CHAPTER 5

6K 97 3
                                    

Chapter Five

Chaos


"Saryna it's nice to see you back!" hiyaw ni Queeny matapos akong matanaw papasok sa loob ng luxury resort and casino na pinangyayarihan ngayon ng isa nga sa pinakamalaking party ng taon.

Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi. Our other friends stood up when they saw us. Gano'n rin ang ginawa kong pagbati sa kanila. They gave me shots before I could even sit on the couch.

Lahat sila ay naghiyawan nang imbes na isang shot lang ay kumuha pa ako ng tatlong tequila shot sa lamesa at sunod-sunod iyong tinungga, letting them know that I am back. Hindi ko man intensiyon na maging sakit na naman ng ulo ng pamilya ko ngayon pero hindi ko maipagkakailang sobrang na-miss ko ang lugar at ambience na ito.

This is really my world. These are my people and my heart was at peace whenever I couldn't hear the beat of it because of too much noise. Mas napapahinga ang isip at buo kong pagkatao sa ingay ng club at mga taong nagkakasiyahan dito.

Ilang minuto pa lang ay nakailang shot na ako ng alak sa dami ng mga kaibigan at kakilalang lumapit sa table namin para batiin ako. After drinking my eight shot, niyaya naman ako nila Andrea at Holly sa dance floor.

Hindi nagtagal ay nakikisabay na rin ako sa mga naroon, tuluyan nang nakalimutan ang kung sinong Saryna na pilit kong binuo nitong mga nakaraang linggo para pagbigyan ang mga mahal ko sa buhay.

I danced my heart out. Kahit naroon na't nakikipagsayaw kung kani-kanino ay hindi ako nakaligtas sa kaliwa't kanang tagay ng iba't ibang klase ng alak. I continued dancing with some familiar faces until my eyes finally caught Valeron coming to the dance floor.

"Want to come to our table, Saryna?" nakangising tanong ng lalaking nakahawak sa aking bewang pero imbes na magpahila sa kanya patungo sa kung saan ay parang nakukuryente ko lang hinawi ang mga kamay niya sa bewang ko.

He was hot and all that, but nobody beats Valeron in my heart right now. It was unusual for me to have a crush, but there was something in Valeron that keeps pulling me towards him. I always wanted to meet the man pero sa tuwing malapit nang magtagpo ang mga landas namin ay palagi namang nagkakaroon ng aberya. But today was an exemption.

I licked my lips and comb my hair using my fingers before pushing the people to clear my way to Valeron. He was currently with his friends on the dance floor. May mga babae sa paligid niya at iyon ang naging motivation ko para mas bilisan ang paghakbang. With five long steps, I reached him.

Tumalikod ako matapos hablutin ang baso ng beer sa lalaking nadaanan ko pagkatapos ay marahas na itinulak ang sarili palapit kay Valeron. I purposely poured the drink on my white shirt to caught his attention more.

"I'm sorry!"

We both exclaimed. Sandaling humawi ang mga taong nasa paligid namin para lang makapihit siya paharap sa akin. Pinigilan kong mapapikit nang maramdaman ang paghawak niya sa aking balikat. I immediately gripped his hand so I wouldn't fall.

"I'm sorry, Miss! Are you okay?"

Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya. Hindi ko inasahang mas malalasing ako nang magkatitigan kami dahil sa lakas ng kalabog ng aking dibdib. It has been a long time since I felt butterflies in my stomach, but it was all I could feel while staring into his orbs.

"I'm okay. I'm sorry rin."

He chuckled and then helped me get into my feet. Sakto namang muling nagkagitgitan nang magbago ang tugtog kaya muli kaming nagkadikit. He grab the drink in my hand and chug it before tossing the red cup away.

"Hindi ka na mababasa." he said, now smiling from ear to ear and probably flirting with me, too.

Kahit na kilig na kilig ako at para akong masusuka sa paraan ng pagtitig niya ay hindi ako nagpatalo. Napalunok siya nang hindi inaasahang inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg.

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Where stories live. Discover now