"Sila ba? Yung pamilya mo doon sa may bahay ampunan?" tanong ni Martin na nakatingin din sa hawak hawak kong litrato na akin namang tinanguan. Naikwento ko na rin kasi sa kanya ang buhay ko noon kaya may ideya na siya.

"Noon sila palang ang meron ako tapos ngayon ang dami na. Meron na akong kayo, kayo nila Hydee." maliit akong napangiti bago pinunasan ang aking mata. "Pasensya ka na ha, hindi ko talaga mapigilan maging emosyonal pag dating sa mga ganitong bagay. Masaya lang rin ako na ang dami ko ng nakakasama ngayon."

Magsasalita pa sana si Martin nang biglang mapukaw ang aming atensyon ng mga mabibilis na hakbang. Pagtingin ko ay nakita ko si Agatha na natigilan pa nang makita kami.

Tumayo ako at nginitian siya. "May kailangan ka?" tanong ko. Akala ko kanina ay nakatingin siya sa akin, pero nang tumayo ako ay nalaman kong kay Martin pala siya nakatitig. "Agatha??" sambit ko upang kuhain ang kanyang atensyon. Nakuha ko naman iyon dahil tila ba natauhan siya at napatingin sakin.

"Ahh oo e k-kasi may sasabihin ako."

"Ano yon?" Inaantay ko yung sagot niya ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Napatingin ulit siya kay Martin dahilan upang mapatingin din ako dito. Magkatinginan na silang dalawa ngayon at para bang nag uusap gamit ang mga mata. Uhh di ko sure pero feeling ko pinapahiwatig ni Agatha na paalisin si Martin.

"Martin, pwede bang maiwan mo muna kami ni Agatha? Mag uusap lang kami." Tumingin siya sa akin at tumango, pagkatapos ay naglakad palabas ng aking kwarto.

Nang umupo si Agatha sa aking kama ay tumabi ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay sa cellphone niya at sa akin muli.

"Alam mo na ba ito?" Ibinibigay niya sa akin yung cellphone niya, para siguro at tignan ko iyon. Hawak hawak ko palang iyon, hindi ko pa nakukuha ng tuluyan nang biglang may humablot nun palayo sa akin.

"Martin?" takang sabi ko. "Anong ginagawa mo? Ibalik mo yang cellphone." utos ko, ngunit hindi niya ako pinansin, naglakad na siya palabas ng kwarto na parang wala lang nangyari. Si Agatha naman na kanina lang na katabi ko ay dali daling sumunod kay Martin.

Sinundan ko sila palabas ngunit medyo natagalan ako dahil nagtanggal pa ako ng sapatos at nag suot ng tsinelas. Pag labas ko ay nakita kong nasa baba na sila, at hindi lang si Agatha at Martin ang nandoon kundi lahat sila.

Anong meron? "Bakit nag uusap usap kayo ng wala ako?" nakanguso kong tanong habang naglalakad pababa ng hagdan. Nang tuluyan na akong makababa ay lumapit ako sa kanila at umupo sa sofa. Lahat sila ay nakapag bihis na, maliban nalang sa aming dalawa ni Martin.

Ang weird, sabay sabay silang nag ilingan at ngumiti na halata namang peke, parang kinakabahan kasi sila sa presensya ko dito. Mga nagulat pa nga sa biglang pagbaba ko at kung makatingin ay para talagang may kakaiba. Mamatay na ba ako? Bat ganyan sila?

"Ano nga? Sige kayo magtatampo ako pag hindi niyo sinabi."

"Balak kasi naming ano.. M-mag inom, pwede ba kami mag inom?" sabi ni Martin habang nangangamot sa kanyang batok. Napakibit balikat nalang ako at bumuntong hininga.

"Oo tama. Pwede ba mag inom? Sige na madam, di naman magpapakalasing." sabat naman ni Alexis. Naiiling nalang ako sa kanila, talagang maglilihim pa sila sa akin na mag iinom? Hays basta talaga mga kalokohan ay kadalasang magkakasundo sila.

"Bahala kayo, basta wag mapaparami, hinding hindi ko talaga kayo iisa isahing gisingin bukas sige kayo." sagot ko na ikinatuwa nila, napa 'yes' pa nga, hay nako.

At pagkatapos nun ay muli na akong umakyat patungo sa aking kwarto. Hays grabe, nakakapagod. Hindi ko na sila mababantayan sa pag iinom nila dahil inaantok na ako, para ngang babagsak na ako dahil sa pagod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captured By WavesWhere stories live. Discover now