Humahangos na lumabas kung saan si Nanay bitbit ang isang pulang tupperware.

"Anak ang baon mo baka makalimutan mo." Anang Nanay at naglakad palapit sa puwesto namin ni Almira. Nasa labas na kasi kami at paalis na sana.

Iyong mga kapatid ko kanina pa naihatid ni Tatay gamit ang kalabaw na si Koro. Kasulukuyang nasa pilapil naman ng sakahan ni Mang Roger si Tatay nagtatabas ito ng mga tumubong ligaw na damo. Iyon ang trabaho ni Tatay tuwing kapanahunan ng palayan. Magtatabas ng mga ligaw na damo. Minsan naman nagpapatubig sa gabi o kaya sa madaling araw. Dapat malinis ang paligid ng palayan para hindi sagabal sa pagtubo ng palay.

Nakipagporsyentuhan pala si Tatay kay Mang Tomas. Ang matanda mismo ang nagoffer raw sa Itay ko na magasikaso ng palayan nito. Bukod raw kasi sa masipag si Tatay ay mapagkakatiwalaan pa.

"Salamat po Nay," nakangiting sabi ko matapos kunin ang baong inabot ni nanay sa akin.

"Siak anti awan balon ko?" Kunwa'y tanong ni Almira sa Nanay sa salitang Ilokano.

"Apay agdan imbagan kade balasang nga agitig nak ti balon mo?" Pabalik na tanong naman ni Nanay rito bagamang nasa tono ang pagbibiro.

"Ay wen gayam Anti hehe. Tunno next nga apan ko ittoy pabalunan nak ante ah?"

Natawa si Nanay sa sinabing iyon ng kaibigan ko.

"O siya, Sa susunod papabaunan din kita pero ngayon kailangan niyo ng umalis at baka mahuli pa kayo sa trabaho niyo." Wika na ni Nanay sa amin.

"Iho Nay, Aalis na po kami." Paalam ko uli sa matanda.

"O sige, Maigiingat kayo."

Nagmadali na kaming tumalilis ni Almira palabas ng bakuran namin. Noon naman nasa labas ang owner nila Wilma. Si Mark uli ang magmamaneho. Pero bahagya akong natigilan ng makita ang isa pang taong nakaupo sa bandang likuran.

"Mahal,"

Si Noli. Narito pala siya.

Wala kaya siyang gagawin?

"Huy Myrna, Ano sakay na mahuhuli na tayo." Untag ni Almira sa akin na siyang nakasakay na pala.

Tumango ako at mabilis na sumakay sa owner sa may likuran at naupo roon. Kaagad na tumabi sa akin si Noli.

"A-anong ginagawa mo dito?" Mahina bagamat nagtatakang tanong ko sa lalaki.

"Ayaw mo bang nandito ako?" Parang nagtatampong sabi naman niya.

Umiling ako sa kaniya.

"N-nagtataka lang ako. Hindi ka busy? Wala kang gagawin sa bukid niyo?" Tanong ko nalang upang maibsan ang pangungulila ko sa kaniya dahil sa mga oras na iyon ay gusto ko na siyang sunggaban at yakapin ng mahigpit. Mis na mis ko na kasi siya.

"Hindi. Tapos na akong nagtabas ng mga damo sa palayan. Napakain ko na rin ang kalabaw. Mamayang hapon uli ay papasyalin ko uli ang bukid." Paliwanag ni Noli.

Tumango-tango lang ako. Inilipat ko ang paningin sa daanan. Palabas na kami ng barangay namin. Si Almira abala ng kausap ang dalawa. Sina Wilma at Mark.

"Bakit hindi mo sinabing mamasukan ka pala grocery?"

Mabilis na lumipat ang tingin ko sa lalaki. Napansin ko din ang pag sulyap ni Almira sa pwesto namin. Mukhang narinig niya ang tanong na iyon ni Noli.

