Ngumiti ako nang mapait, sa oras na mabalik ang aking alala at muli kong maalala ang aking pinagmulan ay sana'y hindi pa rin napapawi ang pagmamahal mo sa akin Lazaro, ang pagmamahal na iyong binigay nang mga panahong hindi ko maalala.



ITINAAS ko ang aking suot na balabal sa aking ulo, napalinga ako sa buong paligid umaasang may masusumpungan akong karwahe. Tila malabo na ako'y makasumpong ng karwaheng aking masasakyan dahil alas-dos pa lamang ng madaling araw.

Humupa na ang baha, at may mga kakarampot na bukas na ilaw na rin sa labas. Napatingin ako sa bahay panuluyan nila David at Lazaro, iniwan ko roong mag-isa si Lazaro dahil hindi ko batid kung paano ko ito haharapin kinabukasan, mas makabubuti kung tatakbuhan ko muna ito lalo na sa mga panahong ako'y gulong-gulo.

Nagsimula akong maglakad sa kahabaan ng daan kung lalakarin ko ang daan patungo sa aming tahanan  ay tiyak aabutin ako ng pagsikat ng araw. Patakbo kong sinuyod ang kahabaan ng daan, ako'y labis nang nag-aalala para kay Ligaya. Tiyak na kagabi pa nito hinahanap ang aking kalinga ngunit wala ako roon upang iparamdam sa kaniya.

"Señora!" nagitla ako nang marinig ko ang isang malakas na tinig. Inilibot ko ang aking paningin upang masumpungan ito, ngunit tila ako lamang ang taong naroroon. "Señora Solana!" nanlamig ako nang may biglang humawak sa aking braso.

"Mang Nestor" wika ko, si Mang Nestor ay ang aming kutsero siya ang asawa ni Manang Luz. Hindi nalalayo ang kanilang edad kapwa sila nasa edad na limampu. Napakamot ito sa kaniyang ulo at tumango. "Kanina pa kita hinahanap Señora inihabilin ka sa akin na ikaw ay aking hanapin dito sa bayan" wika nito. Napatango ako at napangiti nang tipid. "Pasensiya na dahil ikaw pa ay aking naabala" paghingi ko nang paumanhin. Tumango lamang ito. "Walang problema sa akin iyon Señora" tugon nito. Inanyayahan na ako nitong tumungo sa karwahe

Naglakad na kami patungo roon at sinimulan na niya itong palakarin. Napasandal ako sa sandalan ng upuan, hindi ko na muling nilingon ang bahay panuluyan na kung saan doon mahimbing na natutulog ang lalaking aking minahal sa mga panahong hindi ko maalala.



AGAD  akong bumaba sa karwahe nang makadaong kami sa aming tahanan, alas-tres na ng madaling araw. Naabutan ko si Manang Luz na nasa kusina habang mag hawak itong isang tsaa.

"Señora, saan ka ba nagtungo? alalang-alala kami sa iyo lalo na si Ligaya" nag-aalalang saad nito at lumapit sa akin. Iniabot nito ang kaniyang inuming tsaa. "Tutungo ho muna ako kay Ligaya" saad ko.

At nagsimulang umakyat sa ikalawang palapag, tinawag muli nito ang aking ngalan ngunit hindi na ako lumingon dahil ako'y lubusang nanabik na kay Ligaya. Agad kong binuksan ang pinto at halos manlaki ang aking mga mata dahil nadatnan kong nakatayo malapit sa bintana si Leonora.

"A-te  Leonora" gulat na wika ko at pumasok sa loob, napatingin ako kay Ligaya na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Akmang magsasalita muli ako nang maramdaman ko ang mabibigat na yapak nito at ang malakas na sampal na dumampi sa aking kanang pisngi.

"Señora!" gulat na tinig ni Manang Luz.  Napatingin ako sa mga mata ni Leonora at kitang-kita ko kung paano umapoy ang mga iyon. Tila ang mala-anghel nitong mukha ay naglaho na lang bigla. Nanlilisik ang kaniyang mga matang binalingan ng tingin si Manang Luz.

"Ikaw ay umalis!" mariing wika nito dahilan upang hindi makapagsalita si Manang Luz dahil tila ito'y nagulat din  sa ipinakitang ugali ni Leonora.  Nanlulumong umalis si Manang Luz, lumapit muli sa akin si Leonora at hinigit nito ang aking kamay at sapilitang idinala sa isang silid.

"Ate Leonora bakit?" halos nagmamakaawa kong saad, nangingilid na rin ang aking luha dahil hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Leonora. Binitawan  nito ang aking kamay at sandaling hinilot nito ang kaniyang sentido. Hindi pa rin nawawala ang hapdi nang pagkakasampal nito sa aking pisngi.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now