Chapter 34

463 31 2
                                    

Tala POV

*3 years and a half later*

Hey, Blake.

I missed you...

It's been 3 years and half since you left, since the last time I hear your voice.

It's weird but sometimes, naririnig pa rin kita, 'yung mga tawa mo, mga pick lines and jokes mo. Parang nasa tabi pa rin kita, na kahit saan man ako magpunta, kahit saang dako pa man ng mundo ako mapadpad, ikaw at ikaw pa rin ang aking nakikita.

You know sometimes, hinihiling ko na sana multuhin mo'ko. Weird, pero minsan talaga hinihiling ko na sana magpakita ka sa akin, kahit sandaling segundo lang, makita ko lang ulit 'yung mga ngiti mo. 'Yung ngiti mong hindi nasa litrato lang.

Palagi kitang inaabangan sa panaginip ko, hanggang ngayon, nagbabasakali pa rin akong baka lang maisipan mo. Kasi kahit na isang beses, never ka nang nagpakita pa sa akin kahit man lamang sa panaginip.

Ang daya mo nga eh! Talagang nagpaalam ka na sa akin ng tuluyan. Iniwan mo na nga akong mag-isa rito, pati rin ba naman sa panaginip pagdadamot mo pa rin na magkasama tayo?

I've been longing for your presence, Blake. Sobra. Huling yakap ko na pala sa'yo nung nag-propose ako, sana pala mas hinigpitan ko pa. Baka sakaling hanggang ngayon, buhay ka pa. Nandito ka pa.

I'm sorry, kung medyo natagalan ang paghilom ng sugat. I'm sorry kung sobra kong dinamdam ang pagkawala mo. Alam kong ayaw mong nakikitang lumuluha ako, lalo na noong mga panahon na lugmok na lugmok ako sa pagkawala mo, pero kasalanan mo eh. Hindi ka lumaban. Hmp!

Oo! Nagtatampo pa rin ako. Pero wala eh, mahal kita. At hanggang ngayon, mahal pa rin kita.

Tatlong taon na mahigit magmula nang mawala ka, but I still remember the first time we met, the first time my world stopped because of your beauty. I still remember the first time you looked at me and smiled at me.

I still remember the first time you laugh at my jokes, 'yung mga tingin mong makalaglag panty, how you calm my mind and heart every time na kinakabahan ako o nalulungkot ako. I still remember how warm your hugs and breath were. Kung paano mo hawakan ang mga kamay ko, 'yung madalas mong paghalik sa noo ko, minsan, in the middle of my sleep, para bang nararamdaman ko pa rin ang mga halik mo rito.

God! I missed you so much, Blake.

Balik ka na please? Hindi na ako galit.

Uwi ka na sa akin, hinihintay lang kita palagi.

Halika na dito oh, miss ko na ang mga yakap mo. 'Yung 'I love yous' mo.

Those words, how I wish na kapag sinasabi ko ang mga iyon sa hangin eh talagang babalik ka pa. Na kapag ibinulong ko ang mga iyon sa hangin eh and'yan ka nang muli. Alam ko namang hindi na eh. Hindi ka na babalik pa.

Tanggap ko na. Finally! Kaya ko nang sabihin ngayon with smile on my face, na finally, tanggap ko nang wala ka na talaga at hindi na babalik pa.

Pero alam mo minsan? Andoon pa rin 'yung kirot eh. Lalo na sa ganitong panahon na mas namimiss kita. Sa mga panahon na nalulugmok ako, kalinga mo ang unang hinahanap ko. Sa tuwing may na-a-achieve akong mga pangarap, ikaw ang unang nasa isip ko, kasi alam kong masaya ka para sa akin, alam kong proud na proud ka sa akin.

At kung nasaan ka man ngayon, alam ko namang you never leave my side, hindi man kita nakikita, alam kong nasa tabi lang kita palagi.

'Yung doodle na draw mo? Nandoon pa rin hanggang ngayon sa kwarto mo. Namimiss ko na ngang titigan yun for hours eh. Pagbalik ko ng Pilipinas? Doon ako unang didiretso.

Kumusta na kaya ang Pilipinas? I mean, nakakamiss din pala 'no? Wala eh. Kung hindi ako nag-decide na umalis na muna sa Pilipinas pansamantala, I don't think maghihilom agad ang sakit. Baka hindi lang three years?

Well at least, sinamahan mo ako rito sa Australia. You became part of my success here, Blake. Hindi ko lamang ito pangarap, kundi pangarap nating dalawa. Because my success, is your success.

