Nakahinga lang ako ng maluwag nang magsimula na ang aming klase. Kahit na busy at nakikinig naman ako sa lecture ay lumilipad pa rin ng kusa ang utak sa kung saan.

I absentmindedly bit my lip when I remember the scene again. Now that my head was repeating our quick kissing scene unconciously, parang gusto kong ikahiya ang sarili ko dahil hindi man lang ako nakasagot ng maayos sa biglaang paghalik na 'yon. If I was able to reply to that, I know every head he has would be blown away. I'm a damn good kisser. Paninindigan ko 'yon at hindi na ako makapaghintay na mapatunayan iyon sa kanya.

"Hi Hozier!" Malambing na bati ni Andrea rito matapos naming malapitan pagkatapos ng klase.

Splace was closed today kaya maaga at sabay-sabay kaming napunta sa parking lot para umuwi. They said they will not go anywhere tonight dahil napilit kong mag-aral ang mga ito hindi dahil gusto kong pumasa sila kung hindi dahil pagod na akong mainggit kung saan sila pupunta ng wala ako.

"You're looking good, Hozier! Favorite mo talaga ang red 'no? It suits you especially now..." makahulugang dagdag naman ni Queeny matapos punahin ang pulang polo shirt at relo nitong suot sabay baling sa akin.

"Pag-ibig nga naman..." sulsol na bulong ni Andrea.

Kumunot ang noo ni Raglan, nalilito pero hindi na lang pinansin.

Ako naman ay tahimik lang, takot na makagawa ng kung anong dahilan para mabisto ang mga kasinungalingan kong patay na patay sa akin ang lalaki.

"Hi. Thanks for the compliment." He answered casually.

Kilala na niya ang mga kaibigan ko pero kung gaano kasama ang turing niya sa akin ay gano'n naman siya kabait sa mga ito. He always smiles at them and he never did that to me. Sa akin ay lagi iyong sarkastiko at naghahamon.

What if kaya gano'n ay dahil talagang gusto niya nga ako? What if it was love at first sight? I mean it kind of make sense. The more you hate the more you love, right?

Natigil ako sa kabaliwan nang mas mapalapit pa kami sa lalaki.

Holly smirked at him and said, "You better take care of our friend, alright? Don't disappoint her and please take it easy." Malisyoso nitong sabi dahilan para hatakin ko siya nang akma niya pang hahawakan ang braso ng lalaki.

Umalingawngaw ang tawa nilang tatlo sa parking lot nang itulak ko silang lahat palayo sa amin.

"Go home bitches! Mag-aral kayo ng mabuti dahil nakakahiya kapag hindi kayo nakapasa sa midterms! I'll disown you all."

Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin ni Holly ang braso ko.

"Hindi ko alam na selosa ka pala. Para hahawakan lang kung matigas ang braso." Ngising asong bulong sa akin ni Holly na siyang huli kong naitulak dahil panay pa ang balik kaya wala na akong choice kung hindi ang kaladkarin siya palayo.

I almost slapped my forehead when Holly gestured her hands pointing two fingers on Hozier and then back to her eyes. Telling him that she is now watching him closely. Patuloy namang humagikhik ang dalawa ko pang kaibigan at ngising-ngisi habang palayo.

"What the hell was that?"

"I don't know. Bakit hindi sila ang tanungin mo." Masungit kong sagot sa aking pagharap sa kanya.

"You shove them away before I could even ask."

Nilagpasan ko siya at ako na mismo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan para makasakay doon.

"Well, it's not my problem anymore." I said before shutting the door.

Shit! I'm going to kill those bitches! Muntik na akong mabuko!

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Where stories live. Discover now