"Stay." Malamig nitong utos na nagpataas ng balahibo ko. Bigla kasi akong nanlamig sa boses niyang napakalalim. Hindi niya naman siguro ako inaakit no?



"H--huh? But you look busy now, so I might annoy you if I keep moving around like this." Kunwaring nag-aalinlangan ko pang sabi.



Aba'y mahirap na at baka biglang umandar ang kalandian ng character ni Heavenhell at biglang gumiling–ehem! Ehem! Ang utak Carnelia, pakiayos!



"Daddy..." Tawag ko sa kaniya.



Magsasalita pa sana ako nang bahagya siyang yumuko bago nagsalita na nagpalunok sa'kin. S–so close! Shit!



"Don't move and sit still, hmm?"



⁄⁠(⁠⁄⁠ ⁠⁄⁠•⁠⁄⁠-⁠⁄⁠•⁠⁄⁠ ⁠⁄⁠)⁠⁄



Aiya. Ngayon alam ko na kung bakit marurupok ang mga female character na nababasa ko pagdating sa male lead. Sa gwapo siguro nila at sa kalandian na dala nila ay talagang titiklop ang mga babae dito.



Kung nasobrahan nga lang ako sa landi ay siguradong aanayin din ang Narra tree ko. P–pfft!



"O--okay. I'll just lean on you then." Sabi ko nalang atsaka sumandal sa kaniya.



Hindi ko na rin pinansin ang posisyon namin at ang kaniyang ano na nararamdaman ko sa ilalim ko. Mahirap na ang tamaan ng tukso no. Baka sa sobrang manyak ko ay masukat ko ang kaniyang haba– I mean ang haba ng kaniyang biyas. Hehe!



Napakagat-labi na lang ako dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Kung ano-ano kasing kadugyutan ang pumapasok sa utak ko kaya nadudumihan tuloy ang mabuti kong pagkatao.



Nang maayos ko na ang pagkaka-upo ay tsaka ako nagsalita. "Is this okay, young master?"



"Yeah," maikli nitong sagot.



Hindi na ako nagsalita at tinuon na lang ang atensyon sa hawak-hawak nitong libro.



Hmm...



Mukhang may kinalaman sa politics at economics ang binabasa niya. Wow! Iba talaga kapag matalinong character ka dahil siguradong iba ang magiging trip mo sa buhay.



Tahimik lang akong nakasandal sa kaniya hanggang sa nakita kong may kinuha na black folder si Vile. Sa itsura ng folder ay mukhang importanteng impormasyon ang nasa loob. Hindi ko tuloy malaman kung pwede ba akong tumingin doon.



Kasi naman no? Paano pala kung secret dealings 'yan ng secret group nitong si Vile, edi namatay ako?



Mas minabuti ko na lang na sumiksik sa leeg ni Vile na mukhang napansin niya pa yata.



"What are you doing?"



Ngumiti ako ng pilit bago nagsalita. Sa itsura ko siguro ngayon ay para akong batang nahuli na may ginagawang masama.



"A–ahmm... Iniiwasan kong tumingin sa papel kaya–" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin nang makita ang nakakunot na noo ng male lead.



"Why?" Malamig nitong tanong na kinakunot rin ng noo ko.



Aiya! Tinatanong pa ba yan, male lead?! Syempre nabasa ko sa nobela na ayaw na ayaw mo na may ibang tao na nakakakita ng mga trabahong ginagawa mo.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now