Pahayag ng May Akda

34 2 0
                                    



Tulang Walang Tugma ay natapos na rin!!!

Naalala ko dati noong sinisimulan ko pa lang ito, wala akong masyadong maisip na plot kung paano ko sisimulan ang isang kabanata. Pero sa tuwing dumadaan ang buong maghapon ay unti-unti ko nang napupuno yung kaninang blangkong page lang.


Nakakatuwa sa puso kase pangalawang katha ko ito sa Wattpad,  at hindi ko lubos akalain na matatapos ko 'to. 30-35 chapters lang talaga ang balak ko pero hindi kaya, kaya umabot ng 40.


Habang ginagawa ko ito minsan dalawang araw ko bago matapos yung isang kabanata, nag-iisip ako ng magandang pangyayari yung nakakapanabik ba. Sabi nga ng ate ko parang mas naglaan daw ako ng effort dito kay Lazaro at Solana kumpara kay Eliana at Samuel na first love ko.


Pero hindi ko na lang pinansin yon, baguhan pa lang ako nang isinulat ko yung Liham ng Pamamaalam.

Nagtatalo rin yung isip ko kung tragic ba ang gagawin ko sa kwento nina Solana at Lazaro, pero ako mismo sa sarili ko hindi ko kaya, parang ang sama ko naman kay Solana kase wala namatay ang lalaki sa buhay niya.


Samakatuwid, nagpapasalamat ako sa lahat ng nakaka-appreciate ng Tulang Walang  Tugma, ramdam ko yung suporta niyo at nakakatuwa sa puso. Para sa akin isang karangalan na yung may nakaka-appreciate sa katha ko at wala na akong ibang hinihiling, kundi ang lumikha ng bawat kabanata kahit wala nang naniniwala.


Hanggang sa muli!! Maraming Salamat!!!!





Nagmamahal,
Remini

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon