Ayaw mo nga rin na may nangingialam sa mga plano mo ehh! Tapos ngayon tatanungin mo ko kung bakit?!



Pero syempre hindi ko 'yan pwedeng sabihin at tanungin sa kaniya at baka mapagkamalan pa akong baliw ng animal.



"It looks important..." Kunwaring mabait ko na lang na sabi, habang pinapakita na wala akong ideya sa impormasyon na nasa papel.



Atsaka sa tono ng pananalita ko ay siguradong malalaman niya ang nais kong ipahiwatig. Ang ibig-sabihin lang kasi non ay importanteng bagay ang nasa papel. Kaya bilang si Heavenhell at ex-fiancé niya ay wala akong karapatang malaman kung ano ang laman non.



"Masakit kung iisipin, pero hindi mahirap tanggapin. Heh!"



Magdadrama pa sana ako nang biglang putulin ni Vile ang kalokohang naiisip ko.



"So what?" Tanong nito na seryoso na ngayon. S–shocks!



"Anong so what, young master? Syempre wala akong karapatan para malaman ang pinagkakaabalahan mo atsaka ika—"



"But you're my baby, so it's okay." Dire-diretso nitong sabi na kinalaki ng mata ko.



"F–fuck!"



Paano niya nasasabi yan nang nakapoker-face? Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong kiligin o matawa na lang?! Aish.



"So, can I look at it?"



Ngumiti ako sa kaniya nang tumingin siya sa'kin. Syempre medyo curious din ako kung ano ba talaga ang laman ng black folder.



Bilang isang side character na nalalapit na ang kamatayan ay nararapat lang na maki-tsismis na tayo. May konting oras pa naman kaya may tsansa pa tayong mabuhay sa mundong ibabaw. Hahaha!



"Ehem! Mamamatay ka na lang, Carnelia pero nagagawa mo pa talagang tumawa ahh?"



Makalipas ang isang minutong pakikipag-usap ko sa sarili ay wala naman akong narinig na salita mula kay Vile. Kaya agad akong lumingon sa kaniya na ngayon ay seryoso na nakatingin sa nakabukas na folder.



Hmm... Tutal siya naman ang nagsabi na ayos lang ay walang-atubili akong sumilip sa papel na hawak niya.



Sa pagsilip ko dito, unang tumambad sa'kin ang malaking pangalan ng Nightfall Organization. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa nalalapit na pagsisimula ng istorya.



Akalain mong malapit na akong maglimang buwan sa mundong 'to. At nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay buhay ka pa rin, pagkatapos ng mga kamanyakang pinaggagagawa mo sa male lead, Carnelia!



"Young master..." Mahina kong tawag kay Vile.



"Hmm?"



"Ano 'yang Nightfall Organization na 'yan?" Pasimple kong tanong sa kaniya habang pinapakiramdaman kung bigla ba siyang bubunot ng baril. Aba'y mabuti na ang sigurado.



Atsaka hindi ko naman inaasahan na sasagutin ako ng animal dahil masiyadong tago ang impormasyon tungkol sa Nightfall Organization.



Nabanggit kasi sa nobela na unti-unting magpapakilala ang organisasyon nila sa publiko, kapag nagawa na nila ang unang hakbang sa plano nila. Kung ano mang plano 'yon ay yun ang aabangan ko sa pagdating ng female lead.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now