Chapter 4

895 53 0
                                    

Tala POV


Napapakunot ang noo ko habang tinitignan 'yung babae papalayo. Parang pamilyar kasi 'yung pabango na gamit niya. Hindi ko lang matandaan kong saan ko ito unang naamoy dati.

"Type mo?" Napansin ko kasi na grabe at ang lagkit ng tingin ni Lexie doon sa babae eh.

"O-Oo eh!" Napakamot ito sa kanyang batok. "I mean, look at her! Who wouldn't fall for her? She's--- she's stunning. It's not obvious that she's from this village." Paliwanag nito sa akin bago napahinga ng malalim habang hindi pa rin inaalis ang tingin doon sa babaeng tinawag ko kanina.

Hindi man lang siya nag-thank you sa akin.

"Stunning, huh?" Napapatango na komento ko. "Para mo na rin sinabi na mas maganda pa siya kaysa sa akin na best friend mo." Kunwari na nagtatampo na dagdag ko pa.

Pero sa totoo lang. Napakaganda naman talaga ng babaeng iyon.

I mean, whoever first sees her, could be really starstruck at how beautiful she is, lalo na kapag unang beses mo pa lang siyang makita, something in her face, especially in her eyes na hinding-hindi na mabubura sa iyong isipan.

Yup! I only saw her face for a moment yesterday, but see? I remember where I first saw her and what she looked like.

Gosh! I really thought she was dead yesterday. I mean, why would she even think of sleeping everywhere? Especially with her beauty and flawless skin, what if she gets raped? Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon, 'no? Hindi na safe! Lalo na at naka-summer dress lamang siya kahapon.

Ugh! Anyway, that's her life. Ano bang pake ko?

Ang problema ko ngayon, paano makokontak ang PI ko. Kailangan kong malaman kung ano na bang balita sa taong pinahahanap ko.

Dahil masyadong mabagal ang signal kahapon sa napuntahan namin. Hindi kami magkaintindihan kahit pa tawagan ko ito.

Haaayy. Napapahinga na lamang ako ng malalim.

---

"Lex, saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Lexie dahil kanina pa kami rito palakad-lakad, pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga tambay at Marites sa paligid. Isa pa madilim na ang paligid.

"Naghahanap ka ng barbecue, hindi ba?" Tanong nito. Napatango ako. "Yun ang hinahanap natin kaya 'wag ka nang tanong ng tanong d'yan. Dito lang daw yun sa unahan sabi ni Tito." Walang nagawa naman na napakamot na lamang ako sa aking batok.

Narinig ko nga kanina, may sikat daw na barbecue-han rito at talagang binabalik-balikan, lalo na kapag ganitong Summer at maraming mga turista.

Hindi nagtagal ay nakarating kami ni Lexie sa tapat ng isang puting bahay. Sa harap noon ay ang sinasabi ng tito ni Lexie na bilihan ng barbecue.

Mukhang tama nga ang sinasabi nito dahil maraming mga natambay at bumibili sa kanila. Isang may katandaang babae ang nag-iihaw ng mga ito, sa kanya rin nagbabayad at siya na rin ang nababalot kapag may take-out.

Mayroon din itong binibentang kanin. May apat na plastic na lamesa ang nakahilira sa paligid, na may tig aapat na upuan ang nakapalibot sa bawat lamesa, kung saan may mga customer na nakaupo habang kumakain.

Agad na pumila si Lexie. Kumaway ito sa Aleng nag-iihaw ng barbecue na tila ba magkakilala sila. Kunot noo na napatingin ako sa kaibigan ko.

"Kilala mo?" Tanong ko. Agad na gumughit ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. Iyon bang parang kinikilig siya bago napanguso sa may unahan.

Agad naman na sinundan ng dalawang mga mata ko kung saang direksyon siya nakanguso.

"That's her niece!" Sabi nito.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon