PROLOGUE

16.6K 212 6
                                    

Prologue



It was all about fun and games and just feeding my wildness after the man I had my eyes on rejected me. It was all about comforting my fucking ego, but I didn't expect for things to turn up-side down the same day I confessed to my cousin about getting sexually assaulted by a random stranger.

"I-I didn't mean it. I didn't mean it Saryna..."

"What do you mean, Damien?! Why?! Just why?!" paulit-ulit iyong isinisigaw ng nanginginig kong mga labi habang siya naman ay paulit-ulit ring sinasambit ang mga katagang iyon.

My hands were shaking. My foot on the accelerator was becoming numb. My tears were uncontrollably falling from my eyes. Putang ina, umiiyak ako! Para bang iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon!

All I could hear was the constant screaming in my head. Nabibingi ako kahit na wala namang ibang sinasabi si Damien at mahina lang ang boses niya sa loob ng aming sinasakyan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko pero mas lalo pa akong hindi napakali nang sunod na marinig ang sunod-sunod na putok ng baril na tumama at bumasag sa likurang salamin ng sasakyang aking minamaneho.

"Shit! shit!"

My heart jumped on my throat after seeing two black SUV chasing us! Hindi lang iyon ang nagpapabaliw sa akin kung hindi ang isiping ang mga armadong humahabol sa amin ni Damien ay walang ibang gagawin kung hindi ang patayin kami! And we can't do anything but to outrun them!

"S-Saryna t-they are chasing us. T-they're going to kill us, Saryna!"

"I know Damien! I fucking know that! Fuck!"

"Do something! Please don't let them catch us! Please help me!"

Without a doubt, I stepped on the accelerator. Mabilis naming naiwan ang mga sasakyang humahabol kahit na nakailang putok pa sila ng baril sa amin. Good thing Damien brought his sports car because if not, we're totally screwed.

My heart was pounding hard. Bukod sa mga luha ay kahit na malamig ang sasakyan ay pinagpapawisan ako ng malagkit. The air smells blood, too. Everything was making me puke, but I had to continue driving fast! Kahit na hindi ko na makita sa rear view ang mga SUV ay hindi ko binagalan ang pagpapatakbo. Damien continued begging me to save us. Kung kanina ay tulala lang siya at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari at nagawa, ngayon ay umiiyak na rin itong muli gaya ko.

The sight of him crying stabbed me right in the chest. Mas lalo akong naluha sa kalagayan niya. Then comes guilt after the realization that it was my fault. Everything was my fault. Siya man ang gumawa at may dahilan ng gulong ito pero sa akin nagsimula ang lahat. Ako ang may kasalanan at wala akong ibang dapat gawin ngayon kung hindi ang protektahan siya.

Nanginginig ang kamay kong pilit na kinuha ang aking telepono sa aking bag. Damien's hand stopped me.

"Saryna no. J-just drive please—"

"Stop it Damien! We are in danger and we need back up! Kailangan natin si Daddy at hindi ang mga rules mo pagdating sa kalsada!"

"No! Please no! Don't call them! Please don't let them know!"

"Damien—"

"Uncle Patek! Call Uncle Patek instead!"

"Damien!"

Imbes na pakinggan ako ay marahas niyang hinablot sa akin ang aking cell phone. He dialed Uncle Patek's phone number and seconds later, the man was already on the line.

"I-I need you. S-Saryna and I need you Uncle Pats, please help us. Please help."

I let him them talk for a moment. Nag-focus akong muli sa pagmamaneho kahit na hindi ko na alam kung saan pa kami patungo. Pakiramdam ko kahit na matino ang utak ko at wala ni isang patak ng alak o hithit ng marijuana ngayon ay lasing at high na high ako.

I felt like everything was in slow motion even though I was driving almost two hundred miles per hour. I could feel and even hear my own blood rushing all over my body. My senses were very active that everything hurts. Kahit ang hangin ng aircon na tumatama sa mukha at katawan ko ay parang mga karayom na tumutusok sa aking balat.

I don't know how long I was driving on the express way while bawling my eyes out until I stopped and saw Raglan Hozier. My bodyguard, the man in his fucking stupid lame red suit who also chased us and found us.

I blanked out after storming out of the car to face him. I screamed, cursed, and slapped him repeatedly. Hindi ko na makontrol ang aking sarili. My whole body was shaking. I was so mad and I am a mess! Wala na akong gustong gawin kung hindi ang saktan siya at kung hindi pa ako pinigilan ni Damien ay hindi iyon matatapos.

"I hate you! I-I hate you!" Paulit-ulit kong sambit habang pilit akong inilalayo ng pinsan ko rito.

Seeing him made me realized that it was not my fault but his. Siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang ugat at pinagmulan ng problema at siya ang dapat managot hindi kami ni Damien! Siya lang wala ng iba!

The Man In Red Suit [The Rozovsky Heirs 6]Where stories live. Discover now