Kabanata 35

16 2 0
                                    

Kabanata 35

"IBIG kong maging iyong kabit, kahit ano mang sabihin ng ibang tao ay hinding-hindi ako maririndi"

Halos manlamig ang aking buong katawan dahil sa sinaad nito, patuloy ako nitong niyayakap nang mahigpit at ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg. Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa walang ibang maririnig kundi ang pintig ng aming puso.

Tumigil ang lahat ng aking mga agam-agam, tila sa isang yakap lamang  ni Lazaro ay napawi ang lahat ng iyon. Ngayon lamang ako nayakap ni Lazaro nang ganito, ngunit tila pamilyar ang yakap nito at halos ayaw ko nang umalis sa kaniya.

Napahinga ako nang malalim at kinalas ang kaniyang kamay na nakayakap sa aking tiyan. Pinilit kong nilabanan iyon dahil tila hindi na iyon tama. Humarap ako sa kaniya at pinagmasdan ito sa kaniyang mga mata. Puno ng pananabik ang mga iyon, wari'y sinasabi nito na manatili ako sa kaniyang piling.

Napailing ako at umiwas ng tingin sa kaniya, mas lalong bumibilis ang pintig ng aking puso sa tuwing tumitingin ako sa kaniya. Napahinga muli ako nang malalim upang mapagaan ang aking loob. Tumikhim ito at humakbang ng isang beses palapit sa akin.

Sinenyasan ko ito na manatili lamang ito sa kaniyang kinalalagyan at muling tumingin sa kaniyang nangungusap na mga mata. Akmang ibubuka  nito ang kaniyang labi nang unahan ko ito.

"Ako'y aalis na Lazaro aking maalala na naghihintay na sa akin si Ligaya, p-pakisabi na lamang kay  kuya David  na ako'y umuwi na" saad ko at naglakad patungo sa kanilang pintuan. Hindi ko na muli ito nilingon hanggang sa makalabas ako sa pinto.

Tila hindi ko kaya na manatili pa rito kaya't mas makabubuti kung uuwi na lamang ako. Babalik na lamang ako sa mga susunod na araw kay Kuya David. Napasandal ako sa likuran ng pintuan at hinawakan ang aking dibdib na ngayon ay hindi magkamayaw sa pagtibok.



HALOS wala ako sa aking sarili nang makasakay ako sa karwahe pauwi sa aming tahanan. Tila hindi maalis sa isipan ko ang mga tinuran ni  Lazaro gayun narin ang yakap nito mula sa aking likuran.

Tinanggap ng aking katawan ang kaniyang maiinit na yakap at hindi ko man lang nagawang ilayo iyon sa kaniya. Batid kong mali ang aking ginawa ngunit nanlulumo ako sa aking sarili dahil hindi ko iyon nagawang pigilan.

Napapikit ako nang mariin at napatingin sa maliit na bintana. Hindi ito tama Solana, ikaw ay may asawa na kaya't sana'y hanggat maaari'y pigilan mo ang pagtinging namumuo saiyo kay Lazaro. Isipin mo ang iyong anak na si Ligaya, isipin mo ang iyong pamilya.


NAPANGITI ako nang matamis nang makadaong ako sa aming tahanan.   Hinawakan kong mabuti ang supot na naglalaman ng prutas na hiniling sa'kin ni Ligaya, muntik ko na itong makalimutan kanina mabuti na lamang ay mayroon akong nadaanan kanina.

Pumanhik ako sa loob at tila ba tahimik ang buong bahay.  Kadalasan ay mula sa tarangkahan ay naririnig kona ang tinig ni Ligaya habang papalapit sa'kin. Tumuloy ako sa loob ng aming mansyon habang may bakas ng pagtataka.

"Manang Luz.." saad ko nang makadaong ako sa loob. Napataas ang aking kilay habang patuloy pa ring nahihiwagan sa nangyayari sa aking kapaligiran. Akmang ibubuka ko muli ang aking labi nang mabitawan ko ang dala kong prutas nang makita ko si Jacinto na kasalukuyang bumababa sa aming hagdan.

Seryoso ang tingin  nito sa'kin na tila ba may ginawa akong hindi maganda. Halos hindi ko maigalaw ang aking labi at naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Hinakbang nito ang kaniyang mga paa pababa sa hagdan.  Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa bigat ng kaniyang yapak.

"J-Jacinto? narito kana bakit hindi ka nagsasabi na ikaw ay uuwi na—"

"Saan ka nanggaling?" halos mapalunok ako dahil sa baritono at malalim nitong tinig. Humarap ito sa aking harapan at tinitigan ako nang mariin. "Nakipagkita kaba kina David at Lazaro?...kailan mo pa ito ginagawa?!  kailan mo pa ako niloloko Solana?!"

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now