004 - Ghoster

25 4 3
                                    


"Cha. I have something to tell you." Dahan dahan niyang ibinaba sa table namin ang iced coffee na hawak niya. "I must admit," Napatingin ako kay Narrow. Nakatambay kami sa coffee shop na dapat pagkikitaan namin kahapon. "I'm kinda uncomfy na nakikipag friends ka uli sa guys." Seryoso siyang nakatingin sa mata ko. "Look, lalaki ako. And I know kung ano natakbo sa utak ng kapwa ko. You shouldn't be too open para sakanila. It's like hinahayaan mo sila na landiin ka."

Oops. That is too much for him na sabihin sakin. I think ako ata ang dapat magsabi sakanya na ang uncomfy na ng mga ginagawa niya sakin na biglang susulpot lang kapag trip niya.

"It's not like that, Ari-" Ari ang tawag ko sakanya. Ari short for "carry". Carry like bumubuhat sa laro. Tiga-buhat ko rin sa kahit na anong bagay. While Cha for Champ. Champ short for Champion or yung tawag sa character na ipi-pick mo sa isang online game na nilalaro namin. 

We were both into with videogames kung mapapansin mo. 

Bigla kong narealize, maling mali rin para sakin na tawagin siyang Ari at tawagin akong Cha dahil una pa lang, wala kaming label. Pangalawa, naguguluhan ako: Gusto ko ng solid, at definite na rason at tawag sa kung anong meron kami.

Tinitigan ko rin siya nang diretso sa mata at saka huminga ng malalim. "At one more thing, can we not call each other as Ari and Cha na?"

Napakunot ang noo niya at saka napasandal. "What do you mean, Cha?"

"Feeling ko this is not right."

Huminga rin siya nang malalim at akmang magsasalita na pero inunahan ko siya.

"I think, deserve ko ng definite answer from you." Pagpapatuloy ko. "Tinatawag mo ko sa kung ano anong nicknames, pero hindi mo masagot kung ano bang meron tayo. Kahit man lang sana assurance na ako lang ang tatakbuhan at kakausapin mo, hindi mo pa maibigay. I think it's unfair for me to wait nang sobra sa sagot mo na parang ako pa ang naghahabol at nanliligaw sayo." Masama ang loob ko. Pinipigilan ko ang pag iyak ko at kino-control ko ang boses ko para hindi mag-crack. "Feeling ko ako lang ang may gusto i-push 'tong meron tayo. Tinatawag mo akong "Cha", tapos kakausapin lang nang ilang araw kada semester naten. Tapos hindi man lang umaabot ng isang linggo yung duration ng conversation naten. Ako pa ang huling nagcha-chat or nag rereply. Napapahiya ako."

"Cha, I'm very so-"

"I said stop it!" Nagtaas na ako ng boses, pero sapat lang para saming dalawa. "I'm not your Cha anymore! Tawagin mo ko sa pangalan ko. Tawagin mo ko sa deserve ko!"

I was so mad na parang hindi ko na marinig ang paligid ko. Sobrang nakafocus ako kay Narrow at sa sama ng loob ko na naipon.

Tumayo nang konti si Narrow, hinawakan ang dalawang pisngi ko at saka tinitigan ako nang malungkot. "Felixandra." Sinimangutan ko siya at sinubukan umalis sa pagkakahawak niya. Hinigpitan niya nang konti pa ang pagkakahawak niya. "Manalili. Felixandra Manalili. I am very sorry. Ang sabi mo kasi, after college tayo maglalagay ng label. Akala ko hindi ka pa ready."

Napaka amo ng mukha ni Narrow.

Binitiwan niya ang pisngi ko at saka ngumiti nang konti. Nag lean forward siya at tinitigan ako nang diretso sa mata. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Traitor and Cheater Crossing [ on-going ]Where stories live. Discover now