CHAPTER 10

5.5K 109 7
                                    

Chapter Ten

Another Scandal



My face went pale after seeing the man. Dama ko rin ang panlalamig ng buo kong katawan habang lutang na nililingon ang taxi at ang pinanggalingan namin!

It was so clear that he arrived here first. Maayos na naka-parallel park ang aming sasakyan sa hindi kalayuan at kahit na nagmadali na kami ni Andrea ay mukhang naghintay pa rin siya. The devil was fast.

"Anong ginagawa mo rito?!" Singhal ko matapos niya akong lapitan.

Umayos siya ng tindig para harapin ako.

"Hindi ba't ako ang dapat magtanong niyan sa 'yo? Bakit mo ako iniwan? Or should I say tinakasan?"

I scoffed sarcastically. Iyon na lang ang panglaban ko dahil ayaw kong mapahiya ngayon sa harapan ng mga kaibigan ko. I was never embarrassed in front of everyone and I will not let this stupid son of a gun to do it again. Mas lalo ngayong narito sila Andrea!

"Well first of all malinaw ang naging usapan kanina na wala akong pakialam sa 'yo at ayaw kong ikaw ang maging bodyguard ko."

"Mas malinaw ang utos ng daddy mo na bantayan kita at huwag hayaang umalis ng wala ako."

"And yet you failed to do that."

"Nah," he said, the side of his lips was now arching. "You are here in front of me and I will not let you go anywhere but home so I think I did my job well."

"Well you can't make me go home. Kapag sinabi kong ayaw ko pang umuwi ay hindi ako uuwi."

"Too bad I can't make that happen."

"Oh yeah? At anong gagawin mo? Kakaladkarin mo ako paalis sa lugar na 'to?!"

Mas matapang ko siyang nilapitan. I was just seconds to punching his face hard, but the man didn't even budge. Imbes nga na matakot sa akin ay isinara niya lang ang mumunting espasyong namamagitan sa aming dalawa!

"S-Saryna, it's okay. Y-you can now go home. Okay lang naman. Maiintindihan naman nila Holly kung uuwi ka na at hindi na makakasama ngayon kaya—"

"Shut up Andrea!" I glared at her.

Hindi siya nakakatulong sa akin ngayon at isa ito sa mga ayaw na ayaw ko! Ayaw kong makitang natatalo ako dahil kahit kailan ay hindi nangyari 'yon! I am Saryna Rozovsky and I always win!

"You know what? Why don't you get lost, pack up your things, and go back to where you came from because you don't belong here. Nobody needs you. I don't need you and you're just making me hate you more—ah!"

Isang malakas na sigaw ang pumutol sa aking litanya at lumabas sa aking bibig nang imbes na patapusin ako't sundin ay agad niya na lang akong binuhat at inilagay sa kanyang balikat para ilayo sa club at dalhin pabalik sa aming sasakyan!

"Gago ka ibaba mo ako! Ibaba mo ako! I hate you! I hate you so much you devil!" galit na galit kong pinagsasasapak ang kanyang likuran habang pilit na nagpupumiglas sa kanyang pagkakabuhat!

I tried kicking him. Sinapak at sinabunutan ko na rin pero para itong manhid sa lahat ng mga pananakit ko at bingi sa aking mga salita.

"Animal kang hayop ka ibaba mo sabi ako! You're going to regret this! You're going to regret everything you fucker!"

I was about to kick him with all my strength when I felt his hand slapped my buttocks hard! Nanlaki ang mga mata ko. Dahil sa lakas no'n ay parang ilang beses pang nag-bounce ang mga taba sa pwet ko!

Did he just fucking slapped my butt to shut me up?!

Marami pa akong gustong sabihin at ilabas na mura pero hindi ko na nagawa dahil sa pagkabigla ay para akong naestatwa. I still could feel his hand on my buttocks even when he put me inside the car like an innocent baby in need of too much attention. Kahit nang makasakay na siya sa driver's seat at mabuksan ang sasakyan ay lutang ako. My thoughts were screaming, but my lips remained sealed. I wanted to shout. I wanted to hurt him more, but my strength has left me right after what he did.

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Where stories live. Discover now