"Palagi kang abala Noli. Marami kang ginagawa kaya hindi na muna kita inistorbo. At isa pa...." Saglit akong napahinto sa pagsasalita. Dapat ko bang sabihin ang tungkol sa galit ng kaniyang kamag-anak sa akin? Hindi pwede. Baka lalo nila akong kamuhian kapag nalaman nilang nagsumbong ako kay Noli. Baka sabihin nilang kinukuha ko ang simpatiya ng lalaki para magalit ito sa kanila. Ayokong mangyari iyon.

"Girlfriend kita Myrna, Kaya may karapatan naman siguro akong malaman ang plano ng girlfriend ko hindi ba?" Anas ni Noli habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Nagbaba ako ng tingin.

"Pasensya na Noli. Hindi na mauulit. Sa susunod sasabihin ko na sa 'yo ang gagawin kong plano."

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"Hindi kita pipilitin Mahal kung ayaw mong sabihin sa akin ang plano mo pero sana maisip mong may boyfriend ka pa."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata.

"Nagagalit ka ba dahil—hindi ko sinabi ang tungkol sa pagpasok ko ng trabaho?" Deretsong tanong ko sa kaniya.

Siya naman ang nagiwas ng tingin at itinuon sa daan.

"Hindi ako galit Mahal pero nagtatampo ako. Hindi ko man lang kasi alam na namamasukan na pala ng grocery ang girlfriend ko at sa Ramon pa. At kung hindi pa nabanggit sa akin ni Mark ay hindi ko pa malalaman." Parang naghihinakit na sabi pa niya.

Itinuon ko ring ang tingin sa daan. Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.

Nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko sinabi ang tungkol sa pagpasok namin ni Almira sa grocery.

Gusto ko siyang tanungin kung anong ginagawa niya nitong mga nakaraang araw ng hindi kami nagkikita. Alam kong abala siya sa pagsasaka pero ni minsan ba ay hindi ako sumagi sa kaniyang isipan?

Dapat ako ang magtampo.

Kasi hindi man lang naisip na may isang gaya ko ang umaasang makikita ang boyfriend niya. Na may nakakamis sa kaniya. Kahit pa sabihin umiiwas ako sana...sana pinuntahan pa ding niya ako sa bahay.

Pero ilang araw na ang lumipas hindi siya nagpakita sa akin.

Naginit ang sulok ng mga mata ko.

"Mahal..."

"Hmm?"

"Bakit lumuluha ka?"

Napabaling ako ng tingin kay Noli dahil sa sinabi niyang iyon. Maging ang mga kasamahan namin ay napatingin sa akin.

"Huy Myrna, Ba't naluha ka diyan? Anyare?" Bulalas ni Almira.

Sina Wilma at Mark naman ay saglit na nagkatinginan matapos akong sulyapan.

Pinahid ko ang pisngi. Basa iyon!

"Mahal, May problema ba? Kung meron, Pagusapan natin."

Napatingin ako kay Noli. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagaalala.

"W-wala. H-hindi ko alam kung bakit ako—lumuluha." Wika ko at mabilis na pinahid ang sunod-sunod ng pagdaloy ng luha ko.

"Mahal."

"Uy Myrna, Bakit ka ba umiiyak? Magsabi ka nga. Para naman ewan 'to eh." Si Almira habang may pagaalala din sa mukha.

"E-ewan. H-hindi ko alam."

"Nandito na tayo." Anunsyo ni Mark.

Nang sabihin ng lalaki iyon ay agad akong tumalon pababa ng owner.

"Mahal!" Tawag sa akin ni Noli pero hindi ko na siyang pinansin. Lulan ako ng aking mga luha at hindi ko alam kung bakit iyon nangyayari sa akin. Patuloy ako sa paglalakad at mabilis na tumawid sa kabilang kalye. "Mahal! Magusap tayo mamayang gabi!"

Tulad kanina, Hindi ko pa din siya pinansin.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero iisa lang ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Nasasaktan ako.

NASSEHWP

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang