HOW? 11

24 2 0
                                    


Lah. Gagala raw kami?


Since Arts Appreciation naman daw ang pangalan ng subject namin, why not daw na magpunta kami sa art museums. Free entrance naman daw kaya no excuse para hindi kami pumunta.


Dapat next week kaso, gusto nila ngayon. 


Thursday nang hapon.


"Uwi na tayo, Marchie."


Napatingin ako kay Johnny nang makalabas kami ng room. "Una ka na. May pupuntahan kami ng mga kaklase ko sa Arts."

"Saan kayo pupunta?"

"Sa art museums, sa Manila. Around 2:30 pa naman kami magkikita sa project area kaya, doon muna ako tatambay."

"E, 'di kain muna tayo habang hinihintay mo sila."


Bigla na lang niya hinawakan ang kanan kamay ko at hinila palabas ng building na 'to. Hanggang sa makarating na kami sa plaza. Kaso, ang daming tao lalung-lalo na ang karinderya na palagi namin pinupuntahan noon ni Clara.


Ah, shet. Nakakamiss sila. Huhu.


"May pares na pala rito."


Tumingala ako kay Johnny, putek kasi ang tangkad niya. Tumingin siya sa akin at tinuro ang sinasabi niyang kainan ng pares.


Isang food stall ang nakita ko. Kaso, nasa kabilang street pa. Kaya tumawid kami ni Johnny. Weird lang kasi magka-holding hands kami. Pero, ayos na rin naman sa'kin dahil takot ako tumawid. Hindi ko lang pinapahalata, nakakahiya, e.


"Madami kumain dito kanina pagbaba ko ng jeep. Puro mga marino ang kumakain," sabi niya.


At dahil diyan, tinignan ko ang stall. Walang upuan pero may tatlong matangkad na lamesa rito. Nakatapat ang stall sa isang building na... hindi ko alam kung may gumagamit ba nito or sarado lang. 


"Libre ko na."


Ugh, yes! Thank you! May pasamahe ako nito mamaya papunta at pag-uwi!


Dinala na niya rito sa pangalawang lamesa ang isang tray na may pares at apat na cup ng garlic rice. Pagkatapos, bumili pa siya ng bottled water at isang bote ng softdrinks.


Oo, may tubig at softdrinks. Napaka-healthy ng inumin namin.


"Ang dami mo namang kanin," sabi ko nang kniuha ko na ang isang cup ng kanin.

"Huh? Tag-dalawa tayo ng kanin. Ano ka ba." Sinalan na niya sa pinggan ko ang isa pang cup ng garlic rice sa pinggan. "Ang payat-payat mo na. Kailangan mong kumain nang marami lalo na't aalis ka ngayon."

Hindi ko na mapigilan na tumingin sa kanya, nagsisimula na siyang kumain at nagbukas na rin ng bote ng softdrinks.


Why so sweet naman this guy?


"Alam kong may crush ka sa'kin kaya kumain ka na riyan."

How To Write A Love Story?Where stories live. Discover now