HOW? 8

39 2 0
                                    


"Paano mo malalaman kung siya na talaga?"

"Hindi mo naman kailangan ng love calculator para lang malaman kung siya na ba talaga, e."

"Hayun lang naman ang accurate na pwede ko i-calculate ang love namin ni—"

"Gaga! Kaya ka nauubusan ng data kaka-compute mo sa love calculator na 'yan!"

"Eeehh!" Napakapit ako sa kanya habang pinipisil ko ang kaliwang braso niya. Alam kong pinagtitiningan na kami ng mga tao rito habang nakapila kami sa cashier.

"Ano'ng 'eeh!'? Para kang bata!"

"E, mas bata ako kaysa sa'yo."

"It doesn't matter, honey. As long as naniniwala ka sa mga ganyan, habam-buhay kitang tatawagin 'bata'!"

"Ano ba!"

"Listen," inandar muna niya ang cart saka siya humarap sa akin. "I am trying to save from that guy na kinababaliwan mo."

"Hindi siyang masamang tao."

"I know, I know. Nakita naman natin last time, right?" Tumango naman ako. "There is something in him na hindi ko gusto."

"Alin 'yon?"

Ngumisi pa siya. "Secret."

"Halaaa!"

"Bahala ka, honey. Ayaw mo naman ata maniwala sa akin," sabi niya tapos tumingin siya sa phone.


E, hindi nga ako maka-move on sa kanya kahit na may boyfriend ako—



"March Monarie!"

Inangat ko agad ang aking ulo, boses ata ni Johnny 'yon. Nasaan siya?

"Dito sa likod."

May nakita na lang ako na upuan sa right side ko, tapos si Johnny na ang umupo matapos niyang nilagay sa table ang bag niyang malaki.

"Ano'ng ginagawa mo rito sa project area?"

"Nagpapahinga." 

Pero, mukhang nakita naman niya na hawak ko ang phone. Pocha kasi, ang haba ng vacant ko ngayon. Hindi pumasok si kuya Tonni sa Management namin. Absent pa si Dari.

"Ah, ako rin. Magpapahinga," sabi niya. Pagkatapos, naglabas din siya ng phone at notebook.

"May quiz ka, 'no?"

Tumango naman siya. "Taxation."

"Hoy, sino ang prof niyo?" bigla na lang siya tumingin sa akin nang nag-flip siya sa notebook.

"Bakit? May taxation ka bang in-enroll ngayon?"

"W-wala. Baka next sem or next school year."

"Hmmm." Naglabas pa siya ng calculator at ballpen.

"Sa department natin, may dalawang panot na prof doon. 'Yon isa, bading tas 'yon isa, manyakis."

"Talaga?"

Tumango naman siya. "Bale, 'yon manyakis ang nagtuturo ng taxation. Dalawang prof ang nagtuturo ng taxation. 'Yon manyakis na 'yon at si sir Montemay."

Tuloy pa rin siya sa pag-scroll sa phone niya. Maya-maya, naghalungkat siya sa bag at naglabas ng... tablet.

How To Write A Love Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon