CHAPTER 9: MY SPEECH

1 1 0
                                    

*LYN's POV

I smiles bitterly. Ramdam ko pa rin yung sakit sa mga salitang nasabi nya sa chat.

Well, kasalanan ko naman. Pero kasalanan nya rin yun. Pinaasa nya ako.

'Ikaw lang ang mamahalin ko. I would never treat her like you. I would never kiss her passionately. I would never.. I would never make love.. make love with her..I will not kneel in front of her..'

Traitor. Hindi ka nagtwo-time, hindi ka nagloko but you're still a traitor, Henry. Tulad ng unang pagkakilala ko sayo, ang bilis-bilis mong bumitaw sa salita.

"Ohh! Bakit parang sadgirl ka na naman ha?" Tanong sakin ni Miya.

"Wala. May naalala lang."

"Hayst! Graduation natin ngayon oh. Smile ka naman dyan." Dugtong pa ni Karl. Kabatch namin.

"Masaya ako di lang talaga halata." Medyo tumawa na din ako dahil sa asaran nilang dalawa.

"Di ka lang yata binati eh." Asar pa ni Karl kaya agad nagbago ang mukha ko.

"Hahaha." Napangiti na lang ako nang bahagyang tumawa si Miya. "Ano ba kayo? Pakasaya tayo ngayon. Walwal tayo mamaya sagot ko."

"Yowwwnnnnn! Guys walwal daw sagot ni Miya!" Sigaw ni Karl kaya naman naghiyawan ang mga kabatch namin.

"Depota ka Karl!" Sigaw din ni Miya.

(Depota means putangina or potaena.)

Napangiti na lang ako at nakisabay na rin sa pang-aasar.

"And now let's call on our cum laude, Keshia Lyn Sandoval Rolloque, Bachelor of Arts in Psychology. A round of applause." Naging maingay ang paligid dahil sa sigawan at palakpakan ng mga nanonood.
(Keshia reads as Kesheya)

Inilibot ko ang tingin sa malawak na auditorium na punong-puno ng tao. Napangiti ako at panandaliang tumungo at tumunghay muli nang matanaw ko si mama at papa na masayang pumapalakpak at nakatingin sa akin.
Maluha-luha akong napangiti dala ang saya na naidulot nila dahil alam ko kung gaano sila kaproud sa'kin.

"A success without failure is a fantasy. A success with difficulty is reality..."

Mahaba pa ang naging speech ko.

"To my mother who always reminds me that flat 1 is a standard. Thank you, Ma." Ngumiti ako kay mama.

"To my father who always reminds me that health is better than grade. Thank you, Pa." I smiles at him, too.

"Gusto ko lang sabihin na nakakalito kayo ni Mama hahaha." Nagtawanan at nag-ingay ang buong paligid. Muli naman silang natahimik nang magpatuloy ako.

"Sa lahat ng tao behind this success, isang karangalan ang makasama kayo sa malaking tagumpay na ito..." a long pause before I speak again.

"And to my long distance man...Ma, Pa. Di nyo 'to alam kasi ayokong masermonan nyo. Ayokong isipin nyo na di ko inaayos ang pag-aaral ko... I just want to.. thank him." Medyo napipiyok na ako sa part na yan.

"Kaso...nakablock sya sa fb at messenger ko eh.." bigla tumamlay ang usapan ng mga manonood.

Si mama naman ay malungkot na nakatingin sa gawi ko.

Hug mo'ko, Ma after nito.

"Not because we're in a War zone. But because we're on a Peace zone.."

"Where silence was deadly."
"Mahabang kwento kaya di ko na lang sisimulan.." and the audience reacted sad, may mga natawa at may mga nakatingin lang sa'kin like I'm a puzzle to be solved.

I ended up my speech with a word..

"It may not be the happiest chapter of my story but I'll assure you it is my greatest euphoria right now."

Pagkatapos non ay muling nagpalakpakan ang mga tao. Napangiti lang ako sa kanila sa kabila ng bigat at kirot ng dibdib.

Nasan ka man ngayon. Thank you pa rin for building the missing pieces of my story.

"Naku, Ma. Mahabang kwento po..Hahaha." natatawa na lang ako sa pangungulit ni Mama.

Nandito kami ngayon sa isang resort sa Puerto Galera. For the celebration. Syempre hindi mawawala si Miya at ang mama nya.

"Naghiwalay kayo, anak?" Kyuryusong tanong ni mama.

"Naku,Ma. Tsaka ko na yan ikukwento sa inyo kapag kaya ko na hahaha."

Lumalalim na ang gabi at tuloy pa rin ang inuman nina papa sa cottage.

"Ma, labas lang kami ni Miya saglit." Paalam ko sa kanila. Busy na rin naman sila sa pagkanta. Nagrent kasi kami ni Miya ng videoke.

"Hays!! Di pa rin ako makapaniwala. Graduate na tayo." Masaya akong umakbay kay Miya. Tulad ng gawain namin kapag papasok sa University.

"Sarap sa pakiramdam na bukas o sa makalawa may trabaho na tayo sa isang sikat na company." Sagot din nya.

Napadpad kami sa dulo ng resort. Tahimik at walang tao. Tanging ingay ng kalmadong dagat at mahihinang tugtog ang maririnig.

"True..balak kong mag-aral ng Hospitality management. I still want to pursue it."

"Sabagay, hawak mo na ang oras mo ngayon. Di tulad dati na hawak ni Maam at Sir hahaha."

"Baliw.."

"Kita na lang tayo sa Luneta Park." Singhal ko sa kanya sabay tawa.

"Ikaw ang baliw.." balik nya sakin.

"O kaya sa Manila Bay."

Sabay kaming napatawa ni Miya.

"Nandyan lang pala kayong dalawa." Hinihingal na saad ni Jona, isa sa mga bestie ko.

"Asan si tita Julie? Kanina pa wala sa room natin." Tanong ni Miya.

"Tumawag si Ate kaya lumabas muna kami. Pagbalik ko nagtanan na agad kayo." Pang-aasar ni Jona.

"Yawa!" I cursed while laughing.

Sobrang namiss ko ang ganitong bonding. Kulang na nga lang kami ng dalawa.

"Kitakits sa Manila Zoo WHAHAHA!" Asar ni Jona.

"Isa pa'tong may saltik ehh.." si Miya na gulong-gulo na sa amin.

"True, sis. Nasa Manila sina Gel at Kai diba?" Sagot ko na tinutukoy ang dalawa pa naming bff.

"Omsim." Si Jona na tinatawanan si Miya.

"Ohh Miya. Suggest place aba!" Pang-aasar pa namin.

"When and where whahaha!" Dugtong ko pa.

The Company Series 2: The Long DistanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora