Chapter 02

24K 341 27
                                    

Warning: This story may not be suitable for a very young age due to some unscripted words...

---

DANNELLE'S POV

"I am very sorry, ma'am. It's the company's policy not to accept anything from anyone unless it's expected. I would suggest setting an appointment first before proceeding."

Nadismaya ako sa sinabi ng receptionist nang malaman kong mahigpit pala ang patakaran ng YGGC at hindi pala basta-basta ang pagpasok dito.

Napanguso ako habang pinagmamasdan ang dala kong bayong na naglalaman ng mga niluto kong pagkain. Naghanda ako ng simpleng tanghalian na siyang ibibigay ko sana kay Mr. Ylvania para makapagpasalamat man lang sana. Nitong mga sumunod na buwan kasi ay nagtaka ako nang mapansin ko ang biglaang pagtaas ng allowance na natatanggap ko. Akala ko pa noong una ay baka nagkamali lang ang ipinadala sa account ko ngunit nalaman kong tumaas daw 'yon dahil isa ako sa mga nakapasok sa dean's list. Kasunod din nito ay ang isa pang magandang balita mula naman sa amo ko kung saan ako naninilbihan bilang isang waitress sa pagmamay-ari niyang beerhouse, sinabihan niya kasi akong hindi ko na kailangan mag trabaho para makapag-aral daw ako lalo ng mabuti tutal ay sobra-sobra na raw ang pinapadala sa akin ng YGGC. At bago pa matapos ang huling araw ko sa club ay binigyan pa ako ng amo ko ng magaganda at bagong mga damit at iba pang mga kagamitan na maaari kong magamit sa pag-aaral at ipinahiram pa niya sa akin ang pag-aari niyang bakanteng apartment na malapit sa paaralan na pinapasukan ko para hindi na raw ako mahirapan pumasok. Dahil sa tuwa ko ay naghanda ako ng simpleng pasasalamat at naisipan kong dalhan din si Mr. Ylvania.

"Ganoon po ba? Sige ho, naiintindihan ko po kayo. Pasensya na po sa abala. Salamat po." Ngumiti ako at nagpaalam.

Hindi pa ako nakakahakbang nang biglang may lumapit sa amin na isang lalakeng may katandaan na. Nakasoot ito ng amerikana at kurbata.

"Good morning! Is there any problem here?" tanong nito.

"Good morning, Sir Thomas. This is Ms. Dannelle Gervacio, she came to bring something for Sir T.R.Y, but the system failed to show any records regarding her appointment with us," paliwanag ng receptionist sa lalake, na kung titignan ay may mataas itong katungkulan sa kumpanya.

Nakangiting humarap ang lalake sa akin at binati ko siya, "Magandang umaga, Sir. Ako po si Dannelle Gervacio."

"Please to meet you, Miss Gervacio." Napatingin ito sa bitbit kong bayong.

"Pasensya na po sa abala, hindi ko po kasi alam na mahigpit pala ang patakaran dito. Aalis na lang ho ako, pasensya po ulit."

"It's okay. Ano ba ang mga dala mo?" tanong nito.

"Mga niluto ko po, gusto ko po sanang ibigay kay Mr. Ylvania para po sana makapagpasalamat man lang sa scholarship na natangap ko. Naiintindihan ko po ang patakaran niyo kaya hindi ko na lang po ipipilit."

Ilang saglit bago siya muling nagsalita, "By the way, I am Thomas, the Executive Assistant of Mr. Travis Ruiz Ylvania, the sole owner of this company. I can bring you to him right now if you don't mind."

"Talaga ho? Maraming salamat po." Laking tuwa ko nang malaman 'yon.

Sumunod ako kay Mr. Thomas papunta sa elevator. "That elevator is exclusive only for Mr. Ylvania, walang sino man ang maaaring gumamit nito kundi siya lamang." Itinuro niya ang nag-iisang elevator sa dulo, ilang hakbang lang ng kaunti mula sa kinaroroonan ng elevator kung nasaan kami nag-aabang.

"Talaga ho?" Namilog ang mga mata ko sa nalaman.

Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kaengrandeng lugar at kamangha-mangha ang lahat ng kakaiba at makabagong teknolohiya na nakikita ko.

RAGE AND PASSION [The Eligible Bachelors Series]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin