Kabanata 7

13 5 8
                                    

Kabanata 7

NAALIMUPUNGATAN ako dahil sa init ng sinag ng araw na dumampi sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at pinagmasdan ang paligid. Napagtanto ko na nasa loob pa rin ako ng opisina ni Kuya David. Maingat akong umupo sa mahabang silyang aking pinagpahingaan.

Hindi ko na namalayan, dahil sa pagod ko sa pagtangis ay kusa nang bumagsak ang mga talukap ng aking mga mata. Subalit bago ako tuluyang lamunin ng kapaguran ay nasariwa ko pa ang huling katagang binanggit ni Lazaro. Napangiti ako sa kawalan tila isang mahiwagang gamot para sa akin si Lazaro, kaya nitong puksain ang bigat ng aking damdamin.

Tumayo ako upang mahismasan. Napansin ko ang nakauwang na pinto ni Kuya David kaya't tinahak ko iyon upang aking isara nang mabuti. Ngunit bago ko pa man ito maisara ay  narinig ko ang masinsinang pag-uusap ni Lazaro at Kuya David.

"Hindi ko akalain na gagamitin nito ang pag-iisang dibdib upang maisakatuparan lamang ang mga nais nito" matalim na tinig ni Lazaro. Tumikhim si Kuya David. "Noon pa lamang ay mayroon na akong hinala sa kanila...napapansin ko rin na tila inilalapit ni Jacinto ang sarili nito kay Solana" tugon ni Kuya David.

"Tulad ng iyong hinala ay ganoon rin ang aking nararamdaman" pagsang-ayon saad ni Lazaro.  Napatingin sa kaniya si Kuya David. "Hindi ko ibig ang dugong nananalantay sa kanila....wari ko'y isa silang patibong na nararapat iwasan" patuloy na saad ni Lazaro.

Habang may bakas ng pangamba sa kaniyang tinig "Ano ang ibig mong sabihin Lazaro? Na bukod sa nais nilang pag-iisang dibdib ni Solana ay mayroon pang may mas matibay na rason?" naguguluhang tanong ni Kuya David.

Napatingin sa kaniya si Lazaro nang mariin, tila may mga nalalaman ito. Narinig ko ang pagtikhim ni Lazaro. "Kung iyong nababatid, kamakailan lamang ay nagpadala ako ng ating tauhan sa pasugalan ni Don Tolentino....may nakapagbigay-alam sa akin  na malalaki ang mga salaping napapalanunan doon" paliwanag ni  Lazaro.

Mas nilapit ko ang aking sarili sa pinto upang mas mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Ngayon ko lamang nakitang lubusang seryoso si Lazaro at Kuya David habang nag-uusap. "Napagalaman ko sa pinasugo kong tauhan na marumi ang takbo ng kanilang pasugalan. Ang iba'y ginto at pilak ang nagiging bayaran...at ang aking mas ikinalulumo ay ang.....bentahan ng mga laman" halos mapatakip ako sa aking bibig dahil sa pagkabigla.

"Hindi ba't ito ang kasong niluklok sa atin ng  Gobernador upang mapagnilayan ang patungkol sa biglaang pagkawala ng tatlong batang lalaki?" kuryosidad na tanong ni Kuya David. Ibig sabihin nang mga panahon na sila'y halos abala pati na noong nagtungo sila sa aming tahanan ay pinag-uusapan nila ang patungkol sa biglaang pagkawala ng tatlong batang lalaki.

Halos guluhin ko sila ng mga araw na iyon, hindi ko akalain na seryoso at mahalagang isyu ang kanilang pinagninilayan.

"Sa ngayon hindi ko lubos masasabi ng tuwiran kung si Don Tolentino nga ang salarin sa likod nito. Kailangan pa nating kumalap ng matibay na ebidensiya" saad ni Lazaro. Napatango si Kuya David at nagtungo sa isang pisara. "Kung gayon kailangan ay hindi maaalis ang mata natin kay Don Tolentino" saad nito at gumuhit ng isang maliit na bilog sa pisara.

"At kahit na anong mangyari ay hindi ako makapapayag na makasal si Solana kay Jacinto!....ipagbibigay alam ko ito kay Kay Samuel" patuloy nito.  Tumango si  Lazaro at tinapik ang balikat ni Kuya David. Halos hindi ko maigalaw ang aking labi dahil sa mga aking nalaman. Hindi ko lubos akalain na noon pa lamang ay malaki na ang kanilang hinala sa mga pamilya Salvacion.

Batid ko na ang bagay na kanilang natuklasan ay hindi nalalaman ni ama. Wari'y ang kalinisan lamang ang nasisilayan ni ama sa kanila kaya't napakadali lamang sa kaniya na ipagkasundo ako kay Jacinto, dahil sa batid nitong mas lalong niya itong  ikalalakas.  Kung dumating man ang panahong si Don Tolentino ang salarin sa likod ng mga iyon ay hindi ako makapaniwala na ang tinuturing kaibigan ni ama ang taksil sa kaniyang bayan na halos pinaunlad niya ng napakabahabang panahon.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon