Chapter 56

2.7K 40 3
                                    

A/N:

KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT. BUMOTO AT MAG-IWAN NG KOMENTARYO.. oKS BA? HEHEHE!

_____________________________________________

BENETT'S POV:

Gabi-gabi after school ay sinasabi ko kina Tita na dito ako matutulog sa ICU at ako ang bahalang magbantay kay Nicole. Malaki na ang pinagbago ng pisikal na anyo ni Nicole. Namumutla na ang itsura nya at medyo namayat sya. Pero yoong pamamanas ng mukha nya ay humuhupa na. Yoong mga bruises nya ay medyo nababahaw na.

Galing ako sa last day ng praktice ng graduation namin at dumiretso agad ako dito sa hospital. One week na dito si Nicole pero wala pa ring pinagbago, para pa rin syang buhay na patay.

Sana magising na sya kasi next month na kasal namin at may petsa na yun. Yoong bagay na yun ang nagiging inspiration ko sa araw-araw, ang pag-asang gigising si Nicole at ikakasal na kami sa wakas.

"Babe, gumising ka na. Napakadaya mo, ikaw na lang lagi inaalagaan ko. Imulat mo na yang mata mo para makita mong namamayat nako. Hindi mo na ako inaalagaan Babe. Nakakainis ka na.." ang sabi ko sa kanya na dapat ay kunyari lang nagtatampo ako pero nauwi na naman sa pagtulo ng luha ko.

Naaawa kasi ako kay Bebe, napakabata pa nya para makaranas ng ganitong pagsubok. Napakabait naman nya para parusahan ng ganito.

'Totoo kaya yung sabi ng mga tambay noon sa kanto na di sinasadyang marinig ko na 'pag ang tao daw ay sobrang bait, madali itong kunin ni Lord? Kasalanan na ba ngayon kapag-mabait ang tao?' Sa naiisip kong yon ay ipinilig ko ang ulo ko. 'Hindi pwedeng mangyari yun. Bata pa sya at bubuo pa kami ng pamilya..'

"Nicole, please comeback to me.. I'm begging you.." umiiyak kong bulong sa tenga nya habang yapos sya.

Tinawag ko naman agad ang nurse ng pagbitiw ko ng yakap sa kanya ay  napansin kong may luhang tumulo sa isang mata nya.. Naririnig ba ako ni Nicole? Ibig sabihin buhay pa sya?

"NUUURRSSSEEE!"  ang sigaw ko sa nurse station at ng marinig naman nila yun ay dali-dali silang pumunta sa room ni Nicole.

Nagkagulo sila doon at pinalabas naman muna ako sandali ng dumating na ang Doctor. Dumiretso naman muna ako sa Chapel ng hospital at nagdasal.

"Lord, wag mo munang kunin sa akin si Nicole, pinapangako ko pong bubuo kami ng isang masayang pamilya. Magcocontribute kami ng mga mabubuting mamamayan sa aming pamayanan. Palalakihin namin ang aming mga anak na may takot sa inyo at may mabuting kalooban sa lahat ng kapwa tao. Pakiusap....." napahinto ako saglit at umiyak na naman.

"Lord, huhu... pa..pa..huhu..pakiusap po...huhu.. ipahiram nyo.. huhuhu... muna sya samin...huhu..ma..huhu..marami..huhu...pong nanganagailangan..huhu.. sa kanya dito.. huhuhuhu!" ang aking malakas na dasal sa pagitan ng di ko na mapigilang pag-iyak.

Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa room ni Nicole at sabi ng Doctor ay ipagpatuloy lang daw namin ang pagkausap sa kanya. Ibig daw sabihin noon kahit hindi sya nasagot ay alam nya ang nangyayari sa paligid nya.

Tinitigan ko sya habang hawak ulit ang maputla na nyang palad. "Babe, bumalik ka na sa amin parang awa mo na. Sabihin mo kay San Pedro, wag ka muna nyang kunin ngayon" ang mahina pero garalgal ng boses na bilin ko sa kanya.

Pumwesto nako ulit sa tabi nya niyakap ko ang isang braso nya at binulungan sya.. "Babe, gising na, gagawa pa tayo ng baby.. hahaha!" ang sabi ko habang parang baliw na lumuluha.

_________________________________________

A/N: 

Vote and leave a comment please. Thanks!

One Hello!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin