habang stress pa rin.

Passing my project.

"Good morning, Miss Solah." Ngiti ang isinalubong sakin ng Professor ko sa Social Science.

"Good morning." Ngumiti rin sya and gestures me to come in.

"Magpapasa po ako ng aking diorama."

"Bluetooth na lang, Miss Rolloque."

Completing my tasks and assignments in every subject.

"Beshy, yung sa history tapos mo na?" Nilingon ko si Miya at umiling.

"Stress yarn?" Bahagya na lang akong napatawa sa pang aasar nya.

"Grabe. Walwal tayo after this. Ayoko na mag-aral.Arghh!!." Pabagsak akong nahiga sa sahig ng aming kwarto. Kasabay noon ang pagvibrate ng aking phone na nakalapag lang din sa sahig. Nakalahok sa mga papers na inaarrange ko kanina. Mahirap makahanap ng oras para sa kanya pero I still did. Henry can wait but I don't want him to be tired of it.

The Company Series 2: The Long DistanceWhere stories live. Discover now