Kabanata 10

16 5 10
                                    

Kabanata 10


BUONG gabi ay halos hindi ko mapigilan ang aking pagtangis. Ang hirap ipasok sa aking isipan na buo na ang nais ni ama, buo na ang kaniyang desisyon na ipagkasundo ako kay Jacinto. At iyon na rin ang naging hudyat na hahawakan ni ama ang aking kaligayahan.

Mataas na ang sikat ng araw nang bumangon ako sa aking katre. Pinagmasdan ko ang katiwasayan ng umagang bumungad sa akin, hindi ko maramdamang magtanim ng poot kay ama dahil sa kaniyang mga tinuran kagabi.

Nang gabing yaon ay halos mangamba si Kuya David sa akin dahil sa pinili kong mapag-isa sa aking silid. Hindi man nito nasunod ang kaniyang panata na darating siya bago magdapit hapon ngunit napag-alaman ko na lamang na kinausap niya muli si ama.

Nagtungo ako sa aking palikuran at agad na  nag-ayos sa aking sarili. Kung pipiliin kong ikukulong ang sarili ko sa lumbay ay wala itong magagawa. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi ni ina na mahal na mahal ako ni ama at darating din ang araw na babawiin niya ang lahat ng kaniyang sinabi.

Humarap ako sa salamin at pilit ngumiti. Kapansin-pansin ang pamumugto ng aking mga mata, pilit akong ngumiti nang malapad. Kailangan maging maayos ako dahil ano na lamang ang maaaring sahihin ni Lazaro kung nakita niya akong ganito.

Nararamdaman kong malaki ang tyansang itutuloy ni ama ang pagkakasundo sa akin kay   Jacinto ngunit bago sana mangyari ang lahat ng iyon ay maparamdam ko kay Lazaro ang pagtingin ko sa kaniya. Kung sakaling hindi ko man mahawakan ang kaniyang puso patuloy ko na lamang sasariwain ang mga alaala naming binuo.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking silid. At nagtungo sa hapag kainan. Hindi ko nagawang humarap sa kanila kagabi sa hapunan dahil sa sama ng aking loob kay ama ngunit ngayon ay handa na muli ako kahit pa may nararamdaman pa akong pighati.

"Binibini!" nagagalak na salubong sa akin ni Anna at niyakap ako nito. "Magandang Umaga ho Binibini, ayos na ho ba ang inyong kalagayan. Bilin po sa akin ng inyong ina na kumain daw ho kayo ng umagahan" saad nito  habang banayad na pinipisil ang aking kamay.

Napangiti ako, "Ayos na ang aking kalagayan Anna" saad ko at binigyan ito ng isang malaking ngiti. "Mabuti po iyan Binibini, sa totoo lang po ay kahit kami ni Manang Loring at ibang mga kasambahay ay nangamaba rin po sa inyo" wika nito habang inaalayaan ako  patungo sa  hapag kainan.

"Wala na kayong dapat ipangamba dahil ayos na ang aking kalagayan. Siguro'y kahit anong gawin ko at kahit tutol man ako sa nais ni ama, wala na rin naman akong magagawa" wika ko at pinilit na ngumiti upang gumaan ang loob ni Anna.

Ngumiti ng pabalik ito sa akin. "Batid ko ho Binibini na kay hirap ng inyong pinagdadaanan ngayon, dahil hindi naman po si Ginoong Jacinto ang tinitibok ng puso niyo" wika nito. Napangiti ako at tumango sa kaniya, kung sakaling hindi ko nakilala si Jacinto ay maaaring hindi ko rin makikilala si Lazaro.
Ngunit maaari rin akong mapalapit kay Lazaro dahil matalik na magkaibigan sila ni Kuya David.

"Maupo na ho kayo Binibini, ipaghahanda ko ho kayo ng inyong makakain" wika nito at inusug ang isang silya para sa akin. Umupo ako roon habang pinagmamasdan siyang abala sa paghahanda ng aking makakain.

"Nasaan sina ina?" tanong ko. Napalingon sa akin si Anna. "Nagtungo ho sila sa bayan ng iyong ama" tugon nito. Halos matalim na ang sikat ng araw kaya't panigurado na naroon na sila kanina pa. "Ang Kuya David?" tanong ko muli.

Nilapag ni Anna ang pinggan kanin at ulam sa aking harapan. "Nasa kwartel na ho si Ginoong David, ngunit ang sabi po niya sa akin ay babalik po ito maya-maya" tugon nito. Napatango ako at napangiti. "Maraming Salamat Anna" saad ko at ngumiti muli ng matamis. Sinimulan ko na ang aking pagkain habang iniisip ko na iyon ay si Lazaro—ako'y nagbibiro lamang.


Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang