CHAPTER 1: GREENFLAG

10 4 0
                                    

"Lyn, yung mga gamit mo naayos mo na ba?"

"Yung bag mo ready na?"

"Ate iwan mo yung charger ko ha!"

"Oo nga ate, wala akong gagamitin.."

"Opo."

Maninibago ako sa bago kung buhay. Mga habilin pa lang nina mama at papa paniguradong namimiss ko talaga sila.

"Ineng, yung sasakyan nyo nandito na." Si lola iyon na nanggaling pa sa kalsada upang kausapin ang driver ng sasakyan namin ng kaibigan ko.
"Sige La, susunod na po ako." Agad kung kinuha ang aking mga gamit at naglakad na malapit sa sasakyan.

Sina mama naman ay sumunod sa akin.

"Magchat ka kapag naroon ka na."
"Kapag kailangan mo ng pera sabihin mo, magpapadala kami."

Hanggang sa makasakay ako ng sasakyan ay panay pa rin ang paghahabilin nila ng mga dapat gawin.

Nang makaalis na ang sasakyan ay di na ako nag-abala pang lingunin sina mama, papa, kapatid ko at si lola.

Paniguradong maluluha lang ako.

'Malaki na ako ma, pa. Kaya ko na po ang sarili ko.'

Bago ako umalis ipinangako ko sa mga magulang ko na aayusin ko ang pag-aaral ko at iaahon ko sila sa hirap ng buhay.
Mahirap man ang malayo sa kanila pero kakayanin ko para sa kanila at sa pangarap ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanila...

"Kaya ko ba yang hukayin?" Natatawang tanong ng bestfriend ko.

"HAHAHA! Alam mo Miya, miss ko na agad sila. Sana maging okay lang lahat." Sadly, it was me who really wanted to study in Calapan City.

Ayokong malayo sa kanila pero pangarap ko ang makatira sa syudad. I've always wanted to live in a City where opportunities are everywhere.

Pero nagkamali ako. Akala ko madali lang makahanap ng trabaho habang nag-aaral. Pero kung makikipagsabayan ka sa mga tao na naghahanap din, maswerte ka na kung ikaw ang papalarin.

Would it be better? That I decided to study in here? Calapan City?

Are you worth it?..............

"Arat sa bayan? Ngayon na ba tayo mamimili ng grocery o tom na lang kaya?" Nawala ako sa mga iniisip ko ng magsalita ang bff ko.

"Bukas na lang siguro, pagod din ako eh." Pagkasabi ko non ay humiga agad ako sa kama.

I stare at the ceiling thinking of another thought that makes me think if my decision was really worth it.

Di ako yung tipo na nagpapadala sa desisyon ng iba. Once I decide, only me can change it.

Napabuntong hininga ako at bahagyang napatawa.

"Ang boring hayst..."

A long silence before my bff speaks and smiles tiredly.

"May ml na ako, laro tayo."

"Game!" Masigla akong napabalikwas sa kama at dali daling inalis ang cellphone sa saksakan.

May mga araw na naboboring kami at ml na ang aming naging libangan. Habang nag-aaral ay iyon na ang aming nakagawian tuwing walang assignment at klase.

It was addicting though, sabi nga nila lahat ng masarap nakakasama...

Mobile Legend or ML in short became our life at our boarding house.

May mga gawaing napagpapaliban dahil sa kakalaro and it's not healthy at all. "Bebs, nagawa mo yung research?"

"Oo kahapon ko lang naipasa buti nga umabot pa sa deadline eh." Kakatapos lang namin maglaba.

"Go lang bebs, kaya yan.. ipilit natin. HAHAHA!" Si Miya, inaasar ako dahil hindi ko maayos ang iniedit kong gameplay.

Natawa na lang din ako at nagcharge na muna ng phone.

"Kain na tayo? I'm hungry na hahaha."

Agad naman syang tumayo sa higaan at naghanda na rin.

Araw-araw kaming walang ginagawa. Kain, tulog, laro, laba tapos aral. May mga araw din na napagkakasunduan namin ang maggala at magtingin-tingin ng mga damit sa bayan.

"Lyn!"

"Yap?" Tinaasan ko sya ng kilay nang makita ko syang nakadungaw sa pintuan.

"Baba lang ako saglit, papaloadan ko si Oppa." Paalam nya na tinutukoy ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki.

"Cge lang..ingats."

"Gege."

Wala naman akong ginagawa ng araw na iyon. Scroll sa tiktok, sa fb, sa messenger.. yun lang.

And then may one time na napasali ako sa isang gc ng mga ml player.

'Welcome sa gc Lyn Rolloque' (read as Rolyoke)

'Welkam bhie'
'Welkam ako pinakamabait at bababero'

'Hi'
'Hello Lyn Rolloque'

Medyo masaya naman sa gc.
Welcome na welcome ako. Dahil siguro bago lang.

"May bago akong gc, ang ingay grabe ang daming pawelcome tapos dami na ding nag friend request at nagmemessage.. mlbb content creator ang naroon kaya ang saya lang..." tuloy tuloy ako sa pagsasalita habang kumakain.

Madaldal talaga ako lalo na kapag marami akong gustong i-share.

"Tapos ayon..." napangiti ako at napatingin sa kanya.

"May nagchachat sakin ang green flag nya beshhh." Napatili pa ako bago magpatuloy sa pagsubo.

(GreenFlag means he or she is your ideal type)

"Sabaok hahaha!" (Sabaok means sana all)

Napatawa na lang din ako. Halos araw araw may bago akong kwento tungkol kay Mr. Green Flag.

Tulad nga ng mga story na nababasa ko. Lahat may ending. Minsan masaya pero kadalasan malungkot at puno ng sakit.

Mr. GreenFlag: May gusto nga pla akong sabihin..

Me: ahm ano yun??

Mr. GreenFlag: Itigil na natin 'to.

Me: Sabi ko na nga ba eh...hahaha...

I faked a laugh that day.. sinabi ko na di ako iiyak pero kusang tumulo ang mga luha ko.

I feel betrayed..samahan pa ng anxiety na nararanasan ko because I really miss my family at hinanap ko yun sa gc na sinalihan ko...

Mr. GreenFlag: Wala naman talaga akong nagugustuhan eh. Sorry talaga, Lyn.

Me: Okay lang... naiintindihan ko naman.

And because we both don't know how to end our talking stage thing. Inaya nya na  lang ako maglaro but unfortunately, sobrang hina ng signal ko that time. Kaya hinayaan ko na lang.

That time, I have my greatest insecurity. Hindi ba ako marunong maghandle ng relationship. I am to bold? Or am I to mysterious?

Mahirap akong kausap at pabago-bago ang ugali ko depende sa mood ko. Kaya kung sino lang ang mag-i-stay, don ako.   

"Musta kayo nong 'Mr.GreenFlag' mo?" Miya asked in nowhere. Her hand even quoted in the air when she speaks of his name.

Malamya lang akong napangiti. Remembering every words he says on that painful night. Should I say it?

"We're fine. Medyo busy lang sya." I lied. I don't want her to think that a guy dumped me or reject me.

The Company Series 2: The Long DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon