009 - Narrow ii

11 2 3
                                    


"Tanga ba 'to?" Iritableng tanong ni Adrion kay Halley habang nakakunot ang noo at nakaturo sa screen ng phone niya. "Yung utak talaga netong kaibigan niyo, paurong." Nilipat ni Adrion ang tingin niya sakin. "Sabihin mo kay Rika, pati sa boyfriend niya, tangahan pa nila."

Inilayo niya ang phone niya sa sarili niya sa pamamagitan ng pag slide nang mahina neto palayo sakanya sa table na kinatatambayan namin. Sinilip ko nang bahagya ang phone niya at nakita ang text sakaniya ni Rika na pinapalayo raw siya ng boyfriend niya kay Adrion.

Sarcastic na ibinalik ni Cheena ang phone niya kay Adrion. "Bakit kasi kayo nag uusap until gabi? Kahit naman sinong boyfriend, mag aalala kapag gan-"

"H'wag nila ako idamay sa trust issues nila sa isa't isa." Pairap na nag crossed arms si Adrion. "Nananahimik ako dito, ni hindi ko nga type si Rika. At kung type ko man yang kaibigan niyo, lalayo pa rin ako diyan kasi may boyfriend yan." Tinaasan ako ng kilay ni Adrion. "Ni hindi nga naten alam kung totoong tao yung boyfriend niya eh. Baka gawa gawa niya lang yan, since baliw at may sariling mundo yang si Rika madalas."

Natawa ako nang mahina at saka umiling. "Alam mo, badtrip ako madalas kay Rika pero never ko naman pinagisipan ng ganyan yung taong 'yon." Inubos ko ang natitira kong chocolate drink at saka tumayo para itapon ang cup na hawak ko. Pag balik ko sa kinauupuan ko, tinitigan ko uli si Adrion. "Bakit ba kasi inis na inis ka kay Rika? Diba ako yung inaway niya."

"Masyado kasi siyang paladesisyon sa buhay naten minsan," Kalmadong tinapik ni Cheena ang balikat ko. "Para namang hindi kayo nag aaway lagi. Kilala mo naman 'yon, parang nanay mo yun eh."

Hinawi ko nang mahina ang kamay niya at pairap na nilingon siya. "Excuse me? Tama pa ba na pagbawalan niya ako sa mga kinakaibigan ko? Plus, tama bang tawagin niya akong "flirty baby" at mag focus na lang daw ako kay Narrow?" Umiling ako nang maraming beses habang naniningkit ang mga mata. "Gurl, no. Ang sabihin niya, masyado siyang alam alaman sa buhay ko. Ni hindi man lang ako nakatanggap ng sorry sakanya na sumobra siya."

"Ang aga aga," Tinapik ni Halley ang balikat naman ni Adrion habang natatawa tawa pa, at saka nagpatuloy. "Ang iinit ng ulo niyong dalawa. Baka mamaya kayo ang magkaligawan diyan ha?"

"Ay mas matatanggap ko pa kapag si Felix ang aasarin niyong type ko kesa kay Rika." Nakasimangot pa rin si Adrion habang naka-crossed arms. "Feeling ko downgraded ako sa part na ako pa ang mag aadjust para sa kalokohan ni Rika at boyfriend niya. Bakit, sino ba siyang isip bata siy-"

Napahinto si Adrion nang bigla siyang sipain ni Cheena sa paa at saka sumenyas na tumingin sa likod niya. Si Rika na naglalakad papalapit sa direksyon namin.

Slow motion naman na lumingon si Adrion kay Rika. Si Rika naman ay nag dire-diretso papunta sa tabi ni Halley. Maarte siyang umupo at saka nagpunas ng pawis sa leeg gamit ang panyo niyang pink. "Ano pinaguusapan niyo?" Panimula niya habang nagpapaypay gamit ang mga palad niya. Nilipat niya ang tingin niya kay Adrion at saka inosenteng nagpatuloy. "Guys are you there?"

Hindi ko mapigil ang mukha ko kaya nilayo ko na lang ang tingin ko. Kalmado ko pinasok sa sling bag ko ang wallet at phone ko. Binulsa ko na rin ang panyo ko at saka dahan dahan na tumayo. Ganun na rin naman na ang ginawa ni Adrion.

Sabay kaming naglakad papalayo kela Cheena, Halley, at Rika.

Wala ako sa mood para umarte na parang walang nangyare. Ang dami niyang pinagsasasabi samin, ni sorry wala kaming natanggap. I believe tama na iwasan namin siya ni Adrion.

"You know what, tama ka. Very good ka today." Pabulong at pabirong panimula ni Adrion pagkatapos ako banggain nang mahina habang naglalakad palayo. "Umiwas para hindi matuloy ang away." Nagtawanan kami nang mahina at saka parehas na kumaway na sa isa't isa bago maghiwalay ng mga direksyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]Where stories live. Discover now