Alam kong alam mo rin 'to minsan, since alam kong palagi mo akong ginagabayan, na kapag may mga na-a-unlock akong achievements nag-ce-celebrate ako ng mag-isa, but the truth is, in my mind, you are always with me.

'Di ba nga, palaging dalawang baso ang inihahanda ko for my wine, dalawang plato, kahit sa mga restaurants na pinupuntahan ko, kahit na minsan, napagkakamalan na akong baliw. Kasi nga, I know na palagi kitang kasama.

Akala ko mo nakalimutan ko na rin ang monthsary natin? Of course not! Kaya nga kapag araw ng monthsary natin, ang galante ko eh, pumupunta kasi ako sa mga mamahaling mga restuarant at doon kakain mag-isa, nang naka-set pa rin ang table for two, kasi nga, idini-date kita. Hindi kita i-di-date sa kung saan saan lang 'no? Kaya nga ako nag-wo-work hard para sa atin eh.

Kahit na wala ka na rito sa mundo, lahat ng ginagawa ko, lahat ng mga iyon ay para pa rin sa atin. I don't think magmamahal pa akong muli Blake. I don't think magmamahal pa ako ng higit sa pagmamahal na binigay ko sa'yo. Magiging unfair lamang kasi ako sa taong mamahalin ako ng buo.

Because part of my heart was brought with you to wherever you are now and I have no intention of taking it back from you.

Hindi naman siguro nakakamatay ang ang mag-isa, hindi ba? Alam ko namang lahat tayo kailangan ng makakasama sa mundo, pero kaya ko naman na eh. Pakiramdam ko kasi, mag-chi-cheat ako sa'yo oras na binuksan ko ang sarili ko sa iba.

Alam kong gusto mo na magmahal akong muli. Alam kong gusto mo na maging masaya ako. Pero Blake, I don't think that's gonna happen, dahil sa'yo lang ako naging masaya ng walang kapantay. Hindi ko na kayang buksan pang muli ang puso at sarili kong pinto para sa iba. And I want you to respect that.

Ikaw lang...ang gusto kong mahalin ng sobra at wala ng iba.

Oo nga pala, namimiss ka na rin ng sobra ng parents mo. Okay naman na sila ngayon, naka-recover na sa pagkawala mo, but your mom, minsan ilang oras kaming magkausap sa video call dahil kapag namimiss ka niya, ako ang tinatawagan niya.

Nagkakilala na rin sila ng parents ko. Para na ngang mag bestie ang mommy mo at mama ko eh. They look so cute together. Yes! My loving parents na gustong-gusto kong ipakilala sa'yo dati, pero hindi na umabot at hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataon. Nakakalungkot minsan isipin na hindi man lang sila nagkaroon ng chance na makilala ang one true great love ko.

Pero hindi na bale, alam kong you'll meet them pa rin. Hindi nga lang dito, but in the paradise kung nasaan ka ngayon.

And about your friends? Gosh! Wala pa ring nagbabago, napakakulit pa rin nila hanggang ngayon. Ang nagbago nga lang ay taken na silang lahat and parehas na rin silang succesful.

Si Lexie at Eli ay ikinasal na 1 year ago. Mayroon na silang baby, and guess what kung anong pangalan ng baby nila?

Blake.

Bilang pag-alaala na rin sa'yo at para habambuhay ka raw talaga nilang hindi makalimutan.

Faye lives in New York now as a Fashion designer. She just followed one of your advice to follow her passion and dreams. Nakaka-proud nga eh. Ang layo na ng narating niya, honestly. Balita ko, ikakasal na rin siya sa kanyang girlfriend.

Pero sa ngayon ay napagpasyahan na muna n'yang umuwi na muna sa Pilipinas. Actually sabay nga kaming uuwi eh. At bukas na ang parehong flight naming dalawa pauwi.

Haaaay.. sobrang nakakamiss na kasi talaga ang Pilipinas.

Pero mas miss na miss kita, Blake.

How I wish you were still here.

Pero hindi bale, see you when I get home, Blake. At sa pagbabalik ko, dala ko ang mga pangako at pangarap natin na unti-unti nang natutupad para sa ating dalawa.

"The End!"

Pagkatapos kong maisara ang libro ay isang masigabong palakpakan at napakalakas na hiyawan ang maririnig sa buong paligid. Habang ako naman ay hindi maitago ang saya na nararamdaman habang isa-isang naglalaglagan ang aking mga luha dahil sa saya.

Finally, I finished my book again successfully.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon