006 - Narrow

21 4 5
                                    

"Ano oras uwi mo?" Nakangiting tanong ni Adrion kay Halley habang umiinom ng iced coffee niya. "Clear kasi ang sabi ko, si Felix lang sana ang kasama ko." Inilipat niya sakin ang tingin niya nang sarcastic. "Wala naman akong masamang balak sayo at may girlfriend ako. Ano bang kinatatakot mo?"

Ibinaba ko ang iced coffee na hawak ko at saka sumandal ng taas noo. "Wala naman akong sinasabi na may masama kang balak, ang akin lang is ayoko ma-issue." Nginitian ko siya ng genuine at saka humigop uli sa glass straw kong cute at may cover na buntot ng whale. "At diba? Hiwalay na kayo ng sinasabi mong girlfriend na 'yan?"

"Whatever," Inirapan ako ni Adrion at saka pumalakpak ng isang beses. "So.. sino pa ba ang hinihintay naten?" Pagpapatuloy niya nang sarcastic pa rin. "Parang may hinihintay pa eh, si Rika sana sinama niyo na."

Patakbong lumapit samin si Hero at hingal na hingal na tumabi kay Adrion. "Sorry kuya. Inutusan kasi ako ng marami ni mama kaya medyo na-late ako," Nilipat ni Hero ang tingin niya sakin. "Sorry ate,"

"Etong si Tita talaga, laging nagpapasabay ng utos kapag lalabas ka." Natatawang binatukan ni Adrion si Hero.

Nilipat uli Hero ang tingin niya kay Halley kaya pinakilala naman ni Adrion si Hero sa kaibigan ko.

"Halley, this is Hero, pinsan kong cute pero nakakapikon.." Hinawakan ni Adrion ang kanang balikat ni Hero nang nakangiti. "And Hero, this is Halley. Friend ko rin 'to sa new school."

Medyo yumuko si Hero at saka bumulong nang medyo malakas kay Adrion. "Kuya bakit naman puro babae ang mga bago mong friends? May kailangan ba kaming mala-"

"Tarantado." Kinutusan ni Adrion si Hero. "May mga kaibigan din akong lalaki sa school, nagkataon lang na sila lagi kong kasama sa mga school works."

Halos mapatalon ako nang konti sa kinauupuan ko nung may lalaking tumapik sa balikat ko mula sa likuran. "Sorry, I'm late uli." Napatingin ang lahat kay Narrow habang hinihila ang upuan na bakante sa tabi ko. Umupo siya at saka ibinaba ang phone niya sa table na nasa harap namin.

Nilingon niya isa isa ang mga kasama ko: Mula kay Halley, kay Hero, hanggang kay Adrion. "Hi, Narrow here." Panimula niya at saka ngumiti ng sweet at saka inilahad ang kamay sakanila para makipag shake hands. "Super close friend ni Felixandra." Super close friend. Okay.

Nakipag shake hands naman si Halley habang titig na titig kay Narrow at saka ako tinatapakan sa ilalim ng table namin.

Nakangiti ring tinanggap ni Hero ang kamay ni Narrow. "Hello po. I think we are from the same university." Naka-uniform pa kasi si Narrow at kitang kita sa coat niya ang department niya.

"Basic ed?" Malumanay na tanong ni Narrow kay Hero kaya tumango lang si Hero.

Nakipag shake hands din naman si Adrion kay Narrow. "Adrion." Ngumiti lang si Narrow sakanya at saka ibinalik ang tingin sakin, tapos kay Adrion uli. "Sabi ni Felixandra nagpapasama ka raw?"  

"Supposedly." Sumandal nang nakataas din ang noo si Adrion. "But unfortunately, may mga kasama pala siya." Nginitian niya ako ng sarcastic. "Ang clear ko kahapon, kaming dalawa lang sana."

Humawak sa ulo ko si Narrow at saka ginulo ang buhok ko. "Isn't it weird for you to ask her tapos kayo lang dalawa?" Kalmado niyang tanong habang nakangiti. "Kasi parang kahit walang malisya, ang panget lang for her image."

"There's nothing wrong naman if magiging friends kami," Nilipat ni Adrion ang tingin niya kay Halley. "Right?" Tumitig uli siya kay Narrow nang nakangiti pa rin. "Sa dami ng time na kami ang magkakasama sa school, ngayon pa ba kami magkakailangan? Gusto ko siya ilibre sana at pangaralan tungkol sayo, at mag open sakanya tungkol sa sitwasyon ko. Kasi parang mas nakakaintindi siya kesa sa mga kaibigan niya, lalo na f*cked up din siya dahil sayo."

Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon