36. The Race to Gemini

71.7K 2.5K 151
                                    

ALVIS

Ang ikalawang grupo. Sila ang liga ng mga mabibilis na wind and light keepers sa buong Cairos Academy. Ang kanilang leader na si Troi Jan ang kailangang bantayan, siya ang tinaguriang light beam walker at beam manipulator. Kaya nitong dumaan gamit ang beam of light at kaya nitong kontrolin ang liwanag sa paraang gusto niya. Ang mga kasama nitong sina Uzuma, na isang wind keeper at may kakayahang gawing sandata ang hangin gamit ang kanyang air whip technique, si Kaibyul na isang double keeper of both fire and light na tinaguriang 'the exploding keep' dahil kaya nitong pasabugin ang sarili at magregenerate in full, si Scarlet na may pulang mata at isang red wing bearer at ang pinakabata sa grupo na siyang nagsisilbing utak na si Ericka. Team of perfection sila kung tawagin.

Nang lingunin ko ang grupo ni Tanya at ang isa pang demon slayer nitong kasama na si Otaku na halos sing lakas lang din ni Laurent at ang mga double keepers na sina Jasero, Ayseh at Maurish nadagdagan ang kaba ko. Malalakas sila at malayong mas maraming karanasan sa pakikipaglaban kumpara saamin.

Dehado kami.

Napakuyom ako ng palad. Malaking bagay din kapag nanalo kami sa laro. Level Acceleration ang katapat no'n saamin at kapag nangyari 'yon, magiging ganap na akong journeyman at mapapasali na ako sa mercenary guild ng Cairos. Magiging apprentice na sina Lara, Amber at Laurent. Si Silex nama'y magiging initiate na rin at kalahating taon na lang ang bubunuin niya para maging isang journeyman upang maging miyembro ng guild sa iba't ibang sangay ng pamahalaan ng Cairos. Pero may mas mahalaga pang rason kung bakit kailangan naming mahuli ang Gemini's tail, kailangang mapatunayan namin ang aming talento at lakas upang matigil na ang imbestigasyon ng council of magic sa aming lima lalong-lalo na kay Lara. Panghuli, kailangan kong makuha ang isa sa mga ten gifts ng Gemini para maipagtanggol si Lara at ang mga kabigan sa kahit na anumang panganib. Kailangang isa saaming lima ang makakuha.

"Alvis, what shall we do? Parang kulelat na tayo?" Natutulirong sabi ni Amber habang may kung anong dinudukot ito sa poku bag niya. Nang maglaon ay may inilabas itong isang malaking kapote. Nagulat ang lahat.

"Ano yan?" Gulat na tanong ni Silex.

"Pagkain! Pagkain!" She hissed and rolled her eyes at Silex. "Kapote nga diba?"

"Sige nga nguyain mo kung pagkain yan!" Counter attack ni Silex sa verbal duel nila ni Amber. Kanina pa may LQ ang dalawa.

Laurent interrupted na parang natatawa na rin sa inaasta ng dalawa. "So what are you planning to do with that? Magpapaulan ka tapos ikaw lang ang may kapote?"

Being a water keeper, medyo may sense ang sinabi ni Laurent. Pati ako ay nagtaka kung anong binabalak ni Amber sa kulay asul na kapote. "Para saan ba kasi yan Amber?"

"Water property enhancer! Kapag suot ko 'to triple ang kaya kong ibugang tubig. Nagmumultiply ang napoproduce ng keep ko." Proudly, Amber explained as she wore the aqua colored cloak.

Nagkomento rin si Lara na kanina'y nilalaro si ruru. "Amber that's amazing. Ibang level ka na talaga!"

"Well let's see kung uubra 'tong sinuggest ni Mistress Fhaun."

"Just a reminder sa mga kalahok. Sa oras na makatapak kayo sa carpet ay bawal nang gumawa ng pag-atake na hindi nakadikit sa royal carpet. Kailangang lahat kayo ay may nakadikit na bahagi ng katawan sa royal carpet hangga't hindi natatapos ang laro. That's the general rule: NEVER LEAVE THE CARPET ONCE YOU'RE ON IT! Ibig sabihin, sa oras na may mahiwalay na team member sa magic carpet, ay madedesqualify na kayo at matatanggal sa laro. Any team member can attack their opponets para manalo as long as nakadantay o nakakadikit sa royal carpet."

Mukhang may twist nga ang laro. Mas mahirap dahil kailangan naming mag-stick sa carpet habang hinuhuli ang napakabilis na bolang apoy ng Gemini.

"The final round begins... IN THREE. TWO. ONE!"

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon