Chapter 2: Wish

49 14 19
                                    


Kumatok ka.

Tanda kong isinulat sa recycled paper iyon at idinikit ko sa aking bintana. Malay ko bang tumatagos yun kung saan-saan. Ayoko namang bigla-bigla na lang nanggugat iyon pagkagising ko. Bakit kasi kailangan pang pagkatapos magising niya pa ako chachansing-an, kung pwede naman sa hapon o gabi. Don't get me wrong, I don't like the idea of someone hugging me, at worst, siya pa.

Ayoko lang na makita ako ng tumatayong Madrasta ko na may bumibisita o kasa-kasamang lalaki. Malala pa naman sa pagkajudgmental at assumera iyon.

Hindi pa nga tumitilaok ang manok ay gising na ako. Naghintay ako ng ilang minuto at baka mag-aaparisyon ang lalaking iyon pero hindi naman nangyari kaya tumayo na ako't inayos ang pinaghigaan ko. Dumiretso ako sa kusina at nagluto ng makakain ng mga tao dito.

Pagkatapos non ay dumiretso ako sa banyo at dali-daling naligo. Ilang araw ko na ding tinitiis yung lamig ng tubig makaligo lang. Pati sa tubig kasi gahaman ang madrasta ko.

Tininklop ko ang tuwalya sa aking katawam at saka dali-daling naglakad patungo sa aking kwarto. Sinilip ko muna kung may tulo ng tubig ang sahig bago sinarado ang pintuan.

Pagkalingon ko ay siya ring paglaki ng mata ko nang makita ang likod ni Doom na wari ko'y kanina pa nakatayo doon.

Nataranta ako kaya't hinablot ko agad ang kumot at pinangtakip sa buo kong katawan.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nanggigigil na pabulong kong tanong sa kanya. Nilingon niya ako't tinaasan ng kilay. "Hindi ka ba marunong magbasa?" Itinuro ko ang papel na ikinabit ko sa bintana.

"Kasalanan ko bang nasa bintana iyan e sa pinto naman ako dadaan?" Napahigpit ang pagkahawak ko sa aking kumot, pumikit at bumuntong-hininga.

"'Yung point ko, bakit hindi mo man lang ako ini-inform? Nakita mo ba kung ano' yung suot ko ngayon?"

"May point ba kung makikita ko 'yan e wala namang makikita dyan." Umupo ito sa kutson sa sahig at saka humuyap.

Bastos nito.

"Umalis ka na nga! Magbihis pa ako!"

Hawak ko sa kabila kong kamay ang kumot habang ang kaliwa naman ay hila-hila ang suot niyang black polo shirt na inrolyo pataas ang laylayan ng kanyang sleeve. Kita tuloy ang kutis porselana nitong balat at ang pag-usli ng kanyang mga ugat sa paraang nakaakit sa mata.

Hindi ito umimik ngunit sinunod niya ang sinabi ko at bigla na lang nawala.

Madali naman palang kausap e. Nang-iinis nga lang bago sumunod.

Dali-dali na akong nagbihis ng pang-casual na damit at inilagay sa sling bag ko ang ballpen ko at ID. Chineck ko ang pitaka ko kung sapat pa ba 'yung pera ko para sa byahe mamaya at pagpapaprint ng mga bio-data. Isang daan. Kulang. Pero magagawa naman siguro ng paraan. Para saan pa at may dalawa akong paa.

Tutungo na sana ako ng pintuan nang sakto namang nagpakita sa harap ko si Doom.

Kumabog ng parang drum ang dibdib ko kaya napahawak ako dito.

"Pwede ba kung magpapakita ka ng ganito gumawa ka ng kahit tunog man lang para alam ko na nandyan ka." Binuksan ko ang pinto at sinarado agad. Pagkalabas ko ng aming gate ay hindi ko siya makita.

"Ding-dong." Panggagaya nito sa tunog ng doorbell.

Tumawa ako ng peke ng nakita ko siya sa aking likuran.

"Seryoso ka? Ding-dong?" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa paradahan ng jeep. "Wala bang mas astig doon? Ang lame mo naman."

"Ding-dong astig."

Hello DoomWhere stories live. Discover now