Chapter 22: A Date It Is

30 6 4
                                    

Chapter 22: A Date It Is

“Saan ba tayo pupunta?”

Basta-basta na lang kasi akong sinundo ni Doom sa bahay. I told him to sleep in his house since he’s been with me for about a week already. Wala ba siyang sariling buhay?

Himala namang pumayag ito at hindi man lang nagreklamo.

“I told you we will look for a dress to fit you.” Aniya.

Bigla-bigla ba naman itong tumigil kaya bumangga ako sa likod niya. He grinned at me menacingly. Ano na namang issue ang meron ito?

“Why? Are you disappointed to see me and not your lover boy?”

He looked at me with his tantalizing eyes. Umiba rin ang tono ng kaniyang boses. Parang tunog nang-uuyam.

“L-luh, over!” I looked away to hide my face. “Akala ko naman kasi nagbibiro ka lang. Hindi ko naman alam na totohanin mo pala.”

I hissed, trying to scare him away. Pero parang lalo lang itong nawala sa mood. Ang tanda ko pa ay kagabi pa siyang ganito. Pagkatapos naming umuwi galing sa EK. Hindi man lang ito nagsalita. Ang hirap din kayang manghula.

“Kailan ba ako nagbiro, Ash?” Inayos nito ang damit na palagi niyang suot.

Even though he keeps on repeating his clothes, he still looks good in them. Pero nabobo-boring na ako at nakakasawa na rin. I don’t want to say it to him, I don’t want to hurt his feelings. Mukha pa naman siyang masyadong confident. I’m not a mood-breaker, duh.

“Ang dami mong sinasabi. Gusto mo pati ikaw panindigan ko?” Humina ang kanyang boses pero hindi ito nakatakas sa aking pandinig.

Panindigan? Big word.

“Gusto mo lang akong i-date e.” Pagbibiro ko pa sabay mahina siyang sinikuhan.

He just stared at me for a minute, and then leashed out of the house.

Hindi man lang nagdeny?!

“H-Hoy, joke lang ’yon!” Hinablot ko sa sahig ang aking bagpack at saka sumunod na rin.

I think my cheeks are burning.

“If that’s what you want to call it, then it’s a date.”

Hindi na rin ako nakapagsalita pagkatapos mula non. Things gets pretty out of hand when I’m with him. Pero panatag din ako kapag siya ang kasama ko. Is it because he promised to keep me safe before I make that wish? I don’t know. Parang hindi lang iyon. Partly, oo. Pero siguro dahil alam kong kapag nasa tabi ko siya, all things are under his control. When anything happens, I know he will be there. It’s a lot more than comfort. I think it’s the assurance. And I’m that privileged when I’m with him.

“You look good on your shirt.” he complimented, pero parang may mali.

“It was supposed to be the other way around, right?” Kunot-noo kong tanong sa kanya. “Riiight?”

Pinitik nito ang aking noo bago magsalita.

“I mean what I said.” He chuckled.

Did he just told me Iooked ugly, indirectly? The audacity. Parang ako pa ’yung binuhat ng t-shirt, ah.

Iyon nga lang may side effects ‘yung privilege na ’yon. He gets to pick on me when he likes to.

Napatingin ako sa suot kong shirt. It was the same black shirt I woke up with on my side along with the flowers. Napairap ako sa hangin. Pinagtrip-an nga niya akong regaluhin. Sa sobrang thoughtful niya, pinatay niya na ako sa kanyang isip. Of course, he would find that fun. He’s that type of a guy.

Hello DoomDove le storie prendono vita. Scoprilo ora