CHAPTER 13

5.4K 133 6
                                    

Chapter Thirteen

Tequila

"I love seeing you this behaved, Saryna." Mommy said while we were on her favorite coffee shop.

Niyaya niya akong lumabas nang maabutan niya ako kinabukasan na dito na mag-breakfast kasama siya. It has been a long time since we spent some quality time together. Noong bata pa ako ay madalas ako ang kasama niya at close naman kami pero hindi ko alam kung kailan iyon nagbago. As I've said, it has been a long time.

Pinilit kong ngumiti nang makaramdam ako ng guilt habang nakatitig sa kanya. Don't get me wrong. I may have been a real pain in the ass, but I love my parents so much. Ngayong nakikita ko siyang masaya sa pagiging matino ko lately ay sumasaya rin ang puso ko.

"And I miss spending time with you."

"Same, mom." Tanging nasabi ko na lang kahit na gustong magtuloy ng mga salita ko upang humingi na rin ng tawad sa kanya sa pagiging sakit ng kanyang ulo.

"Your father told me that you've been great in school, too. Sobrang proud namin sa 'yo, you already know that right?"

"I do, mommy. And I thank you both for always putting up with me."

Pinagdiin niya ang mga labi at saka inabot ang aking kamay. Kahit na mukhang stressed siya sa akin nitong mga nakaraan ay napakaganda pa rin ni mommy. No wonder why I am so damn beautiful, too. Her genes and my father combined was a masterpiece. Hindi na rin nakapagtataka na natisod niya ang isang Thelonious Auxerre Rozovsky. They were perfect for each other.

"I know you're mad with your father's decision on you having a bodyguard and I know you don't like to follow rules, but please understand that we only do this because we love you. I don't want to see you again in the hospital or worst, somewhere else, Yna. Masyado ng maraming nangyari sa pamilya natin at ang lahat ng gulo noon ay ayaw ko nang masaksihang muli. I want all of you to live a good and quality life away from all the chaos this world has. Hangga't maaari ay gusto kong mamuhay kayo ng tahimik ng mga kapatid mo. Peace and joy is what I really wanted for all of you. Kahit iyon lang kaya huwag mo sanang masamain ang mga paghihigpit namin sa 'yo ng daddy mo."

I get it. Alam ko namang tama rin ang mga ginagawa nila, but this is me. I like living my own way and even though I know they were just worried, alam ko rin sa sarili kong kaya kong harapin ng mag-isa ang lahat. I can handle myself and there's no need for anyone to be bothered about my life. Kahit na gano'n ay nagpakumbaba ako. I don't want to hurt her anymore.

"I know mom. Gusto ko ring malaman n'yo na kaya ko ang sarili ko at pagkatiwalaan n'yo ako palagi. I can handle myself, really."

Mom's smile faded a bit. Nagkalat ang pag-aalala sa kanyang mukha pero pilit pa rin akong iniintindi.

"I trust you Yna, I do, but not this world and most of the people in it. Seeing you at the hospital was the end of the line for me. Ayaw ko nang mangyari ulit 'yon."

"It was just a misunderstanding mom. Hindi na 'yon mauulit, I promise you."

Kahit na hindi pa rin siya palagay ay hindi na lang rin ito nakipagtalo dahil baka masira pang pareho ang araw namin.

The chit-chat went on. Napag-usapan namin ang pag-aaral ko, ang mga kaibigan ko at kung paano ako nag-a-adjust. It was just a casual and fun conversation until she mentioned Raglan—who was currently sitting across the coffee shop and waiting for us to finish.

Damuhong 'yon. Nag-iinit pa rin ang dugo at buong pagkatao ko sa tuwing nakikita siya.

"How's your new bodyguard? Is he giving you a hard time?" Tanong niyang hindi ko alam kung paano sasagutin.

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora