36. The Race to Gemini

Začať od začiatku
                                    

Yun ang naging hudyat. Nagsimula kaming mataranta. Ni wala kaming napag-usapang strategy or game plan para mahuli ang mabilis na Gemini.

"Oh my gosh!" Yun na lang ang narinig ko mula kay Amber.

Si Laurent at Silex ay nakamasid at nag-abang na lang sa susunod na mangyayari samantalang nakatingala sa taas ang gulat na gulat na si Lara. She saw something -three royal carpets coming down near us.

Three huge carpet flew around us. Equally sturdy imbued frostweave frame with real iceweb spider silk threading. Nasa tatlong metro ang haba ng mga ito at dalawang metro ang lapad. They came in three colors, red, purple and gold which are the colors of the reiol. Nasa gitna kaming tatlong koponan habang taas babang lumilipad paikot saamin ang tatlong carpet.

"Guys, choose the golden carpet." Malakas na sabi saamin ni Amber. Then she continued her explanation. "Among the three royal carpets, the golden one is the fastest and seemingly the invisible one. The star of Gemini does not recognize gold colors according to myths!"

We were all ready.

Bago pa ako tubuan ng pakpak para kunin ang golden carpen ay sinugod na kami ng ibang grupo. Hindi ko akalaing mangyayari 'yon at legal 'yon sa laro.

Troi Jan, used his light beam control and skated inline. He came careening around the corner and barreled towards us, yelling agrily. Laurent grabbed Lara's arm and yanked her out of the way. Si Lara ang tinarget nito. Mabuti at naiiwas siya ni Laurent.

"Let's move!" Sigaw ni Silex na nag-anyong giant hawk.

Agad na sumakay sina Amber, Lara at Laurent sa likuran nito. Silex flipped his wings at bumuo iyon ng malakas na bagwis ng hangin. I was so ready to flip my wings too.

Before I could make my wings flutter, an attacker lunged at me. I dodged to the side and delivered a sharp kick to his knee.

It was Maurish. Pinipigilan niya akong makalipad para makuha ng team niya ang golden carpet.

He dived and caught me offguard. We strangled and rolled to the ground. He released a solid punch targetting the base of my wings. I hurled my body to the ground trying to avoid his knuckle.

Nakaiwas ako.

He swung a roundhouse punch.

I bent backward and felt his knuckles swish past my nose. Muntik na 'yon. Mabilis kong kinabig ang braso nito at tinukod ang kanan kong paan para makatayo. Then, with all my streght, I lifted Maurish and swung him around. Hawak ko ang kamay nito habang iniikot-ikot ko siya. With full force, ibinalibag ko siya ng malakas.

He grunted. Sapo nito ang sikmura.

Mabilis ako lumipad para abutin ang golden carpet. Nakikipagpalitan naman ng atake sina Laurent sa iba pang koponan. Nakita ko si Lara. Nakatingin ito saakin. Ilang saglit pa nang maramdaman ko ang karagdagang bilis at lakas ng aking mga pakpak. No lara! Masyado pang maaga para gamitin mo ang support powers mo! Naisip ko pero wala nang oras para pigilan ko siya dahil nakita kong malapit nang mahabol ni Troi ang lumilipad na golden carpet.

Ginawa nitong parang solid blocks ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw at mabilis itong tumuntong sa mga blocks na parang naglalakad lang sa hagdanan. Kontrolado niya ang mga light blocks na 'yon at napapalitan niya ng direksyon sa kung saan mas mapapalapit at mapapadali ang pagkuha niya sa carpet.

Isang metro na ang layo nito, mga sampong metro pa ang layo ko sa carpet nang biglang sunggaban ni Tanya si Troi. Mula sa likod ay nakapulupot ang kanang braso ng babae sa lalaki at akmang sasakalin ito. Nawalan sila ng balanse ng lalaki. The blocks broke and they both fell to the ground.